Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Notes

Inaasahang Pagkatuto

  • Nailalarawan ang sitwasyong pangwika sa Pilipinas noong panahon ng pananakop.
  • Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa wika mula sa panahon ng Pananakop.
  • Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay sa wikang Pambansa.
  • Nagagamit ang kasanayang komunikatibo bunga ng masusing pakikinig, pananaliksik at pagsusuri.

Introduksyon

  • Tatalakayin ang kasaysayan ng Wikang Pambansa mula sa panahon ng mga Kastila, Propaganda, Himagsikan, hanggang sa pananakop ng mga Amerikano.
  • Bawat yugto ng kasaysayan na ito ay nagbigay-daan sa mga makabuluhang pagbabago at pag-unlad ng ating wika.
  • Mahalagang maunawaan ang mga pagbabagong naganap sa ating wika sa bawat panahon, sapagkat ang wikang ating ginagamit ngayon ay bunga ng mahabang proseso ng pagbabago at pakikibaka.

Panahon Espanyol

  • Ang kontrol sa wika ay naging mahalagang aspeto ng estratehiya ng mga Kastila upang mapanatili ang kapangyarihan sa Pilipinas.
  • Pinamunuan nila ang pamahalaan, ekonomiya, relihiyon, at sistemang pang-edukasyon.
  • Tinawag ng mga Espanyol na "Indio" ang mga katutubo.
  • Ang tawag na "Pilipino" ay eksklusibong inilalaan noon sa mga Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas, na tinawag ding mga "insulares" o "creoles."
  • Bago pa man dumating ang mga Kastila, ang mga Pilipino ay may sarili nang sistema ng pagsusulat at wika, na patunay ng mayamang kultura at kasaysayan ng bansa.
  • Pagpapakilala ng alpabetong Espanyol, o "abecedario," na hango sa alpabetong Romano. Ang alpabetong ito ay binubuo ng 29 na letra at nakabatay sa Romanong paraan ng pagbigkas at pagsulat.
  • Inatasan din ng hari ng Espanya ang mga Espanyol na pag-aralan ang mga katutubong wika at ituro ang wikang Espanyol sa mga katutubo. Gayunpaman, hindi ganap na naisakatuparan ang mga utos na ito ng mga opisyal ng Espanyol.
    • Mababa ang tingin ng mga Espanyol sa mga katutubo.
    • Nais ng mga Espanyol na manatiling hindi nakakaalam ang mga katutubo tungkol sa mga patakaran ng pamahalaang kolonyal.
    • Ayaw nilang magkaintindihan ang iba't ibang grupo ng katutubo, kaya't pinili nilang panatilihin ang paggamit ng mga katutubong wika.
  • Bago dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas ay may iba’t ibang katutubong wika na umiiral sa Pilipinas. Ilan sa mga ito ay ang Ilokano, Tagalog, Bikol, Cebuano, at Tausug.
  • Mayroon din tayong sariling alpabeto na tinatawag na Baybayin. Ang katutubong alpabetong ito ay binubuo ng 17 titik: tatlong patinig at labing-apat na katinig.
  • Ang pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas ay hindi lubusang nagpabago sa mga wika ng Pilipinas. Bagama’t ipinakilala nila ang wikang Espanyol, nanatili ang mga katutubo sa paggamit ng kanilang sariling mga wika.
  • Ang mga karahasang ito ang nagbunsod sa pagkakaroon ng mga pag-aalsa sa iba’t ibang bahagi ng bansa, na nagsilbing simula ng Rebolusyong Pilipino.
  • Ang hindi pagsunod ng mga opisyal ng pamahalaang kolonyal sa kautusan ng hari na ituro ang wikang Espanyol sa mga katutubo ay nagdulot ng ilang mahalagang epekto:
    • Nahirapan ang mga katutubo na iparating sa Espanya ang kanilang totoong kalagayan.
    • Naging mahirap para sa mga katutubo ang makipag-ugnayan sa iba pang katutubo mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
    • Nabuo ang pananaw ng mga katutubo na higit na mababa ang halaga ng kanilang mga katutubong wika kumpara sa wikang Espanyol.

Panahon ng Propaganda

  • Ang panahon ng Propaganda at Himagsikan ay isang makasaysayang yugto sa kasaysayan ng Pilipinas kung saan naging mahalaga ang papel ng wika sa paghubog ng pambansang kamalayan at pagkakaisa.
  • Sa panahon ng Kilusang Propaganda, ang mga “ilustrado” ang mga itinuturing na edukado ay nagsimulang gamitin ang kanilang kaalaman upang ipahayag ang kanilang mga hinaing laban sa kolonyal na pamahalaan.
  • Ginamit nila ang wikang Espanyol at Tagalog sa kanilang mga sulatin, tulad ng mga pahayagan, aklat, at sanaysay, upang maabot ang mas maraming mamamayan. Ang "La Solidaridad," isang pahayagang itinatag ng mga repormistang Pilipino, ay naging daluyan ng kanilang mga ideya at panawagan para sa reporma.
  • Ang Tagalog ay nagkaroon ng mahalagang papel sa mga akda ng mga kilalang propagandista tulad nina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, at Graciano Lopez Jaena.

Panahon ng Himagsikan

  • Nang sumiklab ang Rebolusyong Pilipino, ang Tagalog ay higit pang naging opisyal na wika ng pakikipag-ugnayan at organisasyon.
  • Ito ang wika ng Katipunan, ang lihim na samahan na pinamunuan ni Andres Bonifacio.
  • Ginamit ang Tagalog sa mga dokumento at kautusan ng Katipunan, tulad ng Kartilya.
  • Ang Kartílya ng Katipúnan ang popular na tawag sa akda ni Emilio Jacinto na naglatag ng mga batas at prinsipyo ng Katipunan at nagsilbing gabay para sa mga kasapi.
  • Noong taong 1897, sa ilalim ng pangunguna nina Felix Ferrer at Isabelo Artacho, naisaayos ang Konstitusyon ng Republika ng Biak-na-Bato, na itinatag ni Emilio Aguinaldo at mga opisyal ng Rebolusyong Pilipino.
  • Inakda nina Felipe Calderón at Felipe Buencamino ang Konstitusyong Malolos na nilagdaan noong ika-21 ng Enero 1899.
  • Ayon sa konstitusyong ito, ibinalik ang Espanyol bilang pansamantalang opisyal na wika habang isinasagawa ang proseso ng pagpili ng isang opisyal na wika mula sa mga wikang sinasalita sa Pilipinas.
  • Ayon sa konstitusyong “Tagalog ang dapat na maging wikang opisyal ng Republika.”

Panahon ng Amerikano

  • Sa pagdating ng mga Amerikano sa Pilipinas, nagaganap pa ang Rebolusyong Pilipino laban sa mga Espanyol.
  • Sa pamamagitan ng Kasunduan sa Paris noong ika-10 ng Disyembre 1898, ipinagbili ng Espanya sa Estados Unidos ang karapatan sa pamamahala ng Pilipinas sa halagang 2020 milyong dolyar.
  • Sa ilalalim ng Benevolent Assimilation, sa pamumuno ni Pangulong William Mckinley ipinahayag na pumasok sa Pilipinas ang mga Amerikano hindi bilang mga mananakop kundi bilang mga kaibigang mangangalaga sa tahanan, hanapbuhay, at karapatang pansarili at panrelihiyon ng mga Pilipino.
  • Upang mataya ang kalagayan ng teritoryong napasailalim sa kanilang pamamahala, nagpadala si McKinley ng dalawang komisyong mag-aaral dito, ang Komisyong Schurman at ang Komisyong Taft.
  • Sa pagdating ng mga Amerikano sa Pilipinas, isinagawa ang Komisyong Schurman noong ika-20 ng Enero 1899, na pinamunuan ni Dr. Jacob Schurman.
    • Higit na pinipili ng mga pinunong Pilipino ang Ingles bilang wikang panturo.
    • Ingles umano ay itinuturing na isang mahalagang instrumento sa pagbubuklod ng mga mamamayan at sa pagpapalaganap ng prinsipyo ng demokrasya.
  • Dahil dito, inirekomenda ng komisyon ang pagtuturo ng Inglessa mga paaralang primarya sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa.
  • Ang Komisyong Taft ay ang ikalawang komisyon na ipinadala ng dating Pangulong William McKinley sa Pilipinas upang magbigay ng mga rekomendasyon ukol sa pamamahala ng bansa. Pinamunuan ito ni William Howard Taft.
  • Ayon kay Taft, napili ang Ingles bilang opisyal na wika ng Pilipinas dahil sa ilang kadahilanan: ito ay itinuturing na "wika ng Silangan," wika ng isang demokratikong institusyon, wika ng kabataang Pilipino na hindi marunong ng Espanyol, at wika ng pwersang namamahala sa Pilipinas noong panahong iyon.
  • Noong ika-21 ng Enero 1901, inilabas ang Batas Blg. 7474 ng Komisyong Taft, na nagtatag ng Department of Public Instruction. Ito ang kasalukuyang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd).
  • Isa sa mga pangunahing layunin ng ahensiya ay ang pagtuturo ng Ingles bilang pangunahing wikang panturo sa lahat ng pampublikong paaralan, hangga’t maaari.
  • Nagpadala ng mahigit sa 500500 gurong Amerikano na lulan ng United State Army Transport (USAT) Thomas ang dumaong sa Maynila noong ika-23 ng Agosto, 19011. Tinawag silang “Thomasite teachers”.
  • Nagpatayo ng mga paaralang pambayan pagdaragdag ng mga posibilidad pampaaralan, at pagaangkat ng mga materyales na panturo mula estados Unidos na nagpatatag sa pagtuturo ng Ingles.
  • Naglabas si Newton W. Gilbert ng mga kautusan upang palaganapin ang pag-aaral at paggamit ng Ingles.
    • Dapat isulat sa Ingles ang mga katitikan ng pulong ng mga sangguniang pambayan at panlalawigan.
    • Ang lahat ng opisyal na sulat, maging para sa pamahalaan o pribadong sektor, ay dapat nakasulat sa Ingles.
    • Bibigyan ng priyoridad ang mga may sapat na kasanayan sa Ingles, sa parehong pasalita at pasulat,sa pagtaas ng ranggo.
  • Bagamat unang ipinahayag na tagumpay ang pagpapalaganap ng Ingles sa bansa, lumabas sa pag-aaral ni Henry Jones Ford ang mga sumusunod:
    • Walang malinaw na resulta ang pagtuturo ng Ingles sa mga Pilipino,sa kabila ng malaking gastos ng mga Amerikano.
    • Mahirap unawain ang Ingles na sinasalita ng mga Pilipino, ayon sa kanyang obserbasyon.
    • Mas pinipili pa rin ng mga Pilipino na magbasa at makipagkomunikasyon sa kanilang katutubong wika.
    • Ang Espanyol ay nanatili pa ring ginagamit bilang wika ng komunikasyon sa ilang aspeto.
  • Dahil sa mga natuklasang ito, inirekomenda ni Ford ang paggamit ng wikang katutubo bilang wikang panturo sa mga paaralan.
  • Noong 1935, itinatag ang Pamahalaang Commonwealth bilang paghahanda sa kalayaan ng Pilipinas mula sa pananakop ng mga Amerikano.
  • Sa pamamagitan ng Commonwealth Act No. 184184 na isinabatas noong Nobyembre 13, 1936, nilikha ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP).
  • Noong 1937, idineklara ni Pangulong Manuel Quezon ang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa.

Buod

  • Ang kasaysayan ng wikang pambansa ay isang paglalakbay ng mga Pilipino sa kanilang paghanap ng identidad at kalayaan.
  • Ang ating wika ay hindi lamang isang kasangkapan ng komunikasyon; ito rin ay tagapagtaguyod ng ating kultura, kasaysayan, at mga pambansang halaga.
  • Muling Pagsusuri sa Mahahalagang Punto:
    • Panahon Bago Dumating ang mga Espanyol: Mayroon nang sariling wika, alpabeto, at sistema ng pagsulat ang mga Pilipino.
    • Panahon ng Espanyol: Ang hindi pagtuturo ng wikang Espanyol sa mga katutubo ay nagpapatunay ng hindi pagkakapantay sa pagitan ng mga mananakop at mga Pilipino. Ang Tagalog ang naging opisyal na wika ng Republika ng Biak-na-Bato, habang ang mga rehiyonal na wika ay nagbigay-diin sa pagkakaisa laban sa pananakop.
    • Panahon ng Amerikano: Ginamit ng mga Amerikano ang wikang Ingles sa edukasyon upang higit na maimpluwensiyahan ang mga Pilipino, at ito ay naging pangunahing wikang panturo sa mga pampublikong paaralan.
    • Pagtatatag ng Surian ng Wikang Pambansa: Noong 1936, itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa upang pag-aralan ang mga katutubong wika at pumili ng batayan para sa wikang pambansa.
    • Pagpili sa Wikang Tagalog: Noong 1937, idineklara ni Pangulong Manuel Quezon ang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa.