knowt logo

AP GLOBALISASYON 

Hamon ng Globalisasyon

Ang leksyon na ito ay denisenyo at isinulat para sa pangkaisipan. Ito ay tumutulong na masuri ng mga mag aaral ang implikasyon ng globalisasyon. Ang saklaw ng modyul na ito ay upang masuri ang mga implikasyon ng globalisasyon sa lipunan sa larangan ng teknolohiya.

Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon hindi mapasusubalian ang impluwensiya ng globalisasyon sa buhay ng tao. Nagdala ito ng mga pagbabagong nagpabuti sa ilang aspeto ng ating buhay ngunit kalakip din nito ang mga suliraning kailangang harapin at bigyang katugunan. Malaki ang ginagampanan ng pamahalaan sa pagharap sa hamon ng globalisasyon maging ito man ay sa dimensyong ekonomikal, politikal o sosyo-kultura. Narito ang ilang solusyon sa pagharap ng hamon ng globalisasyon na isinasakatuparan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

  • Guarded Globalization Pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na naglalayong hikayatin ang mga lokal na namumuhunan at bigyang proteksyon ang mga ito upang makasabay sa kompetisyon laban sa malalaking dayuhang negosyante. Ilan sa mga halimbawa ng polisyang ito ang:

  • Pagpataw ng taripa o buwis sa lahat ng produkto at serbisyong  nagmumula sa ibang bansa. Sa ganitong paraan ay mas tumataas ang halaga ng mga ito kaya naman mas nagkakaroon ng bentahe ang mga produktong lokal;at

  • Pagbibigay ng subsidya ( subsidies ) sa mga namumuhunang lokal. Ang subsidiya ay tulong na ibinibigay nito sa mga magsasaka. Isa pang anyo ng subsidiya ay ang pagbawas ng buwis sa mga produktong lokal kaya naman murang naipagbili ang mga ito. Bukod sa United States, ang China at Japan ay nagbibigay rin ng malaking subsidiya sa kanilang mga namumuhunan.

  • Patas o Pantay na Kalakalan ( Fair Trade ) Ayon sa International Fair Trade Association ( IFTA ), ito ay tumutukoy sa pangangalaga sa panlipunan, pang-ekonomiko at pampolitikal na kalagayan ng maliliit na namumuhunan. Para naman sa pananaw ng neoliberalismo, ang fair trade ay nangangahulugan ng higit na moral at patas na pang-ekonomiyang sistema sa daigdig. Layunin nito na mapanatili ang sasyon sa pagitan ng mga bumibili at nagbibili upang sa gayon ay mapangalagaan hindi lamang ang interes ng mga negosyante kunid pati na rin ang kanilang kalagayang ekolohikal at panlipunan.

Binibigyang pansin din nito ang ilang mahahalagang dimensyon ng kalakalan tulad ng pangangalaga ng karapatan ng mga manggagawa ( hal.pagbuo ng unyon ), pagbibigay ng sapat at ligtas na trabaho sa kababaihan at mga bata at paggawa  ng mga produktong ligtas sa lahat. Isa itong alternatibong paraan sa pandaigdigang kalakalan. Isa sa mga nakinnabang sa pantay na kalakalan ( fair trade ) ay mga magsasaka ng kape. Humigit kumulang pitong milyong katao mula sa umuunlad na bansa ( developing nations ) kasama ang Brazil ang nakinabang sa patakarang ito dahil sa mas mataas na halaga nila naibenta ang kanilang coffee bean na nagkakahalaga ng $ 1.29 per pound kung ihahambing sa $ 1.25 sa pamilihan. Upang maging kuwalipikado, kinakailangan na ang magsasaka ay makasunod sa mga alituntunin sa paggamit ng pesticide, teknik sa pagsasaka, recycling at iba pa. Sa kabilang banda, hindi lahat ng mga bansa ay napakikinabangan ito tulad ng Columbia, Guatemala at Ethiopia.

Malaki ang kinikita ng Starbucks mula sa mataas na uri ng kape mula sa Ethiopia ngunit hindi ang mga magsasaka ng kape. Sa katunayan, isang sentimo lamang mula sa limang dolyar kada tasa ng kape ng Starbucks ang natatanggap ng mga magsasakang ito. Kaya naman, malayo pa ang lalakbayin ng programa o proyektong ito upang higit na mapakinabangan ng mga umuunlad na bansa.

Pagtulong sa ‘ Bottom Billion ‘ Binibigyang-diin ni Paul Collier ( 2007 ) na kung mayroon mang dapat bigyang-pansin sa suliraning pang-ekonomiyang kinahaharap ang daigdig, ito ay ang isang bilyong pinakamahihirap mula sa mga bansa sa Asya lalo’t higit sa Africa. May mahalagang papel ang mauunlad na bansa sa pag-alalay sa tinaguriang bottom billion. Ngunit ang tulong pinansyal ( economic aid ) ng mayayamang bansa tulad ng Germany, Japan, France at Italy ay sinasabing hindi sapat kung hindi magkakaroon ng mga programa at batas na tutugon sa mga suliraning ito. Partikular dito ang pagbabago ng sistema ng pamamahala na malaki ang kinalaman sa paghihirap ng mga mamamayan nito.

Mga Dahilan ng Suliraning Kawalan ng Trabaho ( Unemployment )

Kawalan ng oportunidad upang makapagtrabaho, ayon sa tala ng PSA hindi lang yung mga hindi nakapag-aaral o walang natapos ang dahilan ng kawalan ng trabaho kundi pati na rin ang kahulugan ng oportunidad sa kanila. Ang edad 15 hanggang 24 taon ang ay naghahanap ng trabaho at ilan ay hinihingian ng natapos o credentials. Ang mga kabataang ito ay nawawalan na ng kompiyansa sa sarili dahil wala nang mapapasukan na trabaho di kaya’y matagal na naghihintay na matawagan sa implayang trabaho. Isa pa sa mga dahilan ay ang kakulangan sa akademikong paghahanda dulot ng mababang kalidad ng sistema ng edukasyon, gaya ng walang maayos na kapasidad, programa o kurikulum at hindi matustusan ang pag-aaral kaya, ang iba dito ay huminto at hindi na nakapagtapos at napabilang sa mga walang trabaho. Paglaki ng populasyon, ayon dito ang pagkakaroon ng maraming anak ay nakabawas sa pagiging produktibo. Dahil ayon sa pamahalaan, kung mas kunti ang populasyon, mas kunti ang kailangang trabaho. Sa kabilang dako may nagsasabi na ang isa sa mga pinaka dahilan ng unemployment ay ang pamahalaan dahil sa walang komprehensibo  at pangmatagalang plano na makalilikha ng trabaho para sa mga mamamayan. Umaasa lang ang pamahalaan sa mga dayuhang namumuhunan para magkaroon ng trabaho sa bansa. Kaya ang mamamayan ay nagtiyaga na magtrabaho kahit maliit lang ang sahod na natatanggap at kulang ng benepisyo at hindi maganda ang kondisyon ng pinagtatrabahuhan.

Mga kaganapan kung bakit mayroong.suliranin sa paggawa at kawalan ng trabaho (Unemployment):

  • Ito ay nagaganap kapag ang indibidwal ay lumilipat sa ibang trabaho sa dating trabaho.

  • Ito ay nagaganap kapag may  krisis sa ekonomiya.

  • Nagaganap ang pagkawala ng trabaho bunga na pagbabago ng panahon at okasyon.

  • Naganap ito kapag ang manggagawa ay nawalan ng trabaho bunga ng pagliit ng industriya sanhi ng makabagong teknolohiya at pagbabago sa panlasa ng konsyumer.

  • Gustuhin mo pang ipagpatuloy pa pero hindi ka na kailangan.

Natalakay sa unang aralin ng modyul na ito na patuloy ang pag-angat ng Pilipinas sa larangan ng Business Process Outsourcing dahil sa mataas na English Proficiency ng mga manggagawang Pilipino. Ang Pilipinas ang nangungunang bansa sa rehiyon ng Asya sa larangan ng Non-IT BPO. Ito ay ang sistema ng pagkuha ng serbisyo ng pribadong kompanya na ang kanilang tanggapan ay nasa ibang bansa at pagkuha ng mga call center agents upang magtrabaho. Gagampanan ng mga agent na ito ang ilang aspeto ng operasyon na nasa Pilipinas upang tugunan ang pangangailangan ng kanilang kliyenteng kompanya na nakabase pa rin sa ibang bansa. Ayon sa ulat ng Department of Labor and Employment ( DOLE, 2016 ) upang matiyak ang kaunlarang pang-ekonomiya ng bansa kailangang iangat ang antas ng kalagayan ng mga manggagawang Pilipino tungo sa isang desenteng paggawa ( decent work ) na naglalayong magkaroon ng pantay na oportunidad ang bawat isa anumang ang kasarian para sa isang disente marangal na paggawa  Matutunghayan sa Pigura 2.1 ang apat na haligi upang makamit ang isang disente at marangal na paggawa na hinihimok sa lahat ng aspekto ng paggawa sa bansa.

Pigura 2.1 Apat na Haligi para sa Isang Disente at Marangal na Paggawa ( DOLE, 2016 )

Employment Pillar

-Tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho, malaya at pantay na oportunidad sa paggawa at maayos na workplace para sa mga manggagawa.

Worker’s Right Pillar

-Naglalayong palakasin at siguraduhin ang paglikha ng mga batas para sa mga paggawa at matapat na pagpatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa.

Social Protection Pillar

-Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at mga sangkot sa paggawa na lumikha mekanismo para sa proteksyon ng manggagawa, katanggap tanggap na pasahod, at oportunidad.

Social Dialogue Pillar

-Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at mga sangkot sa paggawa na lumikha ng mga mekanismo para sa proteksyon ng manggagawa, katanggap tanggap na pasahod, at oportunidad. Palakasin at laging bukas na pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan, mga manggagawa, at kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng mga collective bargaining.

Konsepto ng Unemployment

  • Ang isyu ng unemployment o kawalan ng trabaho ay suliran ng kinakaharap ng anumang bansa.

  • Ang unemployment rate ay tumutukoy sa bahagdan ng mga taong ganap na walang trabaho sa kabuuan ng lakas-paggawa.

**Mga Uri ng Unemployment **

  1. Voluntary

-Nangyayari kapag sinasadyang hindi nagtatrabaho.

  1. Frictional

-Nangyayari habang naghihintay ng panibagong trabaho o panandaliang ipinatigil ang trabaho dahil sa ibang gawain katulad ng pagwewelga.

  1. Casual

-Nangyayari kapag may trabaho ay pana-panahon o para lamang sa tiyak na panahon.

  1. Seasonal

-Nangyayari kapag ang trabaho ay pana-panahon o para lamang sa tiyak na panahon ( Halimbawa: Tuwing magpapasko )

  1. Structural

-Nangyayari kapag ang isang uri ng produkto ay hindi na kailangan na ekonomiya kaya hindi na rin kailangan ang mga nagtatrabaho at namumuhunan.

  1. Cyclical

-Nagkakaroon nito kapag ang industriya ng mga manggagawa ay nakaranas ng business cycle. Kapag mahina ang industriya, mataas ang antas ng unemployment.

Mga Dahilan ng suliranin sa Paggawa at Trabahong Hindi Angkop sa Pinag-aralan o Underemployment.

  1. Isa sa mga sagabal sa pagkakaroon ng trabaho ay yung hindi tugma ang kanilang pinag-aralan o kwalipikasyon sa dapat nilang pasukang trabaho. Ang isang nakapagtapos ng pag-aaral ay namamasukan na lamang sa trabahong mas mababa kaysa sa kanilang pinag-aralan o kwalipikasyon.

  2. Kakulangan sa kinakailangang kasanayan para sa trabaho. Ayon sa pag-aaral nahihirapan ang mga establisyemento na punan ang mga bakanteng posisyon sa kanilang kompanya, ang dahilan ay kawalan ng kinakailangang kasanayan. May malaking proporsyon ng “ hindi tugma o mismatch “ sa pagitan ng pagsasanay at aktwal na pagtatrabaho.

  3. Isa pang dahilan ng suliranin sa paggawa ay ang hindi pagbibigay ng wastong pasahod at kaunting benepisyo ang ibinibigay ng mga kapitalista sa mga manggagawa, kasama ang hindi maayos na kondisyon sa pinagtatrabahuhan o ( Poor Working Conditions ). Halimbawa may mga manggagawa na nagtatrabaho sa mapanganib na lugar ngunit walang maayos na kagamitan na magprotekta sa kanila. “ Mura at Flexible Labor “ isang matinding hamon ang kinakaharap ng mga manggagawa mula nang ipatupad ang patuloy na paglala ng “ mura at flexible labor “ sa bansa ( IBON, 2006 ). Ito ay isang paraan ng mga kapitalista o mamumuhunan upang palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pagpapasahod at paglimita sa panahon ng mga manggagawa. Isang paraan ito upang sila ay makaiwas sa patuloy na krisis dulot ng labis na produksiyon at kapital na nararanasan ng iba’t ibang mga bansa.

  4. Kabilang sa dahilan ang kawalan ng trabaho ng mga Pilipino ay ang Katamaran. Makikita natin na maraming nag istambay at maghapong walang trabaho.

  5. Isa rin sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang patuloy na pagdami ng mga lokal na produkto na iniluluwas sa ibang bansa at ang pagdagsa ng mga dayuhang produkto sa pamilihang lokal. Lubusang naapektuhan ang mga lokal na magsasaka dahil sa mas murang nagbebenta ang mga dayuhang produkto sa bansa. Mas maraming insentibo ang naipagkakaloob sa mga dayuhang kompanya na nagluluwas ng kanilang parehong produkto sa bansa. Sa kabilang banda, may mga lokal na high class product na saging, mangga at iba pa na itinatanim sa atin na nakalaan lamang para sa ibang bansa. Isa rin sa dahilan ng kawalan ng trabaho ay ang pananalasa ng kalamidad. Lubhang napinsala ang sektor ng agrikultura na siyang dahilan ng walang mata trabaho na lupain.

robot