AP notes

Mga konseptong historikal na pag-unlad ng konsepto ng karapatang pantao

==539 B.C.E==

  • Sinakop ni Haring Cyrus ng Persia ang lungsod ng Babylon.
  • ==Idineklara niya ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng lahi==.
  • Nakilala ito sa isang baked-clay cylinder o ‘Cyrus Cylinder’ at tinagurian ito bilang
  • “@@world’s first charter of human right@@”
  • kinakitaan ng kaisipan tungkol sa karapatang pantao ang mga ==sinaunang kabihasnan tulad ng India, Greece, at Rome==
  • Ang mga relihiyon sa Asya tulad ng Judaism, Hinduism, Kristyanismo, Buddhism, Taoism, Islam ay @@nakapaglahad ng mga kodigo tungkol sa moralidad, kaisipan tungkol sa dignidad ng tao at tungkulin nito sa kaniyang kapwa@@.

1215

  • Lumagda si John I, Hari ng England sa Magna Carta, @@isang dokumentong naglalahad ng ilang karapatan ng mga taga-England@@, at nalimitahan ang kapangyarihan ng hari ng bansa.

1628

  • Sa England, ipinasa ang Petition of Rights na naglalaman ng mga karapatan tulad nang hindi pagpataw ng buwis nang walang pahintulot ng Parliament, pagbawal sa pagkulong nang walang sapat na dahilan, at hindi pagdeklara ng batas militar.

1787

  • Inaprubahan ng @@United States Congress ang Saligang Batas@@ ng kanilang bansa.
  • Nakapaloob ng Bill of Rights na ipinatupad noong @@Disyembre 15, 1791@@.
  • Ang ==Bill of Rights== ay @@nagbibigay proteksyon sa mga karapatang pantao ng lahat ng mga mamamayan@@.

1789

  • Nagtagumpay ang @@French Revolution @@na wakasan ang ganap na kapangyarihan ni @@Haring Louis XVI@@.
  • Paglagda ng Declaration of the Rights of Man and of the Citizen na @@naglalaman ng mga karapatan ng mamamayan@@.

1864

  • Nagulong ng Europeong bansa at ilang estado ng United States sa @@Geneva, Switzerland@@, ang tinawag na “The First Geneva Convention”.
  • Layunin nitong @@isaalang-alang ang pag-alaga sa mga nasugatan at may sakit na mga sundalo@@.

1948

  • Itinatag ng United Nations ang @@Human Rights Commission@@ sa pangunguna ni @@Eleanor Roosevelt@@
  • Ipinatupad ang dokumentong tinawag na @@Universal Declaration of Human Rights.@@

\