( Aralin 1.1 ) Batayang Kaisipan ng Wika, Kultura, Interkultural at Multikultural


Ano ang Wika

  • Ang wika ay isang makapangyarihang kasangkapan ng komunikasyon.

  • Ayon kay Austero et al. (1999), likas na kakayahan ng wika ang magamit sa pagpapahayag ng kaisipan, damdamin, at kuro-kuro ng tao.

  • Sa pamamagitan ng wika, naipapahayag ng tao ang saloobin tungkol sa isyu o pangyayari.

  • Sa panahon ng modernisasyon at globalisasyon, lumawak ang paggamit ng wika lalo na sa social media.


Ano ang Kultura

  • Ang kultura ay kabuuang paraan ng pamumuhay ng mga tao bilang kasapi ng lipunan.

  • Sumasaklaw ito sa kung paano gumagawa ang isang pangkat ng tao upang mabuhay.

  • Makikita ang kultura sa kanilang wika, panitikan, paniniwala o relihiyon, kaugalian, tradisyon, pagkain, sining, batas, kaalaman, moralidad.

  • Sa kultura nakikilala ang isang bansa at ang mga mamamayan nito.

  • Ang kultura ay mabisang kasangkapan sa pambansang pagkakaisa dahil dito naipapahayag ang tunay na diwa ng pakikipagkapwa.


Mga Elemento ng Kultura

Kaugalian (Norms)

  • Mga asal, gawi, kilos na nagpapakita kung paano gumagalaw ang tao sa lipunan.

  • Mga halimbawa

    • Pagmamano sa nakatatanda

    • Bayanihan o pagtutulungan

    • Paghaharana sa nililigawan

Paniniwala (Belief)

  • Mga pananaw o ideya na tinatanggap ng lipunan bilang totoo.

  • Mga halimbawa

    • Paniniwala sa albularyo

    • Paniniwala sa anting-anting

    • Paniniwala sa mga santo

Pagpapahalaga (Values)

  • Pamantayan ng lipunan kung ano ang katanggap-tanggap at kanais-nais na gawain.

  • Batayan ng tama at mali.

  • Mga halimbawa

    • Pagpapahalaga sa pamilya

    • Pananalig sa Panginoon

Simbolo (Symbols)

  • Mga bagay na may kahulugan kahit hindi gamitan ng salita.

  • Kasama rito ang di-berbal na komunikasyon.

  • Mga halimbawa

    • Krus bilang banal

    • Pansit bilang simbolo ng mahabang buhay

    • Nuno sa punso bilang kinatatakutan

Sining at Panitikan (Arts and Literature)

  • Paraan ng pagpapahayag ng husay at damdamin ng tao.

  • Mga halimbawa

    • Sayaw: Tinikling at Cariñosa

    • Guhit: Sketch o portrait

    • Awit: Lupang Hinirang, Bayan Ko

    • Pinta: Spoliarium ni Juan Luna

    • Lilok: Oblation ni Guillermo Tolentino

    • Tula: Florante at Laura

    • Nobela: Noli Me Tangere at El Filibusterismo

    • Maikling Kwento: Ang Kalupi ni Benjamin Pascual


Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan

  • Magkakaugnay ang wika, kultura at lipunan.

  • Wika ang pangunahing instrumento ng tao sa pakikipag-ugnayan.

  • Sa wika, naipapasa at naipapahayag ang kultura.

  • Ang tao ay likas na nakikipagkapwa kaya kailangan niya ang wika sa lipunan.


Ugnayan ng Wika sa Kultura

  • Hindi maipapasa ang kultura sa susunod na henerasyon kung walang wika.

  • Hindi mabibigyan ng anyo o kahulugan ang kultura kung walang wika.

  • Wika ang nag-uugnay sa mga tao sa kultura, kaya mas naiintindihan ang kultura kahit ng iba pang grupo.


Ano ang Interkultural

  • Tumutukoy sa ugnayan, proseso, o pangyayari na nagaganap sa pagitan ng mga kultura.

  • May aktwal na pakikipag-ugnayan sa mga tao mula sa magkaibang kultura.

  • Layunin ang pag-unawa sa pagkakaiba-iba ng wika, tradisyon, paniniwala, at paraan ng pagpapahayag upang magkaroon ng maayos na komunikasyon.

Halimbawa ng Interkultural na Sitwasyon

  • Pakikipagkalakalan ng Pilipino at Intsik

    • Palitan ng produkto sa sinaunang panahon

    • Natutuhan ang ilang salitang Intsik at pagkain tulad ng pansit at lumpia

  • Pagtanggap ng Kristiyanismo sa Pilipinas

    • Nagdala ang mga Espanyol ng relihiyon, mga pista at salitang Kastila

    • Naimpluwensyahan ang wika at kultura ng mga Pilipino

  • Pista ng Panagbenga sa Baguio

    • Nakikipag-ugnayan ang mga Igorot at turista mula sa iba’t ibang bansa

    • Nagpapalitan ng tradisyon, sining, awit, at sayaw

  • Pakikipag-ugnayan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs)

    • Natututo ng ibang wika tulad ng Arabe

    • Nakikibagay sa kaugalian ng bansang pinagtatrabahuhan

  • Pagdiriwang ng Chinese New Year sa Pilipinas

    • Nakikibahagi ang mga Pilipino sa tradisyong Tsino

    • Sumasanib ang dalawang kultura tulad ng dragon dance at tikoy


Ano ang Multikultural

  • Tumutukoy sa komunidad o lipunan na binubuo ng iba’t ibang kultura na magkakasamang namumuhay.

  • Nagpapakita ng pagkakaiba-iba ng kultura sa iisang espasyo.

  • Hindi kinakailangang may aktwal na interaksyon ang mga kultura sa isa’t isa.

Halimbawa ng Multikultural na Sitwasyon

  • Quiapo, Maynila

    • May mga Katolikong deboto, mga negosyanteng Tsino, at mga Muslim na nagtitinda

    • Magkakaiba ang kultura pero magkakatabi sa iisang lugar

  • Canada

    • May komunidad ng Pilipino, Indian, Tsino, Arabo, at iba pang lahi

    • Magkakasamang naninirahan ngunit may sariling relihiyon at wika

  • Aliwan Festival

    • Pinagsasama-sama ang mga tribo mula sa iba’t ibang rehiyon

    • Hindi lahat ay nagkakaroon ng aktwal na palitan ng tradisyon