3caf52e-f53b-6baa-7812-ee0d7414aca8-7-11-PPT-2nd-quarter(KOMPAN)
Katuturan at Katangian ng Wika
Ano ang Ikalawang Wika?
Ang ikalawang wika ay ang wika na natututuhan ng isang indibidwal bukod sa kanyang unang wika.
Pagkatuto ng Wika
Habang lumalaki, ang bata ay nagkakaroon ng exposure sa iba pang wika sa pamamagitan ng:
Telebisyon
Tagapag-alaga
Kalaro
Kaklase
Guro
Unang Wika
Unang wika: Wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro.
Tinatawag ding katutubong wika o mother tongue.
Konseptong Pangwika
Pambansang Wika:
Opisyal na wika ng isang bansa.
Halimbawa ng gamit:
Pantahanan
Kalakalan
Pagbibigay Kahulugan sa Salitang WIKA
Punan ng mga salita sa bawat letra ng WIKA:
W ------
I --------
K -------
A -------
Mahalagang Ideya
Ang wika ay pangunahing instrument ng komunikasyong panlipunan.
Sinasalamin nito ang instrumental at sentimental na pangangailangan ng tao (Constantino, 1996).
Mga Konseptong Pangwika (Pagpapaliwanag)
Wika: Pangkalahatang kasangkapan ng komunikasyon.
Wikang Pambansa: Ginagamit sa pagbubuklod ng mga mamamayan sa kanilang kultura at kasaysayan.
Wikang Panturo: Opisyal na wika sa pormal na edukasyon.
Wikang Opisyal: Wika sa mga legal at political na diskurso.
Ano ang Wika?
A. Wika ang buhay ng tao bilang kasangkapan sa pagpapahayag ng kaisipan.
B. Ginagamit ng mga henerasyon na nagtatala ng kaalaman.
C. Mahalaga sa pagbubuo ng mga batas na magpapaayos ng lipunan.
D. Kasangkapan sa pakikipagkalakalan.
E. Base sa panitikan, kasaysayan, at agham.
Kahalagahan ng Wika
Isang midyum sa pakikipag-ugnayan.
Malinaw na daan sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan.
Sumasalamin sa kultura at panahon.
Kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman.
Wikang Pambansa
Nagpapakilala ng pagkakakilanlan ng mamamayan.
Isang mahalagang yaman ng bansa.
Nagsisilbing instrumento sa magandang ugnayan ng tao.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Tagalog: Katutubong wika na pinagbatayan.
Pilipino: Unang tawag sa pambansang wika.
Filipino: Kasalukuyang tawag, lingua franca at opisyal na wika.
Wikang Panturo
Opisyal na ginagamit sa mga eskwelahan.
Ito ang wika sa pagtuturo at pagsusulat ng mga aklat.
Nagsimula ang paggamit ng wikang pambansa bilang panturo noong panahon ng Komonwelt.
Wikang Opisyal
Ginagamit sa mga debate at diskurso sa pamahalaan.
Mahalaga sa mga legal at political na gawain.
Batas Tagapagpaganap Blg. 217
Ang wikang opisyal ang pangunahing magdidikta sa kapangyarihan at paggamit ng wika sa pang-araw-araw (Santiago, 2015).
Arbitaryo ng Wika
Hindi iisa ang batayan sa pagbuo ng mga wika; maaaring mag-iba ito sa bawat lahi o kultura.
Katangian ng Wika
Tunog: Unang natututuhan mula sa tunog, hindi sa titik.
Arbitraryo: Walang natural na koneksyon sa kahulugan at tuntunin.
Masistema: May tiyak na ayos at tuntuning sinusunod.
Sinasalita: Mabilis na paraan ng pagpapahayag.
Kabuhol ng Kultura: Nakababahaging bahagi ng kultura ng isang grupo.
Nagbabago: Nagbabago batay sa panahon at kasaysayan.
May Kapangyarihan: Lumikha at makaapekto sa kaisipan at kilos.
Panghuli
Ano ang koneksyon ng wika sa mga naunang ideya at kahulugan nito.