PID part 3

  1. Ponolohiya. 

    • Ito ang pag-aaral sa tunog ng wikạ. Ang wikang Filipino ay may mga tunog na katinig at patinig na tinatawag na segmental na tunog.



  1. Morpolohiya. Pag-aaral ito sa pagbubuo ng mga salita.

    • Isang paraan ng pagbubuo ng salita sa Fillipino ang afikseysyon o paglalapi. Tingnan ang halimbawa :

    1. Unlapi - nagsayaw (nasa una ang panlaping ginamit)

    2. Gitlapi - sumayaw (nasa gitna ang panlaping ginamit)

    3. Hulapi - sayawan (nasa hulihan ang panlaping ginamit)

    4. Kabilaan -nagsayawan (nasa unahan at hulihan ang panlaping ginamit)

    5. Laguhan - nagsipagsasayawan (nasa unahan, gitna at hulihan ang panlaping ginamit)


  2. Sintaks

    • Tinatawag na "syntattein" sa salitang Griyego. Ito ay pag-aaral sa kung paano nabubuo ang mga pangungusap.

    • Sa Filipino, ang pangungusap ay nasa karaniwan ayos o di-karaniwang ayos. Sa karaniwang ayos, ang pangungusap ay hindi ginagamitan ng "ay" at nauuna ang panaguri kaysa paksa, na kabaligtaran naman ng di-karaniwang ayos na,- ang pangungusap ay may panandang "ay" at nauuna ang paksa sa panaguri.



  1. Semantika. 

    • Ito ay siyentipikong paraan ng pagpapakahulugan. Nagmula sa salitang Griyego na "semaino" na ang ibig sabihin ay "nangangahulugan" 

    • Dalawa ang paraan ng pagpapakahulugan sa mga salita. Ito ay maaaring sa literal (denotasyon) at di-literal (konotasyon). Halimbawa,

    • "Kuhanin mo ang palakol at hukayin mo ang lupang pagtataniman ng gulay".

    • "Puro palakol na naman ang grado mo sa bawat asignatura".

    • Ang salitang palakol sa unang pangungusap ay literal ang kahulugan na isang kagamitan sa pagputol ng kahoy. Samantalang sa ikalawa, ay di - literal ang bitbit na kahulugan, na tumutukoy naman sa markang 70 - hanggang 79.



  1. Pragmatiks. 

    • May kaugnayan din sa pagbibigay kahulugan sa isang salita na bahagi naman ng tinatawag na semiotika o mas malalim na pagpapakahulugan.