AP

Pag-usbong ng Renaissance

Dahil sa pag-unlad sa agrikultura bunga ng mga pagbabago sa kagamitan at pamamaraan sa pagtatanim, umunlad ang produksiyon sa Europe noong Middle Ages. Humantong ito sa paglaki ng populasyon at pagdami ng pangangailangan ng mamamayan na natugunan naman ng maunlad na kalakalan. Ang mga lungsod-estado sa hilagang Italy ay nakinabang sa kalakalang ito. Noong ika-11 hanggang ika-12 na siglo, umunlad ang mga ito bilang sentrong pangkalakalan at pananalapi sa Europe. Monopolisado rin ng hilagang Italy ang kalakalan sa pagitan ng Asya at Europe. Ilan sa mga lungsod-estadong umusbong ay ang Milan, Florence, Venice, Mantua, Ferrara, Padua, Bologna, at Genoa. Ang yaman ng mga lungsod-estado na ito ay hindi nakasalalay sa lupa kundi sa kalakalan at industriya. Sa katunayan, kung nangangailangan ng pera ang Papa, hari, o panginoong maylupa, nanghihiram sila sa mga mangangalakal at banker ng mga lungsod-estado na ito. Ang mga Medici sa Florence ay halimbawa ng isang pamilya ng mangangalakal at banker.

Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C. Mateo et al, ph. 219-220

Sa pagtatapos ng Middle Ages sa huling bahagi ng ika-14 na siglo, isinilang ang Renaissance. Ang Renaissance ay nangangahulugang "muling pagsilang" o rebirth. Maaari itong ilarawan sa dalawang paraan. Una, bilang kilusang kultural o intelektuwal na nagtangkang ibalik ang kagandahan ng sinaunang kulturang Greek at Roman sa pamamagitan ng pag-aaral sa panitikan at kultura ng mga nasabing sibilisasyon. Ikalawa, bilang panahon ng transisiyon mula sa Middle Ages tungo sa Modern Period o Modernong PaAng mga Humanista

Sa pagtatapos ng Mindle Ages, nagkaroon ng bagong kapangyarihan ang mga hari samantalang ang kapangyarihan naman ng Simbahan ay sinimulang tulig-sain. Ang mga digmaan, epidemya, at suliraning pang-ekonomiya ay tuluyan nang nagwakas. Nagbigay-daan ang mga kaganapang ito sa pagsilang ng bagong pananaw na dulot ng interes sa pag-aaral ng sinaunang Greece at Rome, ang humanismo.

Ang mga iskolar na nanguna sa pag-aaral sa klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome ay tinawag na humanist o humanista, mula sa salitang Italian na nangangahulugang "guro ng humanidades, partikular ng wikang Latin." Pinag-aaralan sa Humanities o Humanidades ang wikang Latin at Greek, komposisyon, retorika, kasaysayan, at pilosopiya, at maging ang Matematika at Musika. Sa pag-aaral ng mga ito, napagtanto ng mga hunanista na dapat gawing modelo ang mga klasikal na ideyang matatagpuan sa mga asignaturang ito.

Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela Mateo ef al por 22اردة

Ang humanismo ay isang kilusang intelektuwal noong Renaissance na naniniwalang dapat pagtuunan ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome sa pag-aaral dahil naglalaman ito ng lahat ng aral na dapat matutuhan upang magkaroon ng isang moral at epektibonMGA AMBAG NG RENAISSANCE SA IBA-IBANG LARANGAN

Sa Larangan ng Sining at Panitikan

Francesco Petrarch (1304-1374). Ang Ama ng Humanismo." Pinakamahalagang sinulat niya sa Italyano ang "Songbook," isang koleksiyon ng mga sonata ng pag-ibig sa pinakamamahal niyang si Laura.

Goivanni Boccacio (1313 - 1375). Matalik na kaibigan ni Petrarch. Ang kaniyang pinakamahusay na panitikang piyesa ay ang "Decameron", isang tanyag na koleksyon na nagtataglay ng isandaang (100) nakatatawang salaysay.

William Shakespeare (1564-1616). Ang "Makata ng mga Maka-ta." Naging tanyag na manunulat sa Ginintuang Panahon ng England sa pamumuno ni Reyna Elizabeth I. Ilan sa mga sinulat niya ang mga walang kamatayang dula gaya ng: "Julius Caesar," "Romeo at Juliet," "Hamlet," "Anthony at Cleopatra," at "Scarlet."

Desiderious Erasmus (1466-1536). "Prinsipe ng mga Humanista." May-akda ng "In Praise of Folly" kung saan tinuligsa niya ang hindi mabuting gawa ng mga pari at mga karanNicollo Machievelli (1469-1527). Isang diplomatikong manunulat na taga Florence, Italia. May-akda ng "The Prince. "Napapaloob sa aklat na ito ang dalawang prinsipyo:

"Ang layunin ay nagbibigay matuwid sa pamamaraan."

"Wasto ang nilikha ng lakas."

Miguel de Cervantes (1547-1616). Sa larangan ng panitikan, isinulat niya ang nobelang "Don Quixote de la Mancha," aklat na ku-mukutya at ginagawang katawa-tawa sa kasaysayan ang kabayanihan ng mga kabalyero noong Medieval Period.

Sa Larangan ng Pinta

Michelangelo Bounarotti (1475-1564). Ang pinakasikat na iskultor ng Renaissance, ang una niyang obra maestra ay ang estat-ん wa ni David. Sa paanyaya ni Papa Julius II ipininta niya sa Sistine Chapel ng Katedral ng Batikano ang kuwento sa Banal na Kasulatan tungkol sa pinagmulan ng sandaigdaigan hanggang sa pagbaha. Pinakamaganda at pinakabantog niyang likha ang La Pieta, isang estatwa ni Kristo pagkatapos ng kaniyang Krusipiksiyon.

Leonardo da Vinci (1452-1519). Ang hindi makakalimutang obra maestra niyang "Huling Hapunan" (The Last Supper), na nagpakita ng huling hapunan ni Kristo kasama ang Kaniyang labindalawang disipulo. Isang henyong maraming nalalaman sa iba-ibang larangan. Hindi lang siya kilalang pintor, kundi isa ring arkitekto, iskultor, inhinyero, imbentor, siyentista, musikero, aRaphael Santi (1483-1520). "Ganap na Pintor," "Perpektong Pintor Pinakamahusay na pintor ng Renaissance. Kilala sa pag-kakatugma at balanse o proporsiyon ng kanyang mga likha. Ilan sa kaniyang tanyag na gawa ang obra maestrang "Sistine Madonna," "Madonna and the Child," at "Alba Madonna."

Sa larangan ng Agham sa Panahon ng Renaissance

Nicolas Copernicus (1473-1543). Inilahad ni Nicolas ang Teoryang Heliocentric; "Ang pag-ikot ng daigdig sa aksis nito, kasabay ng ibang planeta at umiikot din ito sa paligid ng araw." Pinasinungalingan ng teoryang ito ang tradisyonal na pag-iisip na ang mundo ang sentro ng sansinukob, na matagal ding tinangkilik ng Simbahan.

Galileo Galilei (1564-1642). Isang astronomo at matematiko, noong 1610. Malaki ang naitulong ng kaniyang naimbentong teleskopyo para mapatotohanan ang Teoryang Copernican.

Sir Isaac Newton (1642-1727). Ang higante ng siyentipikong Renaissance, Sang-ayon sa kaniyang Batas ng Universal Gravitation, ang bawat planeta ay may kaniya-kaniyang lakas ng grabitasyon at siyang dahilan kung bakit nasa wastong lugar ang kanilang pag-inog. Ipinaliwanag niya na ang grabitasyong ito ang dahilan kung bakit bumabalik sa lupa ang isang bagay na inihagis pataas.

Tinatayang ang pag-usbong ng Renaissance ay hindi natatapos sa panahon na kung saan nakilala ang mga nabanggit na siyentipiko bagkus ito ay nag-papatuloy magpakailanman hangga't ang tao ay naghahanap at naghahangad ng kasagutan sa kaniyang mAng ika-14 hanggang ika-16 na siglo ang sinasabing panahon na kung saan kakikitaan ng mga pagbabago mula sa madilim na anino ng kalagitnaang panahon patungo sa modernong panahon.

Ang mga pangyayaring naganap sa panahon ng Renaissance ay nagbigay-daan sa pagyaman ng kabihasnan ng daigdig dulot ng malawak at maunlad na mga pag-aaral, pagmamasid, at pananaliksik. Ang transisyong ito ay nagbigay-daan din sa pag-usbong ng Rebolusyong Intelektuwal at malawak na kaalaman sa daigdig bunsod ng malayang pag-iisip at pagpapahayag ng bawat indibidwal. Ang pagbabagong dulot ng yugtong ito ay nakatulong sa pagsulong at pagbubuklod-buklod ng mga bansa sa katotohanang ang pagpapahalaga sa kalayaan at kabutihan ay nauukol sa sangkatauhan.

Halaw mula sa Ease Modyul 10

ANG KABABAIHAN SA RENAISSANCE

Sa panahon ng Renaissance, iilang kababaihan lamang ang tinanggap sa mga unibersidad o pinayagang magsanay ng kanilang propesyon sa Italy. Gayunpaman, hindi ito naging hadlang upang makilala ang ilang kababaihan at ang kanilang ambag sa Renaissance. Halimbawa ay si Isotta Nogarola ng Verona na may akda ng Dialogue on Adam and Eve (1451) at Oration on the Life of St. Jerome (1453) na kakikitaan ng kaniyang kahusayan sa pag-unawa sa mga isyung teolohikal. Nariyan din si Laura Cereta mula sa Brescia na bago mamatay sa gulang na 30 ay isinulong ang isang makabuluhang pagtatanggol sa pag-aaral na humanistiko para sa kababaihan.

Sa pagsulat ng tula, mahahalagang personalidad ng Renaissance sina Veronica Franco mula sa Venice at si Vittoria Colonna mula sa Rome. Sa larangan ng pagpipinta, nariyan sina Sofonisba Anguissola mula sa Cremona na may likha ng Self-Portrait (1554) at si Artemisia Gentileschi, anak ni Orazio, na nagpinta ng Judith and Her Maidservant with the Head of Holoferness (1625) at Self-Portrait as the Allegory of Painting (1630).ga tanong.t pilosoper.iwang tao.g buhay.nahon.

robot