4-Etika-at-Pagpapahalaga-sa-Akademiya_2024-2025_EDITED
ETIKA AT PAGPAPAHALAGA SA AKADEMIYA
Kahulugan ng Etika
Galing sa salitang Griyego na "ETHICS".
"Ethos" ay nangangahulugang "karakter".
Mula sa salitang "ethicos" na ibig sabihin ay "moral, moral na karakter".
Ang Aking Karakter
"Our character is what we do when we think no one is looking." - H. Jackson Brown - AZ QUOTES.
Batayan ng Desisyon
Mga istandard o batayan na ginagamit sa pagtukoy kung ano ang tama o mali.
Kabilang dito ang: simbahan, pamilya, paaralan, at negosyo.
Ang mga pagpapahalaga ay nakabatay sa mga ideyal at gawi.
Kultura ng mga Pilipino
Pagpapahalagang nakaugat sa kultura ng mga Pilipino.
Ang kultura ang pangunahing batayan ng mga pagpapahalaga.
Ilan sa mga Pagpapahalagang Pilipino
Pagmamahal at katapatan sa pamilya.
Pagpapahalaga sa edukasyon.
Hiya o kahihiyan.
Pakikipagkapwa.
Pagiging mapamaraan.
Pagkamalikhain.
Sikap at tiyaga.
Utang na loob.
Pakikisama.
Bahala na.
Paskong Pinoy
Isang masayang pagdiriwang na nagbibigay-diin sa kultura at mga pagpapahalaga ng mga Pilipino.
Etika at Pagpapahalaga sa Pagsulat sa Akademiya
Mahalaga na bigyang-pansin ang mga isyu o paglabag sa etika at pagpapahalaga sa pagsulat.
Mga Isyu sa Etika at Pagsulat
a. Copyright
Nakasaad sa Intellectual Property Code of the Philippines o Republic Act No. 8293 ang karapatan at obligasyon ng mga may-akda.
b. Plagiarism
Ang maling paggamit ng mga ideya, pananaliksik, lengguwahe, at pahayag ng ibang tao.
Layuning angkinin ito o magmukhang ito ay kanya.
Klase ng Plagiarism ayon kay Diana Hacker
Hindi pagbanggit sa may-akda ng bahagi ng sinipi.
Hindi paglalagay ng panipi sa hiniram na direktang salita o pahayag.
Hindi paggamit ng sariling wika sa mga akdang ibinuod o hinalaw.
Iba pang Isyu sa Pagsulat
c. Paghuhuwad ng Datos
d. Pag-subscribe upang bumili ng artikulo o pagkopya sa mga website bilang sariling papel na isusumite.
e. Pagpapagawa o pagbabayad sa iba para sa paggawa ng papel, tesis, report, at iba pa.
Mga Kaso ng Pandaraya sa Pagsulat at Kaparusahan
Maramihan at malawakang pagkopya sa isang doctoral study na umabot sa Korte Suprema; binawi ang degree.
Isang group paper mula sa tatlong mag-aaral na napatunayang kinopya ang kalahati ng kanilang papel mula sa Internet; bagsak na grado at ini-report sa Student Disciplinary Tribunal.
Mga celebrated na kaso ng pandaraya sa pagsulat (Halimbawa: Dan Brown at Helen Keller).
Kaso sa Pilipinas
2012: Isang senador ang inakusahan ng pangongopya sa talumpati ukol sa Reproductive Health Bill.
Kaso ni Pedro Serrano Laktaw laban kay Mamerto Paglinawan dahil sa pagkopya sa Diccionario – Hispano Tagalog noong 1889; desisyon ng Korte Suprema na bawiin ang mga natitirang kopya at bayaran ng naakusahan.