1 Filipino sa Piling larang

Aralin 1: Katuturan,Layunin at Kahalagahan ng Pagsulat

Pagsusulat

  • Isa sa mga ==makrong kasanayang== dapat mahubog sa mga mag-aaral.

  • Ayon kay ==Cecilia Austera et al. (2009)==, may-akda ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2009) ang pagsusulat ay isang kasanayang naglulundo ng ==kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao== gamit ang ==pinakaepektibong midyum== ng paghahatid ng mensahe, ==ang wika.==

  • Ayon naman kay ==Edwin Mabilin et al.== sa aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2012), ito ay ==isang pambihirang gawaing pisikal at mental== dahil sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng ==paglilipat ng kaalaman sa papel== o anumang kagamitang maaaring pagsulatan.

  • ang kanilang (lipunan) ==mga sinulat ay magiging dokumento ng nakalipas na pangyayari== o panahon na magsisilbing tulay para sa ==kabatiran ng susunod na henerasyon==.

  • Ayon kay ==Mabilin (2012)== ang ==2 pagsusulat== ay ==isang pagpapahayag ng kaalamang== kailanman ay ==hindi naglalaho== sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring ==magpasalin-salin sa bawat panahon==.Maaaring mawala ang alaala ng sumulat ngunit ang kaalamang kanyang ibinahagi ay manatiling kaalaman.

  • Kaya naman, sa ==limang makrong kasanayang pangwika== , ang ==pagsusulat== ay isa rin sa mga dapat pagtuunan ng pansin na malinang at mahubog sa mga mag-aaral sapagkat ==dito masusukat== ang kanilang ==kahandaan at kagalingan sa iba’t ibang disiplina.==

  • Sa ==mga makrong kasanayang== tulad ng ==pakikinig ,pagbabasa, panonood==, madalas ang isang indibidwal na gumagawa nito ay kumukuha o ==nagdaragdag ng mga kaalaman sa kanyang isipan.== Subalit sa ==pagsasalita at pagsusulat== ang taong nagsagawa nito ay ==nagbabahagi ng kanyang mga kaisipan at nalalaman== tungkol sa isang tiyak na paksa sa pamamagitan ng kanyang sinabi at isinulat.

    \

    Layunin at Kahalagahan ng Pagsulat

  • Ayon kay ==Royo== , na nasulat sa aklat ni Dr. Eriberto Astorga ,Jr. na Pagbasa , Pagsulat at Pananaliksik (2001), malaki ang naitutulong ng pagsulat ay paghubog ng damdamin at isipan ng tao. Sa pamamagitan nito, ==naipahahayag== niya ang kanyang damdamin, mithiin ,pangarap , agam-agam, bungang-isip at mga pagdaramdam. Dahil din sa pagsulat , nakikilala ng tao ang kanyang sarili,ang kanyang mga kahinaan at kalakasan, ang lawak at tayog ng kanyang isipan ,at ang mga naaabot ng kanyang kamalayan. Ang pangunahing ==layunin ng pagsulat== ay ang ==mapabatid== sa mga tao o lipunan ang ==paniniwala, kaalaman at mga karanasan ng taong sumusulat.== Kaya naman , ==napakahalaga== na bukod sa ==mensaheng taglay== ng akdang susulatin, kailangan ==ang katangiang mapanghikayat== upang mapaniwala at makuha ang atensyon ng mga mambabasa. Mahalagang isaalang-alang ang layuning ito sapagkat masasayang ang mga isinulat kung hindi ito magdudulot ng kabatiran at pagbabago sa pananaw ,pag-iisip at damdamin ng makababasa nito.

  • Ayon naman kay ==Mabilin== ,sa kanyang aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2012), ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat ay maaaring mahati sa ==dalawang bahagi.== Una ,ito ay maaaring ==personal o ekspresibo== kung saan ang ==layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw==,karanasan,naiisip o nadarama ng manunulat.Ang ganitong paraan ng pagsulat ay maaaring magdulot sa bumabasa ng kasiyahan,kalungkutan , pagkatakot , o pagkainis depende sa layunin ng taong sumusulat. Ang karaniwang halimbawa nito ay ang ginagawa ng mga manunulat ng sanaysay ,maikling kwento , tula , dula ,awit at iba pang akdang pampanitikan. Pangalawa, ito ay maaari namang maging ==panlipunan o sosyal== kung saan ang ==layunin ng pagsulat ay ang makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan==. Ang ibang tawag sa layuning ito ng pagsusulat ay ==transaksiyonal==. Ang mga halimbawa nito ay ang pagsulat ng liham ,balita, korespondensya , pananaliksik ,sulating panteknikal ,tesis, disertasyon at iba pa. Ginagawa ang mga sulating ito taglay ang isang tiyak na layunin at ito ay walang iba kundi ang layuning makipag-ugnayan sa tao o sa lipunan. Sa kabilang dako, ==maaari rin namang magkasabay na maisagawa ang layuning personal at panlipunan== partikular sa mga akdang pampanitikang naisulat bunga ng sariilng pananaw ng may-akda na maaaring magkaroon ng tiyak na kaugnayan sa lipunan tulad halimbawa ng ==talumpati== na karaniwang binibigkas sa harap ng madla upang maghatid ng mensahe at manghikayat sa mga nakikinig.

    \

    Kahalagahan o ang mga benepisyo na maaaring makuha sa pagsusulat.

  • ==Masasanay== ang kakayahang ==mag-organisa ng mga kaisipan== at maisulat ito sa
    pamamagitan ng obhetibong paraan.

  • ==Malilinang== ang kasanayan sa ==pagsusuri ng mga datos== na kakailanganin sa isinasagawang
    imbestigasyon o pananaliksik.

  • ==Mahuhubog== ang ==isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa== sa pamamagitan ng
    pagiging ==obhetibo== sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon.

  • ==Mahihikayat at mapauunlad== ang kakayahan sa ==matalinong paggamit ng aklatan== sa paghahanap ng mga materyales at mahahalagang datos na kakailanganin sa pagsulat.

  • ==Magdudulot ito ng kasiyahan== sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng
    pagkakataong ==makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan==.

  • ==Mahuhubog== ang pagpapahalaga sa ==paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda== ng
    kanilang pag-aaral at akademikong pagsisikap.

  • ==Malilinang== ang kasanayan sa ==pangangalap ng mga impormasyong== mula sa iba’tibang
    batis ng kaalaman para sa akademikong pagsusulat.

\