BADJAO
PAG-AARAL NG KASAYSAYAN AT LIPUNANG PILIPINO
### **BADJAO**
### **Ang Kasaysayan ng mga BADJAO**
Ang salitang Badjao (o Bajau) ay nagmula sa pinagsamang mga wikang Austronesian at Malay-Borneo na nangangahulugang "mga mangingisda" o "tao ng dagat" (man of the seas). Kilala rin sila bilang mga Sea Gypsies o mga mandaragat na naninirahan sa mga baybayin at karagatan.
* **Kahulugan ng Pangalan:** Tumutukoy ito sa pamumuhay nila na malapit sa dagat at umaasa sa pangingisda.
* **Wika at Lahi:** Malapit ang kanilang kultura at wika sa mga Samal, at may mga teorya na nagmula sila sa Johore sa timog ng Tangway ng Malaya bago lumipat sa Sulu at iba pang bahagi ng Pilipinas.
* **Paggamit ng Pangalan:** Kadalasan silang tinatawag na Bajau, Badjaw, o Badjao, depende sa rehiyon kung saan sila matatagpuan sa Timog Silangang Asya.
Walang eksaktong taon o panahon kung kailan nabuo ang mga Badjao bilang isang etnolinggwistikong pangkat. Sila ay unti-unting umusbong bilang mga “sea nomads” o taong-dagat sa loob ng daan-daang taon sa pamamagitan ng kanilang pamumuhay sa Timog-Silangang Asya.
**TIMOG-SILANGANG ASYA**
* **Austronesian Migration:** Sila ay kabilang sa mas malaking lahi ng mga Austronesian na dumating sa Pilipinas libu-libong taon na ang nakaraan.
### **LUGAR AT HEORAPIYA NG MGA BADJAO**
**1. Tradisyunal at Pangunahing Lokasyon**
Ang tradisyunal na tahanan ng mga Badjao ay ang mga baybayin at karagatan sa Timog-Silangang Asya:
* **Kapuluan ng Sulu at Tawi-Tawi (Pilipinas):** Dito matatagpuan ang pinakamalaking konsentrasyon ng mga Badjao sa bansa, partikular sa mga bayan ng Sitangkai, Bongao, Siasi, Jolo, Basilan, at Zamboanga Peninsula.
* **Rehiyon ng Timog-Silangang Asya:** Bukod sa Pilipinas, ang kanilang pamayanan ay makikita rin sa Sabah (Malaysia), pati na rin sa mga baybayin ng Sulawesi at Kalimantan (Indonesia) at Brunei.
**2. Paghahating Heograpiko (Northern at Southern Badjao)**
Batay sa heograpikal na pamamahagi at batayang diyalekto, nahahati ang mga Badjao dalawang pangunahing pangkat:
* **Southern Badjao:** Matatagpuan sa kapuluan ng Tawi-Tawi, Sibuto, at Semporna (Sabah, Malaysia).
* **Northern Badjao:** Matatagpuan sa Siasi, Jolo, Basilan, at Zamboanga.
**3. Katangian ng Kanilang Tirahan at Kapaligiran**
Likas na nakatali ang buhay at heograpiya ng mga Badjao sa dagat:
* **Tirahang Lumulutang o Nakatayo sa Tubig:** Tradisyunal silang naninirahan sa mga bangkang-bahay (tulad ng lepa o vinta) o sa mga bahay na gawa sa kahoy at kawayan na nakatayo sa ibabaw ng mababaw na baybayin (stilt houses).
* **Pumipili ng Kapaligiran:** Karaniwan silang nagtatatag ng pamayanan sa mga tago at tahimik na bahagi ng dagat, tulad ng mga look (coves), tabi ng bakawan (mangroves), at malalapit na isla kung saan ligtas sa malalakas na alon at mayaman sa mga lamang dagat.
* **Pagdaong sa Lupa:** Tradisyunal na dumadaong lamang sila sa pampang upang makipagkalakalan ng huling isda, kumuha ng inuming tubig, o maglibing ng kanilang mga yumao.
**LEPA BOAT**
**4. Pagbabago at Migrasyon sa Iba't Ibang Lungsod**
Dahil sa mga hamon tulad ng hidwaan at kaguluhan sa Timog Mindanao, pagkaubos ng huli sa karagatan, at modernisasyon, nagkaroon ng malawakang migrasyon ang mga Badjao:
* **Internal Migration sa Pilipinas:** Maraming pamilya ng Badjao ang lumipat sa mga pangunahing urbanized na rehiyon tulad ng Visayas (Cebu, Bohol) at Luzon (Metro Manila, Batangas, at Benguet) upang maghanap ng kabuhayan.
* **Internasyonal na Migrasyon:** Marami rin sa kanila ang tumawid sa dagat patungong Sabah, Malaysia kung saan sila bumubuo ng malaking bahagi ng populasyon doon.
### **TRADISYON AT KABUHAYAN NG MGA BADJAO**
**1. Pamumuhay at Kabuhayan**
* Pangingisda ang pangunahing ikinabubuhay — kilala sila sa husay sa pagsisid nang walang kagamitan sa malalim na dagat.
* Nangongolekta rin sila ng mga perlas, kabibe, at damong-dagat; nagtatanim ng kamoteng-kahoy at saging sa lupa.
* Mahinahon at mapayapa ang kanilang ugali, at labis na gumagalang sa karagatan bilang pinagkukunan ng lahat ng pangangailangan.
**TATLONG KLASE NG MGA BADJAO**
* **Sedentary:** Mga Badjao na permanenteng naninirahan sa mga pamayanan sa baybayin at nagtataglay na rin ng sariling mga negosyo o kabuhayan sa lupa (tulad sa Sitangkai, Tawi-Tawi).
* **Semi-Sedentary:** Mga Badjao na naghahati ang oras sa pamumuhay sa lupa at sa karagatan. Mayroon silang nakasanayang bahay sa dalampasigan ngunit gumagamit rin ng bangka.
* **Mga Hitano ng Dagat (Sea Nomads):** Ang tradisyunal na grupo na halos buong buhay ay naninirahan sa kanilang mga bangka (lepa-lepa). Sila ay naglalakbay mula isang isla patungo sa iba bilang mga mangingisda.
**2. Tradisyon**
* May mga ritwal bago mangisda o bago magtayo ng bagong tahanan upang humingi ng proteksyon.
* Mahigpit na pagsunod sa kaugalian at paggalang sa mga pinuno ng pamilya at komunidad.
* **Tradisyon sa Pag-aasawa:** Malaki ang paggalang ng mga Badjao sa kababaihan, kaya ipinagbabawal ang paghawak sa isang babae bago ang kasal. Nagsasagawa sila ng ritwal tulad ng pagkonsulta sa isang Imam (lider ng relihiyon) at madalas silang magdaos ng sayaw na Limbai upang salubungin ang pamilya ng lalaki.
### **PANINIWALA AT RELIHIYON**
**1. Paniniwala**
* **Paniniwala sa Kalikasan at Dagat:** Ang dagat ay buhay. Para sa kanila, ang dagat ang nagbibigay ng pagkain, hanapbuhay, at tahanan. Naniniwala sila na may "spirit" o diwata ang dagat, hangin, at mga isla. Kaya bago mangisda, nag-aalay muna sila ng dasal para humingi ng pahintulot at biyaya. Iginagalang nila ang mga pating, pawikan, at iba pang nilalang sa dagat. Bawal saktan nang walang dahilan.
* **Paniniwala sa mga Ninuno:** Mahalaga sa kanila ang paggalang sa mga matatanda at yumao. Naniniwala sila na binabantayan sila ng mga ninuno. Kaya may mga ritwal sila para alalahanin at humingi ng gabay.
* **Iba pang paniniwala at kaugalian:**
* Bawal mag-away sa bangka dahil malas daw ito at maaaring magalit ang dagat.
* Naniniwala sa panaginip: Ginagamit ito para malaman kung may darating na bagyo o swerte.
* Simpleng pamumuhay: Naniniwala sila na sapat na ang makakain, may masisilungan, at ligtas ang pamilya.
* **Boa Kamataohan (Paniniwala sa mga Ninuno):** Ito ang katutubong paniniwala na nagpapasalamat at nag-aalay ng respeto sa mga kaluluwa ng kanilang mga ninuno (na tinatawag na Umboh). Naniniwala sila na ang mga ito ay may kapangyarihang magbigay ng biyaya at proteksyon sa kanilang pamayanan.
* Sinasamba ang mga espiritu ng dagat at kalikasan; naniniwala na ang maayos na pakikitungo sa kalikasan ay nagdadala ng biyaya.
**2. Relihiyon**
Karamihan sa mga Badjao ngayon ay Muslim na. Pero hindi lahat, at depende sa lugar kung saan sila nakatira.
* 90% ng Badjao sa Sulu, Tawi-Tawi, Basilan at Zamboanga ay Muslim.
* Sumusunod sila sa 5 Haligi ng Islam:
1. Shahada - paniniwala sa iisang Diyos na si Allah
2. Salah - pagdarasal 5 beses sa isang araw
3. Zakat - pagbibigay sa nangangailangan
4. Sawm - pag-aayuno tuwing Ramadan
5. Hajj - pilgrimage sa Mecca kung kaya
**Paghahalo ng Paniniwala (Syncretism):** Ito ay ang pagsasama-sama o paghahalo ng magkakaibang relihiyon, kultura, paniniwala, o kaisipan upang lumikha ng isang bago at natatanging sistema. Kahit Muslim na sila, mayroon silang mga tradisyon noon na dala-dala pa rin nila hanggang ngayon:
* Pag-aalay bago mangisda: Sila ay nananalangin sa kanilang sa Allah at humihingi ng pahintulot sa dagat.
* Ritwal sa patay: Islamic burial pero may pag-alay pa rin sa mga ninuno.
* Paniniwala: Sila ay naniniwala sa kanilang mga panaginip at malas o mabuti.
**Mahahalagang detalye:**
* **Islam:** Karamihan sa kanila ay sumusunod sa Sunni Islam, kung saan nakadepende sa isang Imam ang mga panalangin, pagpapala sa mga okasyon, at pagtatakda ng mga petsa ng kasal.
* **Umboh:** Ito ang tawag sa pagsamba o pagbibigay-galang sa kaluluwa ng kanilang mga ninuno. Naniniwala sila na ang mga espiritu na ito ay nagbabantay at maaaring magdala ng swerte o malas sa kanilang pang-araw-araw na pangingisda.
* **Tinitik:** Isa itong tradisyonal na paghuhula bago maganap ang kasal o iba pang mahalagang gawain. Hihingi sila ng gabay sa isang pantas upang malaman kung magkatugma ang kapalaran ng dalawang ikakasal.
* **Mga Ritwal:** May mga ritwal din sila tulad ng paghahagis ng bagong silang na sanggol sa dagat, pag-aalay ng pagkain, sigarilyo, at pabango sa mga espiritu upang humingi ng proteksyon.
**KONSLUSYON:** Pangunahing relihiyon ng mga Badjao ang Islam, ngunit mahigpit pa rin silang naniniwala sa animismo, tulad ng pagsamba sa mga espiritu ng kalikasan at kanilang mga ninuno (Umboh). Ang kanilang kultura ay pinaghalong aral ng Koran (o Qur'an) at mga tradisyonal na ritwal na gumagabay sa kanilang pamumuhay sa karagatan.
### **MUSIKA, SAYAW AT KASUOTAN**
**1. Musika**
Mahilig ang mga Badjao sa masigla at masayang musika. Gumagamit sila ng mga katutubong instrumento tulad ng:
* **Gabbang:** Isang uri ng xylophone na gawa sa kahoy.
* **Kulintang:** Mga maliit na gong na magkakasunod.
* **Kuling-kuling:** Parang gitara na tinutugtog habang nagkukwento.
Ang tunog ng kanilang musika ay mabilis, parang alon at hangin sa dagat. Ginagamit ito sa mga pista, kasalan, at pagtitipon.
**2. Sining**
Ang sining ng mga Badjao ay puno ng kulay at disenyo mula sa dagat.
* **Paglalala:** Gumagawa sila ng magagandang banig gamit ang dahon ng pandan na may geometric na disenyo.
* **Pag-uukit:** Iniuukit nila sa kahoy ang mga hugis ng isda, alon, at bituin para sa kanilang sagwan at bahay.
* **Pananamit:** Makukulay ang kanilang damit na may palamuting beads at tanso.
**3. Sayaw**
Ang pinakasikat na tradisyonal na sayaw ng mga Badjao (o Sama-Bajau) ay ang **Igal** (at ang baryasyon nitong **Igal Janggay**). Ito ay isang masining at malambot na sayaw na tinatawag ding "Sayaw ng Agila ng Dagat," kung saan ginagaya ng mga galaw ng kamay, braso, at katawan ang pagaspas ng agila, pag-alon ng tubig, at ihip ng hangin.
* **Igal Janggay:** Gumagamit ang mga mananayaw (kadalasang kababaihan) ng *janggay*, o mahahabang pekeng kuko na gawa sa metal tulad ng tanso o pilak upang mas maging litaw at elegante ang bawat galaw ng mga daliri at pulso.
* **Kumpas at Tugtog:** Sinasabayan ito ng tradisyonal na musikang Kulintangan ensemble na may kasamang mga gong.
* **Layunin:** Ginagawa ito sa mga pagdiriwang tulad ng kasalan, pagtitipon ng komunidad, o bilang handog at aliwan.
**Kasuotan:**
* **Mga Lalaki:** Nagsusuot ng maluwag na kamiseta o "baju" at pantalon na "sawal". May pudong o tela sa ulo panangga sa araw.
* **Mga Babae:** Nagsusuot ng mahabang blouse, malong o saya, at panyo sa ulo o "tudong".
* **Paliwanag:** Simple at magaan ang damit nila para komportable sa pangingisda at paglangoy. Panangga rin ito sa araw at alat ng dagat.
**KONKLUSYON:** Sa kabuuan, ang musika, sining, at sayaw ng mga Badjao ay hindi lamang para sa libangan. Ito ay mahalagang bahagi ng kanilang buhay. Sa pamamagitan nito, nagpapahayag sila ng pasasalamat sa dagat, nagkukwento ng kanilang kasaysayan, at pinatatag ang kanilang pagkakaisa at pagkakakilanlan bilang isang tribo.
### **MGA HAMON SA KASALUKUYANG PANAHON**
* **Kahirapan at Kakulangan sa Kabuhayan:** Maraming Badjao ang nahihirapang kumita dahil sa pagkawala o pag-unti ng kanilang tradisyunal na hanapbuhay na pangingisda. Dahil dito, ang ilan ay napipilitang mamalimos o maghanap ng ibang paraan upang mabuhay.
* **Diskriminasyon at Stereotyping:** Marami pa ring Badjao ang nakakaranas ng panghuhusga at hindi pantay na pagtrato dahil sa kanilang kultura, pamumuhay, at katayuang pang-ekonomiya. Ito ay nagiging hadlang sa kanilang pagpasok sa trabaho at pakikisalamuha sa lipunan.
* **Pang-ekonomiya:** Pagtaas ng presyo ng bilihin (gas, pagkain, kuryente), kakulangan sa sapat na sahod, at mga utang at gastusin.
* **Pagpapanatili ng Kanilang Kultura at Pagkakakilanlan:** Habang nakikibagay sa makabagong lipunan, nahaharap ang mga Badjao sa panganib na unti-unting pagkawala ng kanilang sariling wika, tradisyon, at natatanging kultura.
* **Teknolohiya at Social Media:** Panganib mula sa fake news, disinformation, online scams, cybercrime, at cyberbullying.
**Mga Hamon sa Trabaho at Kabuhayan:**
* **Pagkawala ng Tradisyunal na Hanapbuhay:** Nahihirapan silang kumita dahil sa pagkaubos o pag-unti ng mga huling isda at mga yamang-dagat.
* **Diskriminasyon sa Pag-aplay:** Nahaharap sila sa panghuhusga at hindi tinatanggap sa trabaho dahil lamang sa kanilang pagiging Badjao.
* **Napipilitang Mamalimos:** Dahil sa kawalan ng pormal na oportunidad, ang ilan ay napipilitang mamalimos sa mga lungsod upang mabuhay.
**Mga Hamon sa Edukasyon at Kaalaman:**
* **Kakulangan sa Pormal na Edukasyon:** Dahil sa kahirapan, pangkulturang diskriminasyon, at nomadic o madalas na paglipat-lipat ng tirahan, marami sa kanila ang hindi nakakapagtapos o nakakapasok sa pormal na paaralan.
* **Digital Literacy:** Nahihirapan silang makisabay sa modernong teknolohiya at madaling mabiktima ng mga online scam at maling impormasyon.
### **MGA BADJAO NOONG PANAHONG KOLONYAL**
Noong panahong kolonyal (lalo na sa ilalim ng pananakop ng mga Espanyol at Amerikano), ang mga Badjao ay nakaranas ng malaking pagbabago at pagtulak patungo sa gilid ng lipunan (marginalization):
1. **Pag-iwas sa Pananakop at Pagpapanatili ng Pamumuhay sa Dagat (Panahon ng Espanyol):** Hindi tulad ng mga katutubo sa Luzon at Visayas na nasakop at nabautismuhan sa Kristiyanismo, ang mga Badjao ay hindi ganap na nasakop ng mga Espanyol. Dahil sila ay mga sea nomads, madali silang nakalilipat at nakaiiwas tuwing may banta ng pwersang Espanyol o mga labanan sa lupa.
2. **Marginalization at Pagiging Itinatangi sa Lipunan:** Sa kabila ng kanilang pag-iwas sa pananakop, napunta sila sa pinakailalim ng panlipunang antas (social hierarchy) sa rehiyon. Nakaranas sila ng pang-aapi at diskriminasyon hindi lamang mula sa mga mananakop kundi maging mula sa mga mas dominanteng pangkat-etniko sa lugar (tulad ng mga Tausug).
3. **Epekto ng Panahon ng mga Amerikano:** Pormal na itinatag ang hangganan ng Pilipinas at Malaysia (Sabah), na naglimita sa malayang paglalayag ng mga Badjao. Dahil sa kanilang nomadic na pamumuhay, hindi sila naabot ng pormal na edukasyon at mga serbisyong panlipunan.
### **PANINIRAHAN NG MGA BADJAO SA TUBIG**
* **Likas na Kabuhayan at Kasanayan:** Ang dagat ang pangunahing pinagkukunan ng kanilang pagkain at pangkabuhayan sa pamamagitan ng pangingisda, pagda-dive para sa perlas at kabibe, at paglalala.
* **Mapayapang Pamumuhay at Pag-iwas sa Hidwaan:** Ang pamumuhay sa bangka o sa ibabaw ng tubig ay naging paraan nila upang maiwasan ang mga kaguluhan, pananakop, at hidwaan sa lupa.
* **Spiritwal at Pangkulturang Paniniwala:** Naniniwala sila na ang dagat at kalikasan ay pinanahanan ng mga espiritu at binabantayan ng kanilang mga ninuno (Umboh).
* **Mga Limitasyon sa Lupa:** Nahirapan silang mag-may-ari ng mga lupain dahil sa kawalan ng pormal na edukasyon, kakulangan sa dokumento, at diskriminasyon.
### **PAGSUSULIT SA MGA BADJAO**
1. Ang __________ ay tumutukoy sa isang malaking pangkat-etnolinggwistiko at pamilya ng mga wika na matatagpuan sa Timog-Silangang Asya, Oceania, at Madagascar.
* A. Austronasian
* B. Austronesian
* C. Austronesan
* D. Austroneisian
2. Ano ang tawag sa mga bahay ng Badjao na nakatayo sa tubig o itinayo sa tubig?
* A. Still Houses
* B. Stil Houses
* C. Stilt Houses
* D. Stillt Houses
3. Ano ang “Syncretism”?
* A. Pagsasama ng mga magkakaibang relihiyon, kultura, paniniwala, o kaisipan.
* B. Pagsasama ng mga magkakaibang wika, tradisyon, paniniwala, o kaisipan.
* C. Pagsasama ng mga magkakaibang rehiyon upang magdiwang?
* D. Pagsasama ng magkakaibang pangkat na mayroong parehong paniniwala ngunit magkakaiba ng kultura.
4. Ano ang tawag sa pinakasikat na sayaw ng mga Badjao?
* A. Jangay
* B. Janggay
* C. Jenggay
* D. Jengay
5. Anong tawag sa instrumento na uri ng xylophone na gawa sa kahoy?
* A. Kulintang
* B. Gong
* C. Kuling-Kuling
* D. Gabbang
6. Ilang daan na ang nakakalipas nang magsimulang umusbong ang pangkat ng mga Badjao?
7. Ano ang ibig sabihin ng salitang Badjao?
8. Ano ang pangunahing relihiyon ng mga Badjao sa kasalukuyan?
9. Ano ang Boa Kamataohan?
10. Ano ang Umboh?
*THANK YOU!*
*-Bayaning Moderno-*