Ang Bitag

  • Hunyo 21, 1892 - umalis sa Hong Kong sina Rizal at Lucia

  • Hunyo 26, 1892 - dumating sa Maynila ang magkapatid

  • Sa kabila ng paalala ng mga kaibigan at kamag-anak walang nakapigil sa muli niyang pagbabalik sa Pilipinas dahil handa siya sa anumang mangyayari sa kaniya.

"Ang labanan ay nasa Pilipinas at wala sa Madrid. Doon tayo dapat magtagpo-tagpo, magtulungan, sama-samang makibaka at magdusa alang-alang sa kapakanan ng ating bayan.”

- Jose Rizal, Europe

Mga Layunin ni Rizal sa kaniyang pag-uwi:

  1. Malaman kung maari pang magbago ang pasya ni Gobernador Heneral Despujol tungkol sa kaniyang proyekto sa Borneo (Borneo Colonization Project)

  2. Maitatag ang samahang La Liga Filipina​

  3. ​Harapin ang mga paratang sa kaniya upang matigil na ang pagpaparusa sa kaniyang pamilya at kababayan.​

  • Borneo Colonization Project - Proyekto ni Rizal upang bigyan ng tahimik at masaganang buhay-agrikultura ang mga Pilipinong pinalayas sa Hacienda de Calamba​.

Kasunduan ni Rizal at ng North Borneo Chartered Company (Enero 1892)

  1. ​Papaupahan ng lupain ang mga Pilipino​

  2. Papayagan na pamahalaan ng mga Pilipino ang kanilang mga sarili basta kikilalanin nila ang Britaniya​

  3. Maaaring maglinang ng lupain na ‘di bababa sa 2,020 ektarya na tatagal ng 999 taon​

  4. Magpapatayo ng mga gusali na babayaran sa loob lamang ng 3 taon

  • Abril 6, 1892 - Sumang-ayon ang Gobernador ng North Borneo sa plano at bumalik na ng Hong Kong kinabukasan​. Kinailangan niyang ipaalam kay Despujol ang proyekto.

  • Gobernador Heneral Eulogio Despujol - kasalukuyang gobernador Heneral sa Pilipinas noong umuwi si Rizal.

Tatlong beses na sumulat si Rizal kay Gobernador Heneral Despujol:

  1. December 23, 1891 – unang sulat​

  2. March 21, 1892 – ikalawang sulat na ibinigay mismo sa Kapitan ng barko para maibigay mismo kay Despujol​

  3. Hunyo 21, 1892 – siya ay babalik sa Pilipinas para hilinging patawarin na ang pamilya’t pag-usapan muli ang tungkol sa Borneo​

  • Ngunit, hindi natuloy ang Borneo Colonization Project.

Mga Dahilan kung bakit hindi ito natuloy:

  1. Ayon kay Despujol , hindi makabayan ito dahil hahatakin niya ang mga trabahador gayong kapos na sa mga alipin​.

  2. Kung matuloy ang proyekto, doon sisimulain ang rebolusyon ng mga Pilipino​.

  • Sa pagdating ni Rizal sa Maynila, isang pangkat ng mga kawal kasama ang ilang pinuno ng guwardiya sibil ang sumalubong sa kaniya sa piyer.

  • Hotel de Oriente - kung saan nanuluyan si Rizal sa Maynila.

  • Ika- 4 ng hapon ,nagtungo sa Malacañang upang makipanayam kay Gobernador Heneral Eulogio Despujol​ ngunit pinabalik siya ng ika- 7 ng gabi. 

  • ​Ilang ulit nakipanayam si Rizal hanggang sa napapayag niya na bawiin ang parusa sa ama’t mga kapatid maliban kay Paciano at si Ubaldo​.

  • Hulyo 6, 1892 - Nang tinanong siya ni Despujol kung babalik pa ito sa HongKong, at sumagot ng oo si Jose, naiba ang desisyon nito. Dahil dito, ipinakita sa kaniya ang limang polyeto (babasahing papel) ng “Pobres Failes” ni Fr. Jacinto na nailimbag sa Imprenta de las Amigos del Pais Manila.

  • Pobres Frailes - limang polyetong babasahin na isinulat ni Fr. Jacinto tungkol sa mga prayle na naging dahilan ng pagkakadakip ni Jose.

“Napasama sa mga papel na dinampot at nilukot ni Lucia sa bahay ni Basa na pinasok niya sa punda at ginamit sa bapor.​”

- Craig

  • ​Ngunit sa palagay ni Rizal, sa Maynila itinanim ang mga babasahin.

  • Dahil sa Pobres Frailes, Iniutos ni Despujol na ikulong si Rizal sa Fuerza de Santiago​ nang walang paglilitis at kalaunan ay ​ipinatapon sa Dapitan. ​

  • Fuerza de Santiago - dito ikinulong si Rizal noong siya ay madakip.