CO4-CO6: Filipino Review
CO4 - KAKAYAHANG LINGGUWISTIK
Kakayahang Lingguwistiko
Naglalarawan sa kapabilidad ng isang indibidwal na bumuo at umunawa ng tama at makahulugang pangungusap na may tamang gamit ng gramatika.
ORTOGRAPIYA
Ang sistema ng pagsusulat at mga alituntunin sa wastong pagbabaybay sa wikang Filipino.
Layunin: Magkaroon ng pamantayang paraan ng pagsulat para sa maayos na komunikasyon.
• Itinatag batay sa mga pagbabago at pangangailangan ng wikang Filipino sa ilalim ng KWF.
GRAPEMA
Tumutukoy sa mga simbolo ng wika.
Titik:
Baybayin: 17 (Pre-kolonyal)
Abecedario: 30 (1600-1700)
Abakadang Tagalog: 20 (1940)
Pinagyamang Alpabeto: 31 (1977)
Modernisado Alpabeto: 28 (1987)
Di-Titik:
Mga Tuldik (4)
Mga Bantas (16+)
MODERNISADONG ALPABETO
Binubuo ng 28 titik na may tunog-Ingles maliban sa Ñ.
DI-TITIK
• Mga bantas na tumutulong magbigay ng malinaw na kahulugan sa pangungusap.
Tuldok (.)
Ginagamit sa katapusan ng pahayag.
Halimbawa: Maganda ang panahon ngayon.
Gituldok (•)
Ginagamit sa pagpapantig sa diksyunaryo.
Halimbawa: pa•nga•ngá•wit
Kuwit (,)
Ginagamit upang ipakita ang pansamantalang paghinto.
Halimbawa: Bago ang lahat, naisip niya, nais niyang maghanapbuhay.
Tandang Pananong (?)
Ginagamit sa tanong o usisa.
Halimbawa: Saan ka tutungo?
Tandang Padamdam (!)
Ginagamit sa bugso ng damdamin o sigaw.
Halimbawa: Aray! Nasugatan ako!
Tuldok-Kuwit (;)
Ginagamit upang pag-ugnayin ang magkaugnay na pangungusap.
Halimbawa: Masaya ako; natapos ko na ang proyekto.
Tutuldok (:)
Ginagamit upang ipakita ang listahan.
Halimbawa: Marami akong kailangang baguhin sa sarili: estilo ng pananamit, estilo ng buhok, at estilo ng pamumuhay.
Panipi ("")
Ginagamit upang ipaloob ang direktang pahayag.
Halimbawa: "Pinaliwanag ng guro na ang ekspresyong 'to pull one's leg' ay nangangahulugang biruin ang isang tao."
Gitling en(-)
Ginagamit sa pag-uulit ng salita o pantig.
Halimbawa: araw-araw, tag-init
Gitling em (—)
Mas mahaba kaysa sa gitling en, Ginagamit sa mas pormal o dramatikong pagsulat.
Halimbawa: “Hindi ko na nasabi pa—”
Panaklong ( )
Ginagamit upang ibukod ang impormasyon.
Halimbawa: Ang pag-aaral (lalo na sa agham) ay mahalaga.
Kudlit (')
Ginagamit kapag may tinanggal na letra.
Halimbawa: Siya'y aalis na.
Panaklaw ([ ])
Ginagamit para sa dagdag na impormasyon sa siniping pahayag.
Halimbawa: Kupkupin mo [sa mga mahihirap] ang iyong pagmamahal.
Elipsis (...)
Ginagamit upang ipakita ang nakaltas na bahagi ng pahayag.
Halimbawa: Personal ang aking pagsasalin... sa dahilan at proseso.
Slash (/)
Ginagamit upang ipakita ang alternatibo.
Halimbawa: babae/lalaki
PONOLOHIYA
Pag-aaral ng mahahalagang tunog ng wika na nagbibigay-kahulugan sa pagbigkas at salita.
Ponema
Pinakamaliit na yunit ng tunog na may kabuluhan.
Ponemang Segmental
Patinig (Vowels): /a/, /e/, /i/, /o/, /u/
Katinig (Consonants): /b/, /k/, /d/, etc.
Pares Minimal
Salitang magkaiba ang kahulugan ngunit magkatulad ang tunog maliban sa isang ponema.
Hal: puso ↔ piso
Ponemang Malayang Nagpapalitan
Mga ponema na maaaring magkapalit nang hindi binabago ang kahulugan.
Hal: politika ↔ pulitika
PUNTO NG ARTIKULASYON
Panlabi: Hal: p/b/m
Pangngipin: Hal: t/d/n
Panggalagid: Hal: l/r
Velar (Pangngalangala): Hal: k/g
Glottal: Hal: h
PONEMANG SUPRASEGMENTAL
Tono/Intonasyon: Pagbabago ng tono sa pagbigkas.
Haba: Tagal ng pagbigkas ng tunog.
Hinto/Antala: Saglit na pagtigil upang linawin ang kahulugan.
DIPTONGGO
Pagsasama ng patinig at malapatinig (w o y) sa isang pantig.
Halimbawa:Aw: galaw
Iw: giliw
Uy: aruy
DIGRAPO
Kombinasyon ng dalawang katinig ngunit may iisang tunog.
Halimbawa:tsismis (chismes)
syuting (shooting)
KLASTER
Magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa isang patinig.
Halimbawa:braso, trabaho (unahan)
kongreso (gitna)
kard (hulihan)
MALUMAY (e)
Paglalarawan: Isang uri ng pagbigkas na may diin sa penultima (ikalawang pantig mula sa dulo). Mabagal ang pagbigkas at walang tuldik.
Tuldik: Walang tuldik.
Pagkakataon: Madalas ginagamit sa mga simpleng salita.
Halimbawa:
dalaga
babae
sarili
tao
sampalataya
MALUMI (è)
Paglalarawan: Binibigkas nang malumay ngunit may impit na tunog sa hulihan. Ginagamitan ng tuldik na paiwà (ˋ).
Tuldik: Paiwà (ˋ)
Katangian: Nagtatapos lamang sa patinig.
Halimbawa:
batà
talumpatì
dambuhalà
dalamhatì
kulasisì
labì
MABILIS (é)
Paglalarawan: Binibigkas nang tuloy-tuloy na ang diin ay nasa huling pantig ngunit walang impit sa dulo. Ginagamitan ng tuldik na pahilís (´).
Tuldik: Pahilís ()
Halimbawa:
takbó
isá
malakí
batubató
bulaklak
katawán
MARAGSA (ê)
Paglalarawan: May diin sa huling pantig, mabilis ang pagbigkas, at may impit sa dulo. Ginagamitan ng tuldik na pakupyâ (^).
Tuldik: Pakupyâ (^)
Halimbawa:
aligagâ
tulâ
tugmâ
tuyô
MGA TERMINOLOHIYA
Morpolohiya: Sistematikong pag-aaral ng mga morpema ng isang wika.
Morpema: Pinakamaliit na yunit ng salita na may kahulugan.
Kasanayang Morpolohikal: Pag-aaral ng mga morpema mula uri hanggang pagkakayari.
Kasanayang Pambalarila: Paggamit ng morpema sa parirala, sugnay, pangungusap, o talata.
MGA URI NG MORPEMA
1. Morpemang Ponema
Tumukoy sa mga ponemang nag-iisa at maaaring magpabago ng kahulugan kapag idinagdag sa isang salita.
Halimbawa:
pato (isang uri ng ibon)
bato (isang bagay na matigas mula sa lupa)
2. Morpemang Salitang-ugat
Pinakapayak na anyo ng salita; hindi nangangailangan ng panlapi upang magkaroon ng kahulugan.
Halimbawa:
bili, takbo, kain, sulat
Tulong sa salitang "tulungan"
3. Morpemang Panlapi
Idinadagdag sa salitang-ugat upang makabuo ng bagong salita.
Unlapi: ma+bait, um+awit
Gitlapi: s<um>ulat, b<in>ili
Hulapi: sayaw+an, inom+in
Kabilaan: pinag+luto+an, pag+sikap+an
Laguhan: pinag+s+um+ikap+an
KAYARIAN NG MORPEMA
Morpemang Inuulit
PARSYAL: Bahagi lamang ng salita ang inuulit.
Halimbawa: sasama, susulat, kakantaGANAP: Buong salita ang inuulit.
Halimbawa: araw-araw, taon-taonHALUAN: Pagsasama ng pag-uulit at panlapi.
Halimbawa: nagpupunta-punta, naglalakad-lakad
Morpemang Tambalan
DIGANAP: Literal ang kahulugan.
Halimbawa: bahay-kubo, tubig-ulanGANAP: Nagbubunga ng bagong kahulugan.
Halimbawa: hanapbuhay, kapitbahay
Morpemang May Kontraksiyon
Pagkakaltas ng mga pantig upang gawing mabilis ang pagsasalita.
Halimbawa:
Pa'no (paano)
Sa'kin (sa akin)
Meron (mayroon)
BAHAGI NG PANANALITA
PANGNILALAMAN
Pangngalan: Tumutukoy sa pangalan ng tao, hayop, bagay, lugar, o konsepto.
Halimbawa: bata, mesa, lungsodPantangi: Juan, Pilipinas
Pambalana: guro, aklat
Panghalip: Pamalit sa pangngalan.
Halimbawa: ako, ikaw, siyaPanao: ako, kami
Pamatlig: ito, iyan
Pananong: sino, ano
Panaklaw: lahat, bawat isa
PANGKAYARIAN
Pang-angkop: Nag-uugnay sa salita.
Pang-ukol: Nagpapakita ng relasyon.
Pantukoy: Tumutukoy sa kasarian o bilang.
PANDIWA
Ang pandiwa ay mga salitang nagsasaad ng kilos, gawa, o pangyayari.
Halimbawa: tumakbo, nagluto, umiiyak, sasayaw
Aspekto ng Pandiwa
Perpektibo (Naganap o Tapos Na)
Tumutukoy sa kilos na natapos na.
Halimbawa:Nagluto si Maria ng hapunan kagabi.
Kumain kami sa restawran kahapon.
Imperpektibo (Nagaganap o Kasalukuyan)
Tumutukoy sa kilos na ginagawa sa kasalukuyan.
Halimbawa:Nagluluto si Maria ng hapunan ngayon.
Kumakain kami ng tanghalian.
PANG-URI
Ang pang-uri ay mga salitang naglalarawan o nagbibigay-katangian sa pangngalan o panghalip.
Antas ng Pang-uri
Lantay - Naglalarawan sa isa lamang.
Halimbawa: matalino, mabait, magandaPahambing - Naghahambing ng dalawa.
Halimbawa: mas matalino, kasinggandaPasukdol - Nagpapakita ng pinakadulong antas ng katangian.
Halimbawa: pinakamatalino, napakaganda
PANG-ABAY
Ang pang-abay ay mga salitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay. Karaniwang sinasagot nito ang mga tanong na paano, kailan, saan, o bakit.
Uri ng Pang-abay
Pang-abay na Pamaraan - Nagpapakita ng paraan ng kilos.
Halimbawa: Tumakbo nang matulin si Agnes upang hindi mahuli sa klase.Pang-abay na Pamanahon - Nagsasaad ng oras o panahon.
Halimbawa: ngayon, kahapon, mamayaPang-abay na Panlunan - Tumutukoy sa lugar kung saan naganap ang kilos.
Halimbawa: sa bahay, sa eskwela
PANGATNIG
Ang pangatnig ay mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay.
Halimbawa: at, ngunit, subalit, dahil sa, sapagkat
Halimbawa ng Pangungusap: Siya ay maganda at matalino.
PANG-ANGKOP
Ang pang-angkop ay mga katagang nag-uugnay ng panuring sa tinuturingan.
Halimbawa:"na" - Ginagamit kapag ang nauunang salita ay nagtatapos sa katinig.
Ang banal na kasulatan
"-ng" - Ginagamit kapag ang nauunang salita ay nagtatapos sa patinig.
Ang kotseng pula
"g-" - Ginagamit kapag nagtatapos sa "n" ang salita.
Kainang nasa kalye
PANG-UKOL
Ang pang-ukol ay mga salitang ginagamit upang ipakita ang relasyon ng pangngalan o panghalip sa ibang salita.
Halimbawa: sa, ng, para sa, ayon sa, ukol saPumunta siya sa tindahan.
Ang bahay ng guro ay malapit sa paaralan.
PANTUKOY
Ang pantukoy ay mga salitang ginagamit upang ipakilala ang pangngalan.
Halimbawa: ang, ang mga, si, sinaAng guro ay mabait.
Si Juan ang kaklase ko.
PANGAWING
Ang pangawing (pandiwang pantulong) ay ginagamit upang pagdugtungin ang simuno at panaguri.
Karaniwang ginagamit ang salitang ay.
Halimbawa:Siya ay magaling na manunulat.
Ang aso ay malikot.
PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO
1. Asimilasyong Parsyal
Ang panlaping pang- ay nagbabago batay sa tunog ng salitang-ugat.
pang- + babae = pambabae
pang- + regalo = panregalo
2. Asimilasyong Ganap
Buong panlaping pang- ay nagbabago, at nawawala ang ponemang "ng."
pang- + tali = panali
pang- + tanim = pananim
3. Metatesis
Pagpapalit ng puwesto ng dalawang ponema kapag nilapian.
in + lipad = nilipad
in + laro = nilaro
4. Reduplikasyon
Parsyal: Pag-uulit ng bahagi ng salita.
Naglalakad, aalis
Ganap: Pag-uulit ng buong salita.
Linggo-linggo, gabi-gabi
5. Pagpapalitan ng Ponema
Pagpapalit ng isang ponema sa pagbuo ng salita.
Marunong = ma- + dunong
6. Pagkakaltas ng Ponema
Kinakaltas ang huling patinig ng salitang-ugat sa paghuhulapi.
Takpan = takip + -an
SINTAKSIS
Sintaksis - Sistematikong pag-aaral ng ugnayan ng mga salita sa loob ng parirala, sugnay, o pangungusap.
Bahagi ng Pangungusap
Simuno (Paksa): Pinag-uusapan sa pangungusap.
Si Enzo ay magaling sumayaw.
Panaguri: Nagbibigay impormasyon tungkol sa simuno.
Ang mga kabataan ay tumulong sa paglilinis.
Kaayusan ng Pangungusap
Tuwid o Karaniwan: Nauuna ang panaguri.
Naglaro sa parke ang mga bata.
Baligtad o Di-Karaniwan: Nauuna ang simuno.
Ang mga bata ay naglaro sa parke.
Anyo ng Pangungusap
Payak: May isang paksa at isang panaguri.
Tambalan: Binubuo ng dalawang sugnay na makapag-iisa.
Siya ay nag-aaral habang ako ay nagluluto.
Hugnayan: May isang sugnay na makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di-makapag-iisa.
Kung umalis siya ng maaga, malamang nakarating na siya.
Lankapan: Binubuo ng dalawang sugnay na makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di-makapag-iisa.
Nanalo sina Angel habang si Jason ay nagbigay ng talumpati kahit kapos sila sa oras.
SEMANITKA
Ang semantika ay ang pag-aaral ng kahulugan ng mga salita batay sa paggamit nito.
Denotasyon
Literal o neutral na kahulugan.
Halimbawa: Aso - hayop na may apat na paa.
Konotasyon
Malalim o simbolikong kahulugan.
Halimbawa: Aso - matalik na kaibigan.
CO5 - KAKAYAHANG SOSYOLINGGUWISTIK
SOSYOLINGGUWISTIKO
Kakayahang Sosyolingguwistiko
Tumutukoy ang pag-aaral sa ugnayan ng wika at iba pang salik-panlipunan.
Kasama sa mga salik-panlipunan: Edad, Kasarian, Estado sa lipunan, Etnisidad.
Kakayahang magamit at maunawaan ang wika ayon sa iba’t ibang salik-panlipunan.
DELL HYME
SPEAKING Model
Setting/Scene: Pisikal na lokasyon at oras ng komunikasyon.
Halimbawa: Talakayan sa isang klase.
Participants: Mga tao na kasangkot sa komunikasyon.
Halimbawa: Guro at estudyante.
Ends: Layunin o dahilan ng pag-uusap.
Halimbawa: Opinyon sa isang debate.
Act Sequence: Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Halimbawa: Pagpapakilala at talakayan.
Key: Tono ng pagsasalita (pormal o di-pormal).
Halimbawa: Pagsasalita sa seminar.
Instrumentalities: Anyo o tsanel ng komunikasyon (wika, non-verbal).
Halimbawa: Filipino sa lokal na pagtitipon.
Norms: Pamantayan at etika sa komunikasyon.
Halimbawa: Paggalang sa guro.
Genre: Uri ng pananalita (narrative, argumentative, etc.).
Halimbawa: Panayam kumpara sa talumpati.
Pragmatika
Kakayahang Pragmatik
Tumutukoy sa paggamit ng wika sa pinaka-angkop na paraan sa iba’t ibang sitwasyon.
Nakatuon ito sa interpretasyon ng mga mensahe depende sa sitwasyon at relasyong panlipunan.
Dalawang lente:
Halimbawa: 1. "Kumuha ka ng tubig." (utos)
Halimbawa: 2. "Pakikuha mo ako ng tubig." (pakiusap)
Halimbawa: 3. "Kunan mo ako ng tubig, ha?" (suhestiyon)
Halimbawa: 4. "Maaari mo ba akong ikuha ng tubig?" (mas pormal na pakiusap)
Diskursong Pragmatik
Nakatuon sa sitwasyong komunikatibo at konteksto.
Konteksto: Interpesonal, Panggrupo, Pangkasarian, Interkultural.
Kontekstong Interpesonal: Nagaganap sa pagitan ng magkakilalang tao, isinasaalang-alang ang personalidad at emosyon.
Kontekstong Panggrupo: Nakapokus sa interaksyon sa mas maraming tao, nagkakaroon ng baryasyon sa paggamit ng wika.
Kontekstong Interkultural: Nagsasaalang-alang ng pagkakaiba sa kultura at relihiyon.
Kontekstong Pangkasarian: Kasarian bilang salik sa pagbibigay kahulugan, maaaring makaapekto sa tugon.
DISKORSAL
Kakayahang Diskorsal
Tumutukoy sa pagpapahayag ng mga ideya na maayos at malinaw.
Mahalaga ang:
Coherence: Ugnayan ng mga ideya sa kabuuan ng mensahe.
Cohesion: Ugnayan ng mga ideya sa antas ng pangungusap.
Halimbawa ng di-kohesibong pahayag: "Matalino si John Sheidrick. Paborito niyang laro ang basketbol." (Walang kaugnayan)
Halimbawa ng kohesibong pahayag: "Dami namang lamok dito." - "Teka, magsisindi lang ako ng katol." (May kontekstong ugnayan)
Speech Act Theory
Locutionary Act: Aktuwal na pagsasalita.
Illocutionary Act: Ipinahihiwatig na kahulugan na maaaring iba sa aktuwal na pahayag.
Halimbawa: "Isara mo ang pintuan." (utusan)
Perlocutionary Act: Epekto ng pahayag sa tagapakinig, maaaring magdulot ng aksyon o tugon.
Halimbawa ng speech acts:
Locutionary Act: "Gusto ko ng kape."
Illocutionary Act: Pagsasabi ng pangangailangan.
Perlocutionary Act: Pagbibigay ng kape ng tagapakinig.
Ang Pananaliksik: Kahulugan, Layunin, at Proseso
CO6 - PANANALIKSIK
Kahulugan ng Pananaliksik
Good (1963): Ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, at disiplinadong inkwiri gamit ang iba't ibang teknik at paraan upang masolusyunan ang suliranin.
Manuel at Madel (1976): Ito ay proseso ng pangangalap ng datos upang malutas ang partikular na suliranin sa maka-agham na paraan.
Layunin ng Pananaliksik
Tumuklas ng bagong kaalaman.
Bigyan ng bagong interpretasyon ang lumang impormasyon.
Linawin ang mga pinagtatalunang isyu.
Patunayan ang balididad ng datos o ideya.
Proseso ng Pananaliksik
Pagpili ng Paksa
Dapat interes ng mananaliksik at sakto sa itinakdang panahon.
Paraan:
Mind Mapping: Pumili ng sentral na paksa, maglista ng kaugnay na ideya, tukuyin ang mga koneksyon, at gumawa ng tanong batay sa ugnayan ng mga ideya.
Halimbawa:
Paksa: Kabataan
Tanong: Paano binabago ng paggamit ng social media ang pananaw ng kabataan sa relasyon?
Pagkalap ng Impormasyon
Mag-rebyu ng kaugnay na literatura.
Tukuyin ang potensyal na sagot sa tanong.
Bumuo ng bibliograpiya at iwasan ang redundancy.
Paglalahad ng Tesis na Pahayag
Halimbawa ng tesis: "Nakaaapekto sa kabataan ang labis na paggamit ng social media."
Ang mga tanong ay magsisilbing gabay sa datos na kailangang kolektahin.
Pagbuo ng Tentatibong Balangkas
Introduksiyon:
Layunin: Alamin ang epekto ng social media.
Depinisyon ng mga terminolohiya.
Katawan:
Mga uri ng social media (Facebook, TikTok, Instagram).
Mga epekto (sosyal, mental, emosyonal, espiritwal).
Kongklusyon:
Buod ng pag-aaral at muling pagpapakita ng tesis.
Pagsulat ng Borador
Organisahin ang datos batay sa balangkas.
Gumamit ng pagbubuod, pagsasalin, o direktang sipi.
Pagsulat ng Pinal na Borador
Isagawa ang rebisyon, pag-edit, at proofreading.
Siguraduhing tama ang gramatika, baybay, at pagbabantas.
Paglilimita ng Paksa
Maaaring limitahan ayon sa panahon, edad, kasarian, perspektibo, lugar, o partikular na kaso.