Filipino
Panukalang Proyekto
➢ ito ay isang pormal na kasulatan na
naglalaman mg mungkahing mga
plano ng gawaing ihaharap sa tao o
samahang pag-unkulan nito na
siyang tatanggap at magpapatibay
nito.
➢ Detalyadong deskripsyon na
naglalayong lumutas ng isang
problema.
Bahagi ng Panukalang Proyekto
❖ PAMAGAT
Hal:
❖ PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN
Hal:
❖ LAYUNIN
Hal:
❖ PLANO NG MGA DAPAT GAWIN
Hal:
❖ BADYET
Hal:
❖ BENEPISYO NG PROYEKTO AT
MAKIKINABANG
Hal:
Posisyong Papel
➢ Ito ay isang sanaysay na naglalahad
ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa
at naglalayong maipakita ang
katotohanan at katibayan ng isang
tiyak na isyung napapanahon.
Nilalathala ang mga posisyong
papel sa akademya, sa pulitika, sa
batas at iba pang dominyo.
Piling Larang sa wikang Filipino
Mga Pangunahing Katangian ng Mahusay
na Posisyong Papel:
1)May malinaw na Paninindigan
●Ang pangunahing posisyon o
pananaw ay madaling makita
at nauunawaan.
2)May matalinong Pangangatwiran
●Nakabase sa mga datos at
malalim na pagsusuri.
3)Balanseng Pagtalakay sa Isyu
●Inilalahad ang parehong
panig ng isyu bago
suportahan ang sariling
posisyon.
4)Mapanghikayat ang estilo ng
pagsulat
●Gumagamit ng mga salitang
nakahihikayat at
nakapupukaw ng damdamin
ng mambabasa.
Terminong Akademik na may Kaugnayan sa
Posisyong Papel:
1.ARGUMENTO
●Opinyon o pananaw na may
batayan.
2.EBIDENSIYA
●Mga datos o impormasyon
na sumusuporta sa
argumento.
3.KONTRA-ARGUMENTO
●Mga posisyon o pananaw na
tumututol o sumasalungat sa
sariling argumento.
4.PANININDIGAN
●Ang posisyon ng may-akda
hinggil sa isyu.
5.REKOMENDASYON
●Mga suhestiyon o mungkahi
batay sa ginawang
pagsusuri.
Katitikan ng Pulong
➢ito ay isang opisyal na dokumento
na naglalaman ng mga tala o rekord
ng mga napag-usapan,
napagkasunduan, at mga desisyong
ginawa sa isang pulong. Kadalasan,
ito ay sinusulat ng sekretarya o ng
taong naatasang magtala ng mga
detalye ng pulong.
●PULONG - ay isang pagtitipon ng
dalawa o higit pang tao na may
layuning pag-usapan ang mga
partikular na paksa, magbahagi ng
mga ideya, magpalitan ng opinyon,
at gumawa ng mga desisyon hinggil
sa mga usaping mahalaga sa
kanilang grupo, organisasyon, o
komunidad.
●AGENDA - ay isang listahan o
talaan ng mga paksang tatalakayin o
mga gawain na kailangan gawin sa
isang pagpupulong. Kadalasan, ang
agenda ay inihahanda bago ang
pagpupulong at ipinapadala sa mga
kalahok para magkaroon sila ng
ideya sa mga usaping pag-uusapan.
Ito ay nagsisilbing gabay upang
masiguro na magiging maayos,
organisado, at epektibo ang daloy
ng pulong.
●PROSESO:
1.Paghahanda bago ang
pulong
●Paglikha ng Agenda
●Pagpapaalam sa mga
Kalahok
2.Pagsisimula ng Pulong
●Pagbubukas ng
PulongPiling Larang sa wikang Filipino
●Pagsusuri ng
Katitikan ng
Nakaraang Pulong
3.Pagtalakay ng mga Paksa sa
Agenda
4.Paggawa ng desisyon
●Pagboto o Konsensus
●Pagbibigay ng
Responsibilidad
5.Pagtatapos ng Pulong
●Pagbibigay ng Buod
●Pagtatakda ng
Susunod na Pulong
Mahahalagang impormasyong kailangang
isama sa isang katitikan ng pulong:
1.Petsa ng Pulong
2.Oras ng Pulong
3.Lugar ng Pulong
4.Mga Dumalo at mga Hindi Dumalo
5.Agenda ng Pulong
6.Mga Talakayan o Napag-usapan sa
Bawat Paksa
7.Mga Desisyon o Napagkasunduan
8.Mga Action Item at Responsibilidad
9.Mga Karagdagang Usapin o Ibang
Paksa
10. Petsa ng Susunod na Pulong
11. Pangalan ng Tagapagtala o Kalihim
Talumpati
➢ay isang sining ng pagsasalita sa
harap ng madla upang magpahayag
ng saloobin, magbigay ng
impormasyon,
magbigay-inspirasyon, o
manghikayat.
➢Karaniwang isinusulat ang
talumpati nang may layunin at tiyak
na mensahe, kaya’t masusing pinipili
ang mga salita at paraan ng
pagpapahayag nito upang makuha
ang damdamin at atensyon ng
tagapakinig.
Elemento/Struktura
★Panimula - Ito ang bahagi ng
talumpati na naglalaman ng
pambungad na mga salita. Dito
inilalahad ang paksa at layunin ng
talumpati. Mahalaga ang pagkuha
agad ng interes ng mga tagapakinig
sa simula pa lamang.
★Katawan - ang pangunahing bahagi
ng talumpati na naglalaman ng
pinakapunto o laman ng diskusyon.
Dito makikita ang mga argumento,
impormasyon, at mga detalye na
susuporta sa pangunahing mensahe
ng tagapagsalita. Maaaring may
mga halimbawa, istatistika, o
kuwento upang palakasin ang mga
ideya.
★Wakas - Ito ang huling bahagi ng
talumpati kung saan ibinubuod ang
mga mahahalagang punto at
inilalahad ang pangwakas na
mensahe. Mahalaga itong mag-iwan
ng marka o inspirasyon sa mga
nakikinig.
Nilalaman ng Talumpati :
➔Pahayag ng Layunin
●Dapat malinaw ang layunin
ng talumpati, kung ito ba ay
upang magbigay ng
kaalaman, manghikayat,
magbigay-inspirasyon, o
magbigay ng babala.
➔Mga Pangunahing Puntos o
Mensahe
●Binubuo ito ng mga ideya o
mensahe na nais iparating.
Mahalagang may organisasyon at malinaw ang
pagkakasunod-sunod upang
madaling maunawaan ng
tagapakinig.
➔ Suportang Datos o Halimbawa
● Ang mga datos, halimbawa,
at personal na karanasan ay
makatutulong sa
pagpapalalim ng
pagkaunawa ng mga
tagapakinig at pagpapalakas
ng mga argumento.
➔ Pangwakas na Mensahe
● Isang matinding pahayag o pabaon na magpapaiwan ng impresyon o magbibigay-inspirasyon sa mga nakikinig.
Mga Estilo ng Talumpati
I. Impormatibo
II. Mapanghikayat
III. Okasyonal
IV. Inspirasyonal o Motivational
V. Pagkakataon o Panlibang