APP 003

ANO ANG DEPENISYON, GAMIT, AT PROSESO NG TEKNIKAL BOKASYONAL

Ang sulating Teknikal-Bokasyunal ay mga akdang isinusulat kaugnay ng trabaho o gawain sa isang partikular na larangan na nagmumula sa karanasang personal, natamong edukasyon teknikal at mga pagsasanay.


GAMIT NG TEK-BOK

  1. Upang magbigay ng kailangang impormasyon

  2. Upang magbigay ng instruksyon

  3. Upang magpaliwanag ng teknik

  4. Upang mag-ulat ng natamo

  5. Upang makabuo ng produkto


PROSESO NG PAGSULAT NG TEK-BOK

  1. PAG ASINTA (TRIGGERING)

  • paglalagay sa sarili ng paksa

    1. PAGTITIPON (GATHERING)

  • pangangalap ng sapat na materyales at ebidensyang magpapatunay.

  1. PAGHUGIS (SHAPING)

  • magsulat ng burador na maaari nating gawing batayan sa pangangalap ng mga datos.

  1. PAG REBISA (REVISING)

  • ang mga sulatin ay dumaan ng mga pagbabago at muling pagsulat hanggang sa maabot nito ang pinakawasto at tumpak na pamamaraan..



PARAAN/HULWARANG PAGSULAT NG TEK-BOK

PORMAL/IMPORMAL

  1. PORMAL

    • Ay galing o bunga ng leksyon ng pinag-aralan at tinalakay ng klase, forum o seminar.

    • Maaring magkaroon o magsagawa ng pagsasanay sa pagbuo ng kathang pasalita.

  2. IMPORMAL

    • Pagkatapos ay iwawasto upang pasulatin ang mga mag-aaral ng isang kathang di-pormal.

PAGBIBIGAY-KAHULUGAN

  • Ito ay paraang eksposisyon na tumatalakay o nagbibigay- kahulugan sa isang salita.

  • Ito ay paglilinaw sa kahulugan ng isang salita upang tiyak na maunawaan.'

  • Ipaliwanag ito sa pamamagitan ng depinisyon.

PAGHAHALIMBAWA

  • Isang uri na sulatin na binibigyang halimbawa ang mga konsepto upang lubos na palawak ang kaalaman at maunawaan ng mga mambabasa ang teksto.

PAGKILALA SA PINAGMULANG SANHI AT BUNGA

  1. Sanhi

    • isang ideya o pangyayaring humahatong sa isang bunga.

  2. Bunga

    • Ang dahilan o sanhi ay nagdudulot ng higit sa isang bunga o kinalabasan.


PAGLILISTA

  • ay tumutukoy sa talaan o listahan ng mga ideya, katotohanan o detalye tungkol sa pangunahing ideya. Madalas na nakaayos ito nang ayon sa tamang pagkakasunod-sunod.

PAGKILALA SA LAYUNIN, GAMIT AT KATANGIAN; GABAY SA PAGSULAT NG MANWAL

ANO ANG MANWAL?

  • sunod sunod na hakbang o instruksyon

  • pagsusuri na mga proseso'


LAYUNIN NG MANWAL

  • mapaliwanag at maglahad ng impormasyon hinggil sa isang paksa.


GAMIT NG MANWAL

  • nagsisilbing gabay upang magkaroon ng linaw ang isang proseso.


KATANGIAN NG MANWAL

  • nakaayos ng pagkalangkas ang nilalaman at nagtataglay ng mga larawan o tsart.



MGA BAHAGI NG MANWAL

PAMAGAT

  • nagbibigay ng pangunahing ideya sa kung ano ang nilalaman ng manwal


TALAAN NG NILALAMAN

  • nakasaad dito ang pagkakahati-hati ng mga paksa sa loob ng manwal at ang pahina kung saan ito tinatalakay.


PAMBUNGAD

  • naglalaman ng paunang salita tungkol sa manwal gayundin ng mensahe o pagpapaliwanag tungkol sa nilalaman nito mula sa may-akda o sa isang taong may kaugnayan sa kompanyang nagmamay-ari ng manwal.


NILALAMAN

  • tumatalakay sa katawan ng manwal, sa mismong pagpapaliwanag ng mga gabay, pamamaraan at/o alituntunin.


APENDIKS

  • matatagpuan dito ang mga kalakip na impormasyon hinggil sa manwal katulad ng mga impormasyon sa pagkontak, mga tala, at iba pa.


URI NG MANWAL

  • 1. Instructional manual or user guide manual or owner's manual
    •Manwal ng Produkto
    •Manwal ng paggamit
    •Manwal ng Instalasyon
    •Manwal ng Operasyon


  • 2. Employee's Manual
    Nagsisilbi itong gabay ng mga empleyado ng sa gayon ay magkaroon sila ng mga kaalaman hinggil sa mga dapat gawin sa loob ng kompanyang pinapasukan.


GABAY SA PAGSULAT NG MANWAL

  1. Tukuyin ang layunin ng manwal (sino, ano, kailan, saan, bakit, paano

  2. Kolektahin ang impormasyon mula sa eksperto

  3. Uriin at ayusin ang impormasyon

  4. Magpasya ng disenyo sa manwal

  5. Ipakita sainyong editor at baguhin kung kinakailangan

  6. Ilathala ang manwal.

.


PAGTALAKAY SA MGA GABAY SA PAGSULAT NG LIHAM-PANGNEGOSYO

LIHAM PANGNEGOSYO

  • Uri ng liham na ginagamit sa mga taggapan o bahay-kalakal. Ito ay higit na pormal, tiyak at di maligoy ang pananalita. Hindi katulad ng liham pangkaibigan.

  • Karaniwang ito ay liham mula sa isang kompanya o sa pagitan ng mga organisasyon at kanilang kostumer, kliyente at iba pang panlabas na partido.


LAYUNIN/GAMIT NG LIHAM PANGNEGOSYO

  • Layunin nito ay magsilbing tulay ng pakikipagtalastasan at ginagamit para korespondensya at kalakalan.


KATANGIAN

  • Maikli, simple at madaling maunawaan.


MGA BAHAGI NG LIHAM PANGNEGOSYO

  1. Ulong-sulat

  2. Pamuhatan

  3. Patungahan

  4. Bating pambungad

  5. Katawan ng Liham

  6. Bating pangwakas

  7. Lagda

Ulong-sulat

  • matatagpuan dito ang pangalan, lokasyon at impormasyon sa pagkontak ng pinadalhang kompanya, kalimitang may logo ng nasabing institusyon o kompanya.


    HALIMBAWA NG ULONG SULAT

HALIMBAWA NG ULONG SULAT


Pamuhatan

  • “buhat“ - pinagmulan. Nagtataglay ng address ng nagpadala ng liham, numero ng telepono, email, fax, atbp. Laging lagyan ng petsa.


HALIMBAWA NG PAMUHATAN

Patunguhan

  • “tungo“ ang patutunguhan, adres, titulo, at pangalan ng padadalhan ng liham.

HALIMBAWA NG PATUNGUHAN

Bating Pambungad

  • maiksing pagbati sa patutunguhan ng liham.


HALIMBAWA NG BATING PAMBUNGAD

Katawan ng Liham

  • Nagtataglay ng mismong nilalaman ng liham


Bating Pangwakas

  • Maiksing pagbati bago wakasan ang liham.


DAPAT TANDAAN:

  • dapat tandaan ang pagsulat ng liham malinaw (simple), wasto (gamit ng salita) at maikli (hindi maligoy).

  • Buo ang kaisipan (walang kulang na impormasyon)

  • Magalang (mga salitang nagpapahayag ng paggalang)

  • Kombersyonal (pagiging natural)

FLYERS/LEAFLETS

  • Ginagamit bilang handout

  • paraan ng patalastas

  • naglalaman tungkol sa produkto

  • inililimbag sa isang pahina

  • pagbatid sa mga okasyon

LAYUNIN - magbigay ng impormasyon at manghikayat

GAMIT - ipinamudmod upang makatawag ng pansin ng mamimili

KATANGIAN - isang pahina, tiyak ang mga impormasyon, may larawan at makulay

GABAY SA PAGSULAT NG FLYERS/LEAFLETS -

  • kaakit-akit at madaling basahin

  • nagtataglay ng kontak

  • nagtataglay ng larawan

  • naglalaman ng mga katanungan at kasagutan hinggil sa produkto

  • gumagamit ng mapaglarong salita o tagline

PROMO MATERIALS

  • ginagamit para ipamudmod sa mga mamili ang produkto

    1. BROCHURE - nasa isang pahian, kalimitang nakatupi, nagtataglay ng detalyadong paglalarawan sa iang produkto

    2. POSTER - mas malaki ang sukat, kaunti ang mga salita, nagtataglay ng visual na paglalarawan.

LAYUNIN - maghikayat ng mamimili

GAMIT - ipakilala ang produkto

KATANGIAN - hindi maligoy at nagtataglay ng larawan

DAPAT TANDAAN!

  • may katanungan at tiyak na kasagutan

  • madaling basahin at unawain

  • binubuo ng pangalan ng produkto

  • pormal

  • makatawag pansin ang mga nakasulat nito

  • malinaw at madaling basahin

  • mahalaga ang anyo ng promotional materials

DESKRIPSYON NG PRODUKTO - maikling sulatin na paglalarawan tungkol sa produkto

GABAY SA PAGSULAT

  • maikli and deskripsyon

  • magtoun ng pansin sa ideyal na mimili

  • mang-akit sa pamamagitan ng benepisyo

  • iwasan ang gasgas na pahayag

  • paggamit ng superlatibo

  • pukawin ang imahinasyon ng mambabasa

  • magkuwento tungkol sa pinagmulan ng produkto

  • gumamit ng salitang umaapela

  • guamit ng mga testimonya

  • gumamit ng pormat na madaling i scan

  • gumamit ng kaakit-akit na larawan

NARATIBONG ULAT - uri ng sulating na nag-uulat sa isang pangyayari

LAYUNIN - mag-ugnay ng mga pangyayari

GAMIT - makapagbigay ng kaalaman sa mga ais mabalikan

KATANGIAN - integratibo, maikli, hindi nakakatawa, at nagpapakita ng koneksyon

ELEMENTO NG NARATIBONG ULAT:

  1. KRONOLOHIKAL NA PAGKAKAAYOS

  2. WALAN KINIKILINGAN

  3. BUO ANG MAHAHALAGANG ELEMENTO, KONEKSTO, MGA KASALING TAO, AT RESOLUSYON (kung mayroon man)

BABALA - ito ay nagbabanta

PAUNAWA - ito ay nagpapaalala

ANUNSYO - ito ay nagbibigay ng kagyat (URGENT) na impormasyon

(NAGSASAAD ANG TATLO NG MAHALAGANG IMPORMASYON SA TAO!