Ano ang Pagkonsumo?
Pagbili at paggamit sa mga kalakal at serbisyo.
Ang isang produkto at serbisyo ay ginagamit dahil ito ay may pakinabang.
May pakinabang ang kalakal o serbisyo kung ito ay nakatutugon sa ating mga pangangailangan at kagustuhan.
Kapag natutugunan ng tao ang kanyang pangangailangan at kagustuhan, siya ay nakakaranas ng kasiyahan (satisfaction)
Mga Salik na nakaiimpluwensya sa pagkonsumo
Kita
Ang kita ay tumutukoy sa salaping tinatanggap ng tao katumbas ng ginawang produkto at serbisyo. ang pagkonsumo ng tao ay naayon sa kita ng kanyang tinatanggap.
Okasyon
Ang pagbibigay ng regalo ay likas sa maraming tao. Ito ay ginagawa ng tao kapag may okasyon na magaganap tulad ng kaarawan, araw ng pagtatapos, araw ng mga ina, araw ng ama, araw ng mga puso at marami pang iba.
Presyo
Ito ang salik na maglilimita o makakdaragdag sa pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo.
Ang pag-alam sa presyo o halaga na katumbas ng produkto at serbisyo ay mahalaga upang mabatid kung kaya ng isang tao na bilhin ang isang produkto.
Panahon
Ang pagkonsumo ay naiimpluwensyahan ng panahon dahil nagbabago o nag iiba ang kinukonsumong produkto sa bawat kalagayan ng panahon.
Pagpapahalaga ng Tao
Ang tao na nagpapahalaga sa pagtitipid ay nagtitimbang-timbang muna ng mga bagay bago ito bilhin. Higit na prayoridad ang pagbili sa mga pangunahing pangangailangan kaysa sa luho.
Mga Salik na nakaiimpluwensya sa pagkonsumo
Panggagaya (Imitation)
Sinasabing ang mga pilipino ay great imitators. Mahilig tayong bumili ng mga produkto na nakikita natin sa iba. Nadaragdagan ang ating kinukunsumong produikto at serbisyo dahil sa salik na ito
Anunsyo
Ito ang pamamaraan upang hikayatin ang mga konsyumer na tangkilikin ang isang produkto.
Uri ng Anunsyo
Brand
Ang tatak ng isang produktong kilala na o matagal nang pinagkakatiwalaan ng mga mamimili ay ginagamit sa pag-aanunsyo dahil madali itong makaakit ng atensyon.
Testimonials
Binabayaran ang kilalang tao tulad ng mga artista, pulitiko, at sikat na manlalaro upang magendorso ng isang produkto.
Ginagamit ang kanilang reputasyon upang mahikayat ang mga taong tangkilikin ang produkto.
Scary
Ipinapakita rito ang mga negatibong bagay na maaring mangyari kung hindi tatangkilikin ang produktong ipinakikita sa anunsyo.
Layunin ng anunsyong ito na maghasik ng takot sa mga mamimili upang makahikayat silang bilhin ang produkto.
Bandwagon
Ipinakikita sa anunsyong ito na marami nang taong gumagamit at nagtitiwala sa produkto upang makahikayat ang iba na tangkilikin na rin ang produkto.
Mga kulturang Pilipino na nakakaimpluwensya sa pagkonsumo
1. Kaisipang Kolonyal
Maraming Pilipino ang lubos na nasisiyahan kapag nakabili o nakagamit man lamang ng dayuhang produkto.
Tinatangkilik ng mga Pilipino ang mga produktong banyaga hindi dahil sa kalidad nito kundi dahil magbibigay ito sa kanila ng mataas na pagtingin ng ibang tao o status symbol.
2. Rehiyonalismo
Mas tinatangkilik ang mga produkto na buhat sa sariling rehiyon o lalawigan.
Ito ang dahilan kung bakit mas mabili ang otap kapag Cebuano ang mga bumibili, ensaymadang Malolos kapag Bulakeno, at Pampanga’s Best para sa mga kapampangan.
3. Kultura o Tradisyon
May malaking epekto ang mga tradisyon at paniniwala ng mga pilipino sa kanilang pagkonsumo.
Hal. Kaugalian ng mga Pilipino na maglagay ng prutas sa hapag-kainan sa pagsalubong sa bagong taon kaya naman marami ang mga prutas na makikita at binibili sa mga pamilihan sa okasyong ito.
4. Pakikisama
Ang pakikisama sa kaibigan o kamag-anak ay isang dahilan kung bakit bumibili ng produkto at serbisyo. Ang pagkakaroon ng kaibigan kung bakit madalas na tinatangkilik natin ang kanyang mga produkto.
5. Pagtanaw ng Utang na loob
Ang pagtanaw ng utang na loob ang dahilan ng pagbili ng mga produkto at serbisyo kahit hindi ito kailangan. Kung ang nagbebenta ng isang produkto ay ang taong pinagkakautangan ng loob, tayo ay bumibili.
Uri ng Pagkonsumo
Tuwiran
kung agad na nararamdaman ang epekto ng paggamit ng kalakal o serbisyo. HAL. BURGER (food)
Produktibo
kung ang isang kalakal o serbisyo ay nakakalikha ng panibagong produkto na nagbibigay ng higit na kasiyahan. HAL. INGREDIENTS
Maaksaya
kung ang produkto o serbisyo ay hindi nagdudulot ng kasiyahan o kapakinabangan. HAL. SPILL MILK
Mapaminsala
kung ang produkto o serbisyo ay nakasasama sa mamimili o sa lipunan. HAL. SIGARILYO
MGA BATAS SA PAGKONSUMO
1. Law of Variety
Isinasaad ng batas na ito na higit ang kasiyahan ng tao sa pagkonsumo ng iba’t ibang klase ng produkto kaysa sa paggamit ng iisang uri ng produkto
2. Law of Imitation
- nagsisiyahan ang mga tao kapag nagagaya nila ang ibang tao. Ginagaya nila ang pananamit, pagkain, lifestyle, ayos ng buhok, at iba pa ng kanilang idolo o kaibigan.
3. Law of Harmony
- Ayon sa batas na ito, ang tao ay kumokonsumo ng magkakomplementaryong produkto upang higit na magtamo ng kasiyahan.
Law of Economic Order
- Mas higit ang kasiyahan ng tao kapag nabibigyan ng halaga ang mga pangunahing pangangailangan kaysa sa mga luho. Bumibili ng mga bagay na higit na kailangan sa buhay.
Law of Diminishing Marginal Utility
Pagkonsumo batay sa Marginal Utility
- Ang kasiyahang nakukuha ng tao mula sa isang kalakal o serbisyo ay tinatawag na utility. Ito ay nasusukat sa pamamagitan ng marginal utility.
- Ayon sa Law of Diminishing Marginal Utility, ang pakinabang o kasiyahang nakukuha mula sa isang kalakal o paglilingkod ay bumababa sa patuloy na pagkonsumo.
- Positive Marginal Utility > occurs when the consumption of an additional items increases the total utility.
- Negative Marginal Utility > occurs when the consumption of one more unit decreases the overall utility.
KLASIPIKASYON NG STANDARD OF LIVING
Poverty Standard
Ang mga tao na kabilang sa poverty standard ay umaasa sa mga tulong, donasyon, at limos mula sa iba’t ibang institusyon upang matugunan ang kanilang pangangailangan sa araw-araw.
Bare Living
Ang kinikita ng mga tao na kabilang sa pamantayang ito ay sapat lamang upang matugunan ang kanilang pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, damit, at tirahan.
Decency Standard
Ang tinatanggap na kita ng mga tao sa grupong ito ay mas mataas na magagamit nila sa pagpili ng mga uri ng produkto na makatutugon sa kanilang pangangailangan at maging sa kagustuhan.
Comfort Standard
Labis ang kanilang kitang tinaggap para matugunan ang kanilang pangangailangan at kagustuhan. Kaya, may kakayahan sila na makapag-impok ng malaking bahagi ng kanilang kita.
Luxury Standard
“ rich and famous”
- Walang limitasyon ang dami ng produkto na maari nilang bilhin bilang upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan at mga luho. Hindi hadlang ang presyo upang limitahan ang kanilang pagkonsumo
MGA ANYO NG PAGKONSUMO
Induced Consumption
Ayon kay John Maynard Keynes sa kanyang Theory on Consumption Function, ang pagkonsumo ng tao ay nakabatay sa antas ng kanyang kasalukuyang kita na tinatanggap.
Ano ang kita?
Ang kita o income ay kabayarang tinatanggap kapalit ng nagawang produkto o serbisyo
Purchasing Power
kapag malaki ang kita ng isang indibidwal, mataas ang kanyang kakayahang bumili (purchasing power) at mataas ang kalidad ng mga produkto o serbisyo na maaari niyang bilhin at gamitin. Hindi lamang pangangailangan ang kanyang matutugunan kundi ang marami rin sa kanyang hilig o luho
Life Cycle Theory of Consumption
Pinalawig ang nosyon na ito ng mga ekonomistang sina Franco Modigliani at Milton Friedman sa kanilang teorya na hindi lamang ang kasalukuyang kita ang maaaring magtakda ng pagkonsumo kundi pati na rin ang mga inaasahang kita ng tao na matatanggap sa hinaharap. Ito ang tinatawag na LIFE CYCLE THEORY OF CONSUMPTION
Engel's Law of Consumption
ayon naman sa Engel’s law of consumption na binuo ni Ernst Engel, isang ekonomista mula sa alemanya, habang tumataas ang kita ng isang tao, bumababa naman ang bahagdan na ginugugol niya para sa kanyang pangangailangan at tumataas ang bahagdan na ginugugol niya para sa kanyang luho. Maipalalagay na ang mamimili ay may kakayahang bumili ng kanyang gusto kapag tumataas ang kanyang kita sa dahilang hindi nya ito nagagawa noong mas maliit pa ang kanyang tinatanggap na kita.
Purchasing Power of Peso
a measure of the real value the peso in a given period relative to a chosen reference period.
2. Autonomous Consumption
Ang pagkonsumo ay hindi nakaayon sa kita
Ang kita ng tao ay nasa antas na zero
Ang pagkonsumo ng tao ay nakabatay sa mga sumusunod:
Hal. Magsanla, loan, advance pay, mangutang, downsizing, gamitin ang naimpok, manghingi o limos, regalo o tulong.
3. Conspicuous Consumption
Theory of the Leisure Class – Veblen
Ang motibo ng pagkonsumo ay makapagyabang at ang hindi makatugon sa pangangailangan na naging dahilan ng maaksayang pagkonsumo.
Veblen goods?
a good for which demand increases as the price increases. Veblen goods are typically high-quality goods that are well made, exclusive, and a status symbol. Veblen goods are generally sought after by affluent consumers who place a premium on the utility of the good.
4.Artificial Consumption
Ang mga konsyumer ay naiimpluwensiyahan ng pag – aanunsiyo.
Hal. Bandwagon effect, testimonial,
brand, free taste, free sample, slogan,
pressure
Sino ang mamimili?
Tumutukoy sa mga taong bumibili at gumagamit ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang pangangailangan at magkaroon ng kasiyahan.
Tinatawag din sila bilang konsyumer
Matalino ka bang mamimili?
Nagsasauli ng produkto kung ito ay
depektibo.
• Nagdadala ng listahan kung mamimili.
• Binabasa ang labelng produkto bago ito
bilhin.
• Pinaghahambing ang presyo ng mga kalakal
bago mamili.
• Tumitingin o naghahanap ng mga bagong
produkto sa diyaryo, TV, internet at sa iba
pang bababasahin.
• Bumibili ng produkto na renekomenda ng
kaibigan.
Mga Katangian ng MATALINONG mamimili
Mapanuri
Naghahanap ng mga Alternatibo
Hindi Nagpapadaya
Makatwiran
Sumusunod sa Badyet
Hindi nagpapadala sa papadala sa
Anunsiyo
Mapanuri
Masusing namimili sa mga pagpipilian.
Tinitignan ng mabuti ang mga sangkap, presyo at kalidad.
Naghahanap ng mga Alternatibo
Marunong humanap ng kapalit na produkto na makatutugon din sa pangangailangan.
Hindi Nagpapadaya
Alerto at laging handang itama ang mga pagkakamali ng nagtitinda.
Makatwiran
Pagsasaalang-alang ang presyo at kalidad ng isang bagay. Isinasaisip din ang kasiyahan na matatamo sa pagbili ng produkto.
Hindi nagbibigay ng presyo nang wala sa katwiran.
Sumusunod sa badyet
Hindi nagpapadala sa popolaridad ng produkto.
Tinitimbang kung kinakailangan niya ito o hindi.
Hindi nagpapadala sa anunsiyo
Ang kalidad dapat ang tinitingnan hindi ang kagandahan ng pagaanunsyo.
Hindi nagpapanic-buying.
Hindi nagpa-panic buying
Ang matalinong mamimili ay hindi nababagabag sa artipisyal na kakulangan ng produkto sa pamilihan
Alam niya na ang ganitong kalagayan ay pansamantala lamang na umiiral
Mga Tungkulin ng mamimili
Pagiging mulat, mapagmasid, at alerto
Pagkilos at pagbabantay
Pagkakaisa
Pagtangkilik sa sariling produkto
Pangangalaga sa kapaligiran
MGA KARAPATAN NG MAMIMILI
Karapatan sa pagpili - The customer is always right
Karapatan sa tamang impormasyon - dapat hindi nakakalinlang
Karapatan na magkaroon ng pangunahing pangangailangan - kinakailangan na may sapat na suplay ito
Karapatan na magtamo ng kaligtasan - kailangang ligtas ang mga mamimili
Karapatan sa Maayos at Malinis na Kapaligiran - Responsibilidad ng mga may-ari ng mga tindahan, kantina pagawaan at iba pa na laging maayos, malinis, at kaaya-aya ang kapaligiran para sa kaligtasan ng konsyumer.
Karapatang magkaroon ng Edukasyon - Ang mga konsyumer ay bigyan ng pagkakataon na dumalo sa mga seminar, pagpupulong at pagsasanay para maging matalinong konsyumer
Karapatan magtatag ng Organisasyon - Ang pagkakaroon at pagtatatag ng samahan ng mga konsyumer ay mahalaga upang may mangalaga at magbigay ng proteksiyon sa mga
konsyumer kung sila ay magiging biktima ng pang-aabuso at pagsasamantala ng
mga negosyante
Mga Batas na Nagbibigay Proteksyon sa Mamimili
Consumer Act of the Philippines ( Batas Republika Blg. 7394)
- mga karapatan at kaligtasan ng mamimili.
Revised Penal Code ( Artikulo 187)
- pagbabawal sa pangagaya ng tatak, at itsura ng isang produkto.
Civil Code of the Philippines ( Artikulo 2187)
- pananagutan ng prodyuser na panatilihin ang kaligtasan ng mamimili.
Batas sa Price Tag ( Batas Republika Blg. 71)
- dapat maglagay ng price tag sa mga bilihin.
Batas sa Pag-aanunsiyo ( Batas Republika Blg. 3740 )
- Mabigyang proteksiyon ang mga mamimili laban sa huwad na promosyon ng
produkto upang ito ay maibenta at mapaglinlang na pag-anunsiyo
Batas na nagtatag ng National Grains Authority ( Batas Republika Blg.
3452)
- Ang NGA ay itinatag ng pamahalaan upang mamahala sa pagbili ng mga magsasaka at ipagbili ito sa mga konsyumer sa murang presyo. Ang gawaing ito ay ginagampanan ng NFA sa kasalukuyan.
Generics Act of 1988 ( Batas Blg. 6657)
- Ang batas na ito ay nagtataguyod, nanghihikayat, at nag-uutos sa paggamit ng generic name sa pag-aangkat, pagmamanupaktura, pamamahagi, pag- aanunsiyo, at pagrereserba ng mga gamot.
Batas sa Pagbebenta ( Artikulo 1546)
- Ang batas na ito ay nagbibigay ng garantiya sa mga mamimili na walang nakatagong pinsala at depekto ang mga ibinebentang produkto
Atas ng Pangulo Bilang 187
– Metric System ang gagamiting Sistema ng panukat ng anumang produkto o kalakal sa Pilipinas
Republic Act 623
- Ipinagbabawal kung walang nakasulat na pahintulot ng gumawa ang paggamit sa iba pang layunin bukod sa nakarehistro ang pinaglagyan ng produkto tulad ng bote, dram, bariles, gallon o tangke ng isang kalakal.
Artikulo 188 – 189
- Parurusahan ang sinumang gumamit ng maling karat ng ginto, pilak o anumang mahahalagang metal.
Batas Republika 1556 –
Pagpaparehistro ng mga nagtitinda ng baboy, baka, manok, at isda.
Batas Republika 4729
– Ipinagbabawal ang pagbebenta ng regulated na gamut nang walang reseta mula sa doktor.
Batas Republika 5921
– may pananagutan ang mga nagtitinda ng gamut at lason na sira ang
lalagyan.
Mga AHENSYA at PRIBADONG SEKTOR na Makakatulong sa mga mamimili
Department of Trade and Industry
Tumatanggap ng mga reklamo sa anumang uri ng panlilinlang, pang-aabuso, at katiwalian na ginawa ng mga negosyante.
2. Department of Education
Ang ahensiya na nakapokus sa pagbibigay ng tamang impormasyon at edukasyon sa mga mamimili upang malaman ang kanilang karapatan at responsibilidad.
3. Department of Energy
Ang depektibong gas tank at LPG, sobrang taas na presyo ng LPG, at ibang pang-aabuso ng mga gas dealers ay dapat isuplong sa nasabing ahensiya upang maimbestigahan at maaksiyunan.
5. Department of Health
Sa tulong ng Bureau of Food and Drugs (BFAD), ang ahensiya ang tumatanggap ng mga reklamo tungkol sa expired na gamot at pagkain, pekeng kosmetiko, at maling etiketa ng pagkain.
6. Lokal na Munisipyo
Tumatanggap ng mga reklamo ng mga mamimili ukol sa madayang timbangan, pagbebenta ng double dead na karne, at panloloko ng mga nagtitinda. Binubuo rin ito ng mga grupo na nagmo-monitor ng presyo ng mga produkto at serbisyo.
Department of Agriculture
Pagrereklamo sa mga nagtitinda ng mga gulay at prutas na kontaminado ng mga nakalalasong kemikal.