Pag-aaral ng Kasaysayang at Lipunang Pilipino Study Notes
Deskripsyon ng Kurso at Inaasahang Bunga
Subject Description: Ang kursong ito ay nakatuon sa pagsusuri ng mga isyu at usaping panlipunan at pangkasaysayan. Ginagamit nito ang mga sumusunod na dulog:
Tematiko
Multikultural
Interdisiplinaryo
Layunin ng Kurso:
Mapalalim at mapagyaman ang kamalayang pangkasaysayan, Pilipino, at panlikás-kayang pag-unlad.
Mapaigting at maitaguyod ang kahusayang sibiko.
Mabuo ang pagiging isang mapanagutang mamamayan ng Pilipinas at ng daigdig.
Culminating Activity (Pangwakas na Gawain): Ang mga mag-aaral ay inaasahang makabuo ng isang adbokasiya na tumatalakay sa mga kontemporaryong isyung kinakaharap ng lipunang Pilipino.
Kahalagahan ng Gawain: Nagbibigay ito ng mas malalim na pag-unawa sa mga suliraning panlipunan.
Pag-unlad ng Mag-aaral: Nahuhubog nito ang kamalayan at responsibilidad (pananagutan) bilang aktibong kasapi ng lipunan at nililinang ang kahusayang pansibiko para sa araw-araw na pakikilahok.
Balangkas ng Kurso (Course Outline) at Iskedyul
Linggo at : Mga Palatandaan at Katangian ng Kamalayang Pangkasaysayan.
Linggo at : Natatanging Kabuhayan at Kultura sa Ilaya at Ilawod.
Summative Assessment (Exam): Gaganapin sa .
Linggo at : Pag-aangkop sa Kabuhayang Pangkomunidad ng mga Pilipino.
Linggo at : Paniniwala at Pananampalataya.
Summative Assessment (Exam): Gaganapin sa .
Linggo : Pagtatagpo ng Personal at Panlipunang Paniniwala at Pananampalataya.
Linggo : Interseksiyon ng Pananampalataya at Paniniwalang Panlipunan at Pansarili.
End of Term Examination: Gaganapin sa .
Introduksiyon sa Pag-aaral ng Kasaysayan
Kahulugan ng Kasaysayan: Ito ay ang pag-aaral ng magkakasunod na tala ng mga pangyayari na nakaaapekto sa isang bansa o sambayanan. Ito ay batay sa masusing pagsusuri ng mga pinagmumulan ng impormasyon at karaniwang nagpapaliwanag ng mga sanhi ng mga naturang pangyayari.
Historian o Mananalaysay: Mga indibiduwal na nagsusulat tungkol sa kasaysayan at nagnanais na maunawaan ang kasalukuyan sa pamamagitan ng pagsusuri sa nakaraan.
Konseptuwalisasyon (Navarro, ): Ang kasaysayan ay tinitingnan bilang "makabuluhang salaysay" tungkol sa nakaraan. Binibigyang-diin nito ang "saysay" o ang kabuluhan ng mga nakalipas na pangyayari.
Perspektiba ng Pantayong Pananaw (Salazar, ):
Ang kasaysayan ay dapat isalaysay gamit ang wikang nakatutulong sa pagbuo ng "kabuuang-loob."
Itinatampok nito ang konsepto ng "tayo" o ang kolektibong identidad ng sambayanan.
Mga Konseptong Pangkasaysayan
Kabuluhang Pangkasaysayan (Historical Significance): Ang paksa ng pag-aaral ay kailangang may malawakang epekto sa kasalukuyang lipunan.
Mga Uri ng Batayang Sanggunian:
Primaryang Sanggunian: Mga direktang ebidensya o orihinal na dokumento. Halimbawa: sulat, ulat, talambuhay, at panayam.
Secondaryang Sanggunian: Mga akdang nakabatay sa primaryang sanggunian. Halimbawa: aklat-aralin (textbooks) at artikulo sa dyornal.
Tersiyaryang Sanggunian: Mga sangguniang nagbubuod ng impormasyon. Halimbawa: diksyunaryo.
Mga Halimbawa ng Primaryang Sanggunian:
Relikya o Labi: Nagbibigay ng palatandaan tungkol sa nakaraan (hal. labi ng sinaunang pamayanan).
Artepakto: Mga bagay na natitira mula sa gawain ng tao (hal. piraso ng palayok, barya, guho, manuskrito, aklat, larawan, selyo, bahagi ng nasirang bagay, hibla ng buhok, at arkeolohikal/antropolohikal na labi).
Patotoo ng Saksi: Pasalita o pasulat na tala (hal. dokumento ng pagpapalitan ng ari-arian, talumpati, komentaryo).
Pamamaraang Pangkasaysayan (Historical Method): Ang proseso ng masusing pagsusuri at pag-aanalisa sa mga tala at labi ng nakaraan.
Historiograpiya (Historiography): Ang pag-aaral kung paano isinusulat ang kasaysayan.
Pagsusuring Pangkasaysayan (Historical Analysis): Sinusuri ang pagiging totoo ng mga sanggunian gamit ang dalawang uri ng kritisismo:
Panlabas na Kritisismo (External Criticism): Sinusuri ang pisikal na aspeto at kasaysayan ng materyal.
Palaeograpiya: Pagbasa at pagbibigay-petsa sa mga lumang manuskrito.
Diplomatic Criticism: Pagsusuri kung paano nabuo ang dokumento, anong impormasyon ang ipinasa, at ang ugnayan nito sa realidad.
Panloob na Kritisismo (Internal Criticism): Layuning alamin ang historikal na katotohanan ng mismong nilalaman ng dokumento.
Pagbabago at Pagpapatuloy: Ang kasaysayan ay higit pa sa petsa at pangalan; sinusuri nito kung ano ang nagbago at ano ang nananatili.
Sanhi at Epekto: Ang mga pangyayari ay magkakaugnay at hindi dapat pinaghihiwalay ang kanilang dahilan at resulta.
Pananaw Pangkasaysayan: Kakayahang unawain ang asal, paniniwala, at paraan ng pag-isip ng mga tao sa nakaraan.
Etikal na Aspekto: Tinuturuan ang historyador na maging obhektibo at walang pinapanigan.
Kahalagahan ng Kamalayang Pangkasaysayan
Pagkilala sa ating pinagmulan.
Pagpapahalaga sa kalayaan at kasarinlan.
Pagkatuto mula sa nakaraan.
Pagtibayin ang pambansang pagkakaisa.
Pag-unawa sa kasalukuyang kalagayan.
Pagpapatuloy ng kultura at tradisyon.
Unang Yugto ng Kasaysayan at Kalinangang Pilipino
Panahon ng Pleistocene: Pinaniniwalaang ang pagdating ng tao, hayop, at halaman sa Pilipinas ay sa pamamagitan ng pagtawid sa mga tulay-lupa na nagdurugtong sa mga kapuluan.
Dalawang Mahalagang Kalupaan:
Hoabinhian: Sakop ang kasalukuyang Timog Tsina at Hilagang Vietnam.
Matandang Melanesia: Sakop ang kasalukuyang Indo-Malaysia.
Mga Teorya ng Migrasyon:
Nusantao Maritime Trading Network (Wilhelm Solheim II): Ang mga Austronesian o Nusantao ay nagmula sa Matandang Melanesia (timog ng Pilipinas, silangan ng Indonesia patungong Taiwan, Micronesia, at Polynesia).
Out of Taiwan Theory (Jocano, ): Ang paglaganap ng tao ay nagsimula sa Hoabinhian, dumaan sa Taiwan bago tumuloy sa Pilipinas, Pasipiko, Indo-Malaysia, at Madagascar.
Sinaunang Tao sa Pilipinas:
Unang nanirahan ang mga mula sa Malay Archipelago noong mababa pa ang antas ng dagat.
Australo-Melanesian: Ang mga sinaunang aborihinal na nanirahan sa bansa; katangian ang pagiging mababa, maitim ang balat, at kulot ang buhok (ninuno ng Negrito o Aeta).
Nusantao: Mga taong pandagat na bumuo ng maagang wikang Austronesian para sa kalakalan sa hilagang Luzon, timog Taiwan, at timog Tsina.
Mga Yugto ng Prehistorikong Panahon (F. Landa Jocano, )
Formative Phase ():
Paggamit ng bato bilang kasangkapan.
Laganap ang paggawa ng palayok (halimbawa: Bangang Manunggul).
Incipient Phase ():
Simula ng pakikipag-ugnayan sa ibang mga pamayanan.
Malawakang paggamit ng metal at mga palamuti na gawa sa jade.
Paggawa ng komplikadong anthropomorphic na disenyo (halimbawa: Bangang Maitum).
Pag-unlad ng teknolohiya sa pagsasaka tulad ng hagdan-hagdang palayan.
Emergent o Baranganic Phase ():
Transisyon mula sa pagiging nomadiko patungo sa masunlad na pamayanan.
Pagtatatag ng mga estadong bayan at sistema ng komersyo gamit ang Bal(r)angay.
Pagkakaroon ng sistema ng pamahalaan, organisasyon, at pagsusulat.
Sistemang Balangay at Sibilisasyong Katutubo
Kahalagahan ng Balangay: Pinatutunayan ng mga dokumento tulad ng "Pagtuklas ng Molucco at Philippine Island" ni Bartolome Leonardo de Argensola ang papel nito bilang simbolo ng sistemang politikal, kaayusang panlipunan, at pananampalataya.
Barangay: Mula sa salitang Bal(r)angay; isang sinaunang uri ng pamahalaan na binubuo ng magkakamag-anak (family unit) at pinamumunuan ng isang Datu.
Simbolismo sa Bahagi ng Bangka (Relasyong Panlipunan):
Burulan: Dito matatagpuan ang mga maharlika at mandirigma.
Duluhan: Nakasakay ang datu kasama ang kaniyang pamilya.
Unang Hanay ng Darambas: Para sa mga timawa o pangkaraniwang tao.
Ikalawang Hanay ng Darambas: Para sa mga oripun o alipin saguiguilid.
Antas ng Lipunan:
Maguinoo: Datu, Rajah, Sultan.
Maharlika: Mga mandirigma at mga taong nakasandig sa datu.
Timawa: Mga malalayang tao.
Mga Alipin: Hinahati sa Aliping Namamahay at Aliping Saguiguilid.
Konsepto ng Pangayaw: Isang uri ng pagdayo sa ibang pook upang kumuha ng pangangailangan ng pamayanan. Ayon kay Warren (), ang raja o datu lamang ang maaaring mangasiwa sa gawaing ito.
Apat na Batayan ng Kaginhawaan sa Lipunan (Salazar, ):
Datu/Bayani
Babaylan
Maghahabi/Mamamalayok
Panday