Ang Paglilitis kay Rizal

  • Nobyembre 3, 1896 - nakarating sa Maynila si Rizal at agad na ipiniit sa Fort Santiago.

  • Nobyembre 29, 1896 - Nagkaroon ng isang masusing pagsisiyasatbilang pang-una sa pormal na paglilitis sa hukumang militar.​​

2 uri ng katibayan ang inilahad laban sa kaniya:

  1. Ang sinumpaang pahayag

  2. Katibayang dokumento ​

  • Disyembre 7, 1896 - Ang usapin ay iniharap kay Huwes (judge) Nicolas dela Peña at inihayag ng huwes ang kaniyang mungkahi:

    1. Ang nasasakdal ay kailangang maiharap sa paglilitis sa pinakamadaling panahon.

    2. Si Rizal ay mananatili sa piitan​.

    3. Ang pagtatanggol ay gagampanan ng isang opisyal ng hukbong kastila at hindi ng isang manananggol.

    4. Nagmulta siya ng halagang isang milyong piso.

  • Disyembre 8, 1896 - ang usapin ay ibinigay kay Piskal (public prosecutor) Enrique de Alcocer.

  • ​Ang nag-iisang karapatan na ibinigay kay Rizal ay ang makapamili ng kanyang tagapagtanggol.

Si Rizal ay inakusahan ng:

  1. Pag-aalsa - paghihimagsik

  2. Sedisyon - panggugulo laban sa estado o pagsalungat sa may kapangyarihan

  3. Pagtatag ng mga illegal na samahan

  • Disyembre 13, 1896 - Pinalitan ni Camilo de Polavieja si Ramon Blanco bilang Gobernador Heneral ng Pilipinas.

  • Disyembre 15, 1896 - Manipesto ni Rizal para sa kaniyang mga kababayan kung saan humihiling siya na itigil na nila ang kanilang paglaban, at ang kanyang pagtutol sa rebolusyon....

  • Disyembre 24, 1896 - Ihinayag ng huwes ang bubuo sa hukumang lilitis kay Rizal.

  • Disyembre 26, 1896 - araw ng paglilitis ni Rizal

Mga tao sa hukuman:

  1. Dr. Jose Rizal - ang akusado

  2. Tenyete Luis Taviel de Andrade - ang tagapagtanggol ni Rizal

  3. Kapitan Rafael Dominguez - ang huwes tagapagtanggol

  4. Tenyente Enrique de Alcocer - tagapag-usig

Simula ng Paglilitis

  • Ang huwes tagapagtanggol na si Capt. Dominguez ang siyang nagpaliwanag sa hukuman ng kaso laban kay Rizal.

  • Si Ten. Alcocer, taga-usig, ang siyang nagbigay ng talumpati ng buod ng kaso ni Rizal at sinasabing karapat-dapat na siya ay patawan ng kamatayan.

  • Si Ten. Luis Taviel de Andrade, tagapagtanggol ni Rizal, ay nagbahagi ng madamdaming talumpati upang ipagtanggol si Rizal.

“Nanawagan sa katarungan, sa pagkaawa, sa damdaming bayan - para sa mga asawa at mga nangaulilang nangagdanas nanghirap dahil sa taksil na digmaan.”

- Talumpati ni Enrique de Alcocer sa paglilitis ni Rizal

“Ang mga hukom ay hindi dapat maging mapanghiganti manapa’y dapat maging makatarungan”.

- Tenyente Luis Taviel de Andrade

Ipinagtanggol ni Rizal ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng 12 puntos.

  • Gobernador Heneral Camilo de Polavieja at G. Hukom Nicolas dela Peña - naghatol ng kamatayan kay Rizal.

  • Ipinagtibay noong Disyembre 28 ang utos na barilin si Rizal sa Bagumbayan sa ika-30 ng Disyembre 1896.