Ap Reviewer

Kahalagahan ng Kontemporaryong isyu


Kontemporaryong-isyu- ay binubuo ng dalawang salita. Kontemporaryo (contemporary) na nangangahulugang moderno (modern), kasalukuyan (current), sabay-sabay (simultaneous) at makabagong panahon. at Isyu o isyu sa ingles naman ay nangangahulugang unsettled matter  o mga bagay na hindi maayos, pag-aalala, suliranin, at usapin. Kaya naman ang kontemporaryong isyu ay tumutukoy sa  anumang pangyayari, paksa, opinyon, tema, at mga ideya na may kaugnayan sa kasalukuyang panahon. Ito ay sumasaklaw sa Lipunan, Kultura at interes ng mga mamamayan. Maari ito'y naganap o umiiral sa kasalukuyang panahon o mga kaganapan noon na  nananatiling umiiral pa rin hanggang ngayon base sa epekto nito sa kasalukuyan at nagkakaroon ng positibo o negatibo sa mga tao sa lipunan pag ito ay mainit na pinag uusapan.

Saklaw ng kontemporaryong isyu

Ang saklaw ng Kontemporaryong isyu ay ang mga nangyari sa bansa mula sa taong 1901 hanggang sa kasalukuyang panahon. isang halimbawa na lamang dito ay ang lumaganap 2019 na sakit na SARS-COV 2 o mas kilalang COVID-19 na lumaganap sa buong panig ng mundo kabilang na ang pilipinas. Ikalawa naman dito ay mga kabilang problema at isyu sa larangan ng pagkakapantay-tao at karapatang-pantao na kung saan kabilang ang mga pag-patay at problema hinggil dito. 

Pamantayan sa pag-babatay ng kontemporaryong isyu

  1. Dapat ito ay mahalaga at makabuluhan

  2. Ito ay may temang napag-uusapan at nagkakaroon ng positibong epekto at impluwensya sa lipunan

  3. Nagkakaroon ng malinaw na epekto sa lipunan

  4. May matinding impluwensya sa takbo ng lipunan

Iba't-ibang uri ng kontemporaryong isyu


  • Kontemporaryong isyu ng panlipunan

    • ito ay ang mga isyu at mahahalagang pangyayari na hinggil sa iba't-ibang sektor ng lipunan tulad ng pinaka una at pinakamaliit lipunan ang pamilya, simbahan, paaralan, pamahalaan at ang bansa. Isa sa mga halimbawa ng kontemporaryong isyung panlipunan ay ang Gender Equality, Terrorismo, Rasismo, halalan.


  • Kontemporaryong isyu ng pangkalusugan

    • ang kontemporaryong isyung tumutukoy sa kalusugan na maaring nakabubuti o nakakasama sa mga tao sa lipunan. Ang mga halimbawa nito ay ang COVID-19, cancer, heart attacks, dengue, at marami pang sakit na nakakaapekto sa mga tao sa lipunan.

  • Kontemporaryong isyu ng pangkapaligiran

    • ito ay may kinalaman sa pangkapaligiran, mga usapin sa pagpapaunlad at sa pangangalaga ng ating kalikasan. ito ay isa sa mga pinaka mainit na usapin sa ating mundo dahil hindi pa rin matigil ang mga problemang kinakaharap ng ating mundo tungkol dito katulad ng; climate change, kaingin system, coal plants energy plants, deforestation, bagyo, pagputok ng bulkan, lindol at marami pang iba.


  • Kontemporaryong isyu ng pangkalakalan

    • ito ay mga suliranin at usapin na may kinalaman sa Globalisasyon, negosyo, at ang mga usapin na patungkol sa ekonomiya ng lipunan. halimbawa nito ay ang mga usapin sa import at export ng mga produkto sa lipunan, online shopping, free trade, at OPEC (samang pandaigdigan).


Mga uri ng sanggunian sa pagkalap ng kontemporaryong isyu


PRINT MEDIA: magazines, journals at dyaryo

VISUAL MEDIA: balita, pelikula at mga dokumento sa lipunan

ONLINE MEDIA: facebook, online blogs, at mga websites tulad ng nangyari noon, kasaysayan ngayon

Kalagayan at Suliranin sa Isyung Pangkapaligiran


Solid waste- solidong basura dahil ang lahat ng hindi malalagay at di-putrescible na pagtanggi sa solid o semi-solid form, kabilang ang ngunit hindi limitado sa, basura, basurahan, basura ng mga sasakyan, abo o nalalabi na incinerator, pagtanggi sa kalye, patay na hayop, basura ng demolisyon , basura sa konstruksyon, dumi sa alkantarilya, solid o semi-solid na basurang komersyal at pang-industriya


Great Pacific Garbage Patch- ito ang mga karagatan sa mundo na nagsisilbing tapunan ng mga basura na nanggagaling sa iba't-ibang bansa sa mundo partikular na sa Amerika, Europa, at Asya at ito ay sobrang layo sa mga tao upang maiwasan ang polusyon na kung saan mayroon itong lawak na 1.6 MILLION KM2 na tatlong beses na malaki sa bansang France at ang nilalaman nito ay puro fishing nets, at mga basurang microscopic o hindi nakikita ng mga mata.  Ang Great Pacific Garbage Patch ay hindi lamang sa Pacific ocean kung hindi mayroon din nito sa indian ocean, atlantic ocean, North america, at South atlantic ocean


The Cry of the Death Whale- ito ang gawa ng sektor ng Agrikultura ng Pilipinas na nagpapakita ng isang patay na balyena na puno ng plastik at pinakita dito kung paano nakakaapekto ang paggamit ng plastik na maaaring makapatay ng mga yamang tubig.

Isyung Pangkapaligiran: Yamang Lupa- Minsan ang tinaguriang "land of milk and honey" dahil hitik sa likas na yaman at tinawag din ni Jose Rizal na "Pearl of the orient seas" ang bansa dahil sa likas na kagandahan ng bansa. Ngunit dahil sa mga isyung nagaganap sa ating bansa, ay naapektuhan ang ating kalikasan, tulad nalang ng pagputol at pagsusunog ng puno na dala na rin ng pagdami ng tao sa buong bansa. Kaya naman noong 2015, ay ipinasa ang EXECUTIVE ORDER 23 o mas kilala na NATIONAL GREENING PROGRAM na naglalayong magkaroon ng 1.5 BILYONG puno ang 1.5 MILYONG ektarya ng lupain sa buong bansa at mas pinalawak pa ito dahil sa EXECUTIVE ORDER 193 o ang ENHANCED National Greening Program na naglalayong ibalik ang 1.7 milyong ektarya na kalbong kagubatan. 


Dahilan ng pagkaubos ng kagubatan

  1. pagpapatayo ng imprastraktura

  2. paglawak ng lupain sa agrikultura

  3. fuel wood harvesting

  4. pagdami ng tao

  5. pabago-bagong pagpapatupad ng batas

  6. kulturang pinoy


Isyung Pangkapaligiran: Yamang Tubig- Ang mga isyung tubig naman ay ang mga isyu na nakaangkla sa hindi malinis, sapat, at irigasyon ng tubig sa ating bansa. 36% ng tubig ilog ay ating iniinom sa bansa, 58% naman ay mga groundwater o mga kontaminadong tubig na kinakailangan ng mga treatment, 31% na mga sakit na namomonitor sa loob ng limang taon ay nanggaling sa mga water-bone sources, at mga kakulangan sa tubig sa tag-init


Dahilan ng problema sa Yamang Tubig

  1. hindi tamang pagtapon ng basura sa karagatan o yamang tubig

  2. pagtatapon ng kemikal 

  3. tag-init

  4. hindi tamang pagdaloy ng tubig

  5. pagdami ng tao


Climate Change- Ang Climate change o tinatawag ding Pagloloko ng Klima ay nangangahulugan ng malawakang pagbabago ng panahon sa ibat-ibang parte ng daigdig. Ito ay nadarama sa unti unting pag-init ng mundo na kadalasan ay tinatawag na Global Warming ito ay atin makikita din sa pagtunaw ng mga Glaciers o ice caps sa Antarctica sobrang pagkatuyot at pagbaha at paglaganap ng mga sakit hindi lamang sa mga tao kundi pati narin sa halaman at hayop.


Mga senyales ng Climate Change

  • Ang matinding pag-init o tagtuyot

  • Ang pagtaas ng antas ng tubig-dagat

  • Ang malakas na bagyo

Mga epekto ng Climate Change

  • Ang pagbaba ng ani ng produktong agrikultura.

  • Ang pagkakaroon ng mga bagong sakit.

  • Ang pagkamatay o pamumuti ng mga korales sa dagat.

  • Ang pagkaubos o pagbaba ng populasyon ng samu't-saring buhay.

  • Ang pagbaha at pagguho ng mga lupa.

Greenhouse gases na nagpapainit ng Mundo.

  • Carbon Dioxide

  • Methane

  • Nitrous Oxide

  • Hydrofluorocarbon

  • Perfluorocarbon

  • Sulfur Hexafluoride

Paghahanda sa Masamang Dulot ng Kapaligiran


REPUBLIC ACT 10121: Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010

- ito ang batas na naglalayong maging handa ang bawat pilipino sa oras ng panganib o sakuna tulad ng lindol, baha, bagyo, pagputok ng bulkan ay marami ang iba. Ang nakapaloob dito ay ang DISASTER, HAZARD, RISK, at VULNERABILITY na naglalayong imulat sa bawat pilipino ang ibig sabihin at mga posibleng maging panganib nito.


Disaster- ito ay tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa lahat ng tao, kapaligiran, at ang mga gawaing pang ekonomiya. ito ay malubhang abala sa mga pamumuhay ng tao sa isang komunidad na nagdudulot ng malaking pinsala, sa buhay, ari-arian ng tao, ekonomiya, at ibang aspeto ng komunidad. 


HAZARD + VULNERABILITY + LACK OF CAPACITY = DISASTER


Hazard- ito naman ay hindi ligtas na pangyayari, kondisyon, o gawain ng tao na maaring magbunga ng malaking banta sa seguridad sa buhay, o sa kapaligiran. at ito ay maaaring magbunga o mauwi sa disaster katulad na lamang ng pagkasira ng yaman o ari-arian, kapaligiran o buhay.


Risk- ito ay inaasahang pinsala sa tao dahil sa isang pangyayari o naganap sa tao. 


HAZARD X (VULNERABILITY - CAPACITY)


Vulnerability- ito naman ay ang kalagayan o katangian ng isang komunidad at sistema na may mataas na posibilidad na makaranas ng malubhang epekto ng hazard. katulad na lamang ng mga lugar sa bansa na may malaking porsyento ng risk at vulnerability sa baha. 


MATAAS NA RISK = MATAAS NA VULNERABILITY


Disaster Management- ito naman ay ang pag proseso, pagsasaayos at pag-kokontrol ng mga bagay, pangyayari ng tao. Nakapaloob dito ang mga gawain at estratehiya ng tao upang magkaroon ng koordinasyon sa bawat kasapi nito upang maiwasan ang kahit anong mangyari sa tao. Pagpapahalaga at pag-oorganisa sa tao upang malaman ng tao ang bawat pangyayari sa ating bansa sa oras ng kalamidad at ang tanging layunin nito ay ang paghahanda, pagtugon, at pagbangon sa oras ng kalamidad sa isang partikular na lugar o sa bansa. 


NDRRMC: National Risk Reduction and Management Council

- ito ang pangunahing ahensya ng gobyerno na namamahala sa pagpapatupad, paghahanda, pagoorganisa ng mga plano para sa pagtugon, pag iimpok para sa kahit anumang kalamidad ayon sa National DRRM Plan. Na pinamumunuan ng Secretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Secretary ng Department of Science and Technology (DOST), Secretary ng Department of Interior and Local Government at Director General ng National Economic and Development Authority (NEDA). 


Top Down Approach- ang top down approach ay ang tugon o plano na nagmumula muna sa pamahalaan na naka-base sa National Disaster Risk Reduction Plan patungo sa Lokal na pamahalaan at ang gagawin nito para sa mga mamamayan na nasasakupan nito. ito ay ang pinaka pormal na gawain ng pagtugon sa pangyayari sa bansa o sa partikular na lugar. Nakokontrol nito ang gagawin ng pamayanan at lokal na pamahalaan sa panahon ng sakuna o kalamidad. at ito ay naka-base sa plano. At ang maaring maging Negatibong dulot nito ay maaaring ito ay maisa walang bahala, maaaring ang plano ay hindi akma sa mismong nangyari sa lugar at kawalan ng supply o kawalan ng aksyon para sa pagtugon ng lokal na pamahalaan na nakabase sa direktiba ng pamahalaan.


Bottom Up Approach- ito naman ay kabaliktaran ng top-bottom approach na kung saan ito ay galing mismo sa pamayanan tungo sa kolaborasyon ng lokal na pamahalaan upang maisagawa ng maayos ang nararapat na gawin sa pagtugon sa kalamidad o sakuna. sa madaling sabi, ang BOTTOM-UP Approach ay ang pagplano, pagtugon, pagtukoy at paglutas sa mga maaring gawin sa hamong pangkapaligiran na nagsisimula mismo sa mga mamamayan. Ito ay mahalaga upang maiwasan ang hazard at risk, maligtas pa ang maraming buhay, o ari-arian dahil mayroong maayos na plano sa pagitan ng pamayanan at lokal na pamahalaan sa halip na maghintay ng tulong mula sa pambansang pamahalaan. Ito ay naka-base sa karanasan at pananaw ng mamamayan kung saan ang mga high risk areas, naibibigay ang mga maliliit na detalye nito, at nagkakaroon ng partisipasyon sa pagitan ng pamayanan at ang pamahalaan. At ang kahinaan naman nito ay walang maayos na lider o namumuno sa pagtugon sa kalamidad, maaaring hindi malinaw ang dapat na gawin sa pag tulong nito, at maaaring hindi magkaroon ng partisipasyon ng mga mamamayan


 





Uri ng Lipunan


Lipunan- ay binubuo ng tao na may pare-parehong hangarin at tungkulin. ito rin ay naka base sa kultura at tradisyon, mga hamon o salik sa lipunan, at ibat ibang uri at sistema nito. isang halimbawa ng Lipunan ay ang mga institusyon tulad ng Pamilya, sumunod ang paaralan, barangay, siyudad, Probinsya at ang pinakamalaki at pinaka importanteng Lupunan, ang bansa. At ang lahat ng miyembro ng lipunan na nabanggit ay may kanya-kanyang mga hangin at tungkulin para sa ibang miyembro ng nasabing lipunan.


Institusyon- ito ay isang organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan. Ito ay mga organisasyon o lipunan na nagtatag ng isang misyon. Ang institusyon ay isang lipunan o samahan na itinatag para sa isang relihiyon, pang-edukasyon, panlipunan, o mga katulad na layunin.


Iba't-ibang uri ng institusyon

Pamilya- ang natural na institusyon ng lipunan. Ito ang bumubuo ng populasyon sa bawat pamayanan. Nagiging marami sa paglipas ng panahon, makakabuo ng mga samahan at pagkakaisa ng layunin


Pamahalaan- ito ang institusyon ng lipunan na naglalaan seguridad, organisasyon para sa mamamayan nito. Ang bawat estado ay mayroong iba't-ibang pamahalaan na nagbibigay ng hiwalay na limitasyon at sakop.


Paaralan- Ang paaralan naman ang nagsisilbing tagahubog ng kaisipan ng bawat mamamayan. Nagiging matatag ang isang pamahalaan kapag edukado ang bawat mamamayan nito. Ang institusyon ng lipunang ito ang nagsisilbing training ground para sa pagpasok ng isa sa tunay na mundo sa lipunan.


Simbahan- ang simbahan naman ay puma patnubay sa bawat pamilya at individual upang kilalanin ang espiritual na pangangailangan ng bawat isa. Kaya ang pinaka layunin nito ay upang masapatan ang pangangailangang espiritual ng bawat tao, mapanatili ang mataas na pamantayang moral, at makikilala na ang lipunan ay nagmula sa Diyos.


Elemento ng Institusyon sa Lipunan


Social group- ay isang samahan na na-uugnay ng ibat-ibang uri ng tao na may matatag na kasunduan. Ito din ay tumutukoy sa isang grupo ng lipunan o mga tao na may pagkakaisa ng layunin sa buhay. Kahit anong uri ng tao ay pwedeng makakagawa ng grupo kung ito'y nanaisin. 


Layunin ng Social Group:

  1. Makamtan ang pagkakaisa.

  2. May pamantayang sinusunod.

  3. May mga batas na ipinapatupad.

  4. Magkakaroon ng matatag na samahan

  5. Magtutulungan


Primary Social Group- ay mga institusyon na may malaking koneksyon sa pagitan ng bawat miyembro nito. Ito rin ang mga koneksiyon na walang kapalit, pinag-usapan, o mga koneksyon na may kadahilanan.


Halimbawa ng Primary Social Group

  • Pamilya

  • Kaibigan

  • Kamag-anak


Secondary Social Group- ay kabaliktaran naman ng Primary Social Group na kung saan ang bawat miyembro sa institusyon o koneksyon na may kapalit, mga napag-usapan, at mga koneksyon na mayroong kadahilanan para sa isang patutunguhan o epekto sa lipunan.


Halimbawa ng Secondary Social Group

  • Paaralan

  • Pamahalaan

  • Katrabaho

  • Kapitbahay

Status-  ay ang kalagayan ng tao o sitwasyon ng tao base sa kanyang ginagawa, mga pangyayari at kanyang kakayahan upang maka ambag sa lipunan. Mayroon itong dalawang pangyayari:


SITWASYON #1 ACHIEVED

ang status na ito ay kung saan ang isang tao sa lipunan ay ginagampanan ang kanyang alituntunin, gawain, misyon, at ang kanyang ginawa ay pinag sumikapan at pinag pursigi. kaya naman siya ay isang ACHIEVED status o napagtagumpayan.


SITWASYON #2 ASCRIBED

ang status na ito ay hindi napagtagumpayan ng isang tao ang anyang alituntunin, gawain, misyon, at hindi niya pinag sumikapan at pinag pursigi ang kanyang gagawin para maka ambag sa lipunan. kaya naman sya ay ASCRIBED status o HINDI napagtagumpayan.


Kultura sa Lipunan- ay ang bawat tradisyon at kaugalian ng bawat miyembro sa lipunan o ang kaugalian ng bansa base sa mga nakasanayan nito. ito ay mayroong dalawang parte. Ang dalwang uri nito at ang mga elemento.


Materyal na kultura- mga kultura na naka base sa Materyal na bagay tulad ng mga nakaugalian nang piyesta, mga parol, gamit at iba pa 


Di materyal na kultura- mga kultura na naka base sa mga kaugalian na ng bawat bansa tulad ng paniniwala, pagpapahalaga, kasanayan at iba pa.



Apat na uri ng Elemento ng Lipunan

  • Paniniwala- mga kaugalian

  • Norms- mga estado at kaugalian(gender)

  • Pagpapahalaga- mga kasaysayan

  • Simbolo- mga nagrerepresenta sa bansa


Mga Hamon o Salik sa Lipunan


Social Imagination- tao sa lipunan ay nakakaranas ng problema sa buhay, ito ay maaaring kawalan ng trabaho, problema sa kalusugan, kakulangan ng edukasyon, bisyo at iba pa. at ang isyu naman ay ang mga problema mismo na nararanasan mismo ng tao sa lipunan, konti man ang kasali dito o madami.


Isyung Personal- ang mga problema at kinakaharap ng isang tao lamang at di nakakadamay ng iba. 


Isyung Panlipunan- mga problema naman na marami ang nadamay, o kinakaharap mismo ng bansa dahil sa isa, o maraming  kadahilanan.