Esp
Page 1
Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan - Modyul 4: Pangangalaga sa Kalikasan
DepED DEPARTMENT OF EDUCATION
Page 2
MODULE 4: Pangangalaga sa Kalikasan
Mga Layunin:
Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan
Natutukoy ang mga paglabag sa pangangalaga ng kalikasan na umiiral sa lipunan
Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipamalas ang pangangalaga sa kalikasan
Nakabubuo ng posisyon tungkol sa isang isyu sa paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa kalikasan
Subukin (Pre-Test)
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag at isulat sa sagutang papel ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng katotohanan at MALI naman kung ang pangungusap ay sumasalungat nito.
Sa kalikasan nanggagaling ang mga materyal na bagay na bumubuhay sa tao.
Ipinagkaloob ng Diyos sa tao ang kapangyarihan na pangalagaan ang kalikasan na kaniyang nilikha.
Ang kalikasan ay tumutukoy sa lahat ng mga nakapaligid sa atin na maaaring may buhay o wala.
Ang pagmaltrato at paglabag na ginagawa ng mga tao ay siyang dahilan sa trahedyang pangkalikasan na naranasan ng karamihan.
Malayang gawin ng tao ang anuman ang nais niyang gawin na gamit ang kalikasan.
Ang pangangalaga sa kalikasan ay kinakailangang gawin at sundin para lamang sa ating sariling kapakanan.
Isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit hindi matigil-tigil ang problema ng bansa sa tamang pangangalaga ng kalikasan ay ang paggamit ng kapangyarihan at pera ng ibang indibidwal para sa sariling benepisyo.
Ang kalikasan ay nararapat na gamitin bilang isang kasangkapan na maaaring manipulahin at ilagay sa mas mataas na lugar na higit pa sa dignidad ng tao.
Page 3
Ang pangangalaga sa kalikasan ay gawain at responsibilidad lamang ng iilan.
Ang karapatan sa isang malinis at maayos na kapaligiran ay kailangang protektahan sa pamamagitan ng pang-internasyonal na pagkakaisa at layunin.
Aralin 1: Mga Paglabag sa Pangangalaga sa Kalikasan (Ikapitong Linggo)
Panimulang Aral
Sa modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang iyong pananagutan sa kalikasan at kung paano mo maipapakita ang pananagutang ito.
Inaasahan din na masasagot ang tanong na: “Bakit mahalaga ang pangangalaga sa kalikasan?”
Saklaw ng Pagkaubos ng Basura
Alam mo ba na ganito katagal bago mabulok ang sumusunod?
Paper bag – 1 buwan
Aluminyo/lata – 200-500 na taon
Kardbord – 2 buwan
Plastik na bote – 450 na taon
Goma – 50-80 na taon
Plastik bag – 20 – 1000 na taon
Ang lahat ng mga bagay na ating ginagamit ay kinukuha natin sa kalikasan at itinatapon natin sa ating kapaligiran.
Page 4
Kahalagahan ng Kalikasan
Ang kalikasan ay tumutukoy sa lahat ng nakapaligid sa atin na maaaring may buhay o wala.
Kabilang dito ang hangin, lupa, tubig, at iba pang anyo nito.
Ang tao ay nagpatuloy sa walang habas na paninira sa pag-aakalang siya ay may karapatan sa kalikasan.
mga Maling Pagtrato sa Kalikasan
Mga Paglabag at Epekto
Maling Pagtatapon ng basura
Dahilan sa komersiyalismo at konsiyumerismo, nagkaroon ang tao ng maraming bagay na nagiging patapon.
Iligal na pagputol ng mga puno
Ang mga puno at iba pang halaman ang siyang tagapagbigay ng mahalagang hangin.
Polusyon sa hangin, tubig, at lupa
Ang polusyon ay nagdudulot ng karamdaman at maaaring maging sanhi ng kamatayan.
Pagkaubos ng mga natatanging species
Maraming uri ng mga hayop at halaman ang unti-unting nauubos.
Malabis at mapanirang pangingisda
Ang yamang dagat ay nauubos dahil sa maling pangingisda.
Page 5
Pagko-convert ng mga lupang sakahan
Global warming at climate change
Patuloy na pagtaas ng temperatura kundi rin nagdudulot ng climate change.
Komersiyalismo at urbanisasyon
Ang walang habas na pag-uugali ng tao ay nag-aalis sa pag-aalaga sa kalikasan.
Page 6
Gawain: Picture Analysis
Panuto: Pag-aralan ang mga larawan at sagutin ang mga katanungan:
Ano ang masasabi mo sa mga larawang ito?
Bilang kabataan, naranasan mo na bang nilabag ang kilos na dapat gawin?
Isaisip at Isapuso
Panuto: Pagnilayan ang kahulugan nito:1-5 na pangungusap tungkol sa iyong pagkaunawa.
Aralin 2: Mga Angkop na Kilos Upang Maipamalas
Pangangalaga Ng Kalikasan
Ang tao ay inuutusan ng Diyos na alagaan ang kalikasan.
Ang tunay na pangangalaga ay pagpapakita ng paggalang.
Page 7
Sampung Utos Para sa Kalikasan
Maging tagapangalaga ng kalikasan sa ngalan ng Diyos.
Huwag gamiting kasangkapan ang kalikasan.
Ang responsibilidad na pang-ekolohikal ay para sa lahat.
Isaalang-alang ang etika at dignidad ng tao.
Ang kalikasan ay hindi isang banal na reyalidad.
Ang politika ng kaunlaran ay dapat ayon sa ekolohiya.
Wakasan ang pangmundong kahirapan.
Protektahan ang karapatan sa malinis na kapaligiran.
Kailangan ng pagbabago sa uri ng pamumuhay.
Ang isyung pangkalikasan ay nangangailangan ng espiritwal na pagtugon.
Page 8
Karagdagang Hakbang
Itapon ang basura sa tamang lugar.
Pagsasabuhay ng 4R.
Pagtatanim ng mga puno.
Sundin ang batas at makipagtulungan.
Mabuhay nang simple.
Page 9
Gawain: Pagnilayan ang Pangunahing Pag-unawa
Ano ang nasa iyong isipan habang pinag-aralan mo ang mga larawang ito?
Bilang isang kabataan, paano mo maikokompara ang larawan A sa B?
Page 10
Gawain: Moral Dilemma
Panuto: Suriin ang sitwasyon at isulat ang iyong sagot.
Tayahin (Post Test)
Paano ipinapakita ng tao na pinahahalagahan niya ang kalikasan?
Nagngangahulugan na ang pagiging tagapangalaga ng kalikasan ay ang paggamit na...
Page 11
Ano ang pangunahing dahilan kung bakit kailangan ng tao na pangalagaan ang kalikasan?
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng paggamit ng kalikasan bilang kasangkapan?
Page 12
Susi sa Pagwawasto
Mga Sanggunian:
Agapay, Ramon B. (2007)
Montemayor, Felix M. (1994)
Nery-Nabor, Maria Imelda P. (2010)
Reyes, Ramon C. (2009)
Simbajon Jr., Marvin Julian L. (2011)