Untitled

  1. Pakikipag-usap sa isang simpleng kakilala (level of acquaintance) – Ito ang pinakamababaw na antas sapagkat dito nakapaloob ang karaniwang pakikipagbatian tulad ng pagsabi ng “Kumusta ka?” at pagsagot ng “Mabuti naman.”

2. Pakikipag-usap upang magbahagi ng makatotohanang impormasyon (factual talk) – Ang mga

impormasyong inilalahad ay ang mga tumutugon sa tanong na ano, sino, saan, kalian, at iba pa.

Umiikot ito sa impormasyong tungkol sa panahon, trabaho, kaibigan, balita, at mga gawain.

3. Pakikipag-usap upang magbahagi ng ideya o opinyon (intellectual talk) – Ito ang antas kung

saan ipinaaalam mo ang iyong iniisip sa pamamagitan ng pagbibigay ng opinyon, pakahulugan o

interpretasyon, pananaw, at paghatol tungkol sa impormasyong pinag-uusapan.

4. Pakikipag-usap upang magbahagi ng sariling damdamin (emotional talk) – Sa antas na ito

nararanasan ang malayang pagbabahagi ng sariling damdamin sa kapwa. Itinuturing na mas

mahirap ang pagpapahayag ng damdamin ay pribado.

5. Pakikipag-usap at pagbabahagi ng tunay na sarili nang may pagmamahal ( loving and

honest talk) – Ito ang pinakamataas na antas ng komunikasyon kung saan naibabahagi mo nang nalalahanin, pangarap, takot, o pag-asa.