EsP Note
Modyul 1-Q3 PAGMAMAHAL SA DIYOS
Layunin:
Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal ng Diyos
Natutukoy ang mga pagkakataong nakatulong ang pagmamahal sa Diyos sa kongkretong pangyayari sa buhay.
Page 3:
Ang tao ang pinakaespesyal sa lahat ng nilikha dahil hindi lamang katawan ang ibinigay sa kaniya ng Diyos kundi pinagkalooban din siya ng espiritu na nagpapabukod-tangi at nagpapakawangis sa kaniya sa Diyos.
Ang nagpapakatao sa tao ay ang kaniyang espiritu na kinaroroonan ng persona. Ang persona ayon kay Scheler ay, ang “pagka-ako” ng tao ng bawat tao na nagpapabukod tangi sakaniya.
Page 4:
Ang espiritwalidad ng tao ay galing sa kaniyang pagkatao.
Ito ay lalong lumalalim kung isinasabuhay niya ang kaniyang pagiging kalarawan ng Diyos at kung paano niya minamahal ang kanyang kapuwa.
Ang tunay na diwa ng espiritwalidad ay ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapwa at ang pagtugon sa tawag ng Diyos na may kasamang kapayapaan at kapanatagan sa kalooban.
Page 5:
Pananampalataya- ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos.
Sa pananampalataya, naniniwala at umaasa ang tao sa mga bagay na hindi nakikita.
Sa pananampalataya, itinatalaga ng tao ang kaniyang paniniwala at pagtitiwala sa Diyos.
Ang pananampalataya ay hindi maaring lumago kung hindi isinasabuhay para sa kapakanan ng kapuwa.
Page 6:
Ang mabuting kilos at gawa ng tao ang siyang matibay na nagpapakita ng kaniyang pananampalataya.
Page 7:
Pananampalatayang Kristiyanismo- itinuturo ang buhay na halimbawa ng pag-asa, pag-ibig, at paniniwalang ipinakita ni Hesukristo.
Page 8:
Ang Diyos ay nasa ating lahat sa bawat pagkakataon ng ating buhay.
Tanggapin ang kalooban ng Diyos na may kagaanan at likas na pagsunod.
Laging humingi ng pagpapala sa Diyos upang makagawa ng kabutihan.
Magmahalan at maging mapagpatawad sa bawat isa.
Maging mapagkumbaba at ialay ang sarili sa pagtulong sa kapwa.
Page 10:
Pananampalatayang Islam- limang haligi:
Shahadatain- pagpapahayag na walang ibang Diyos na karapat dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah at kay Mohammed na Kaniyang sugo.
Salah- limang takdang pagdarasal araw-araw.
Sawn- obligasyon ng bawat Muslim na may sapat na gulang at kalusugan sa panahon ng Ramadan.
Zakah- hindi lamang boluntaryong pagbibigay sa mga nangangailangan kundi isang obligasyong itinakda ni Allah na disiplina sa sarili upang mapaglabanan ang tukso na maaring dumating sa buhay.
Hajj- bawat lalaki at babae na may sapat na gulang, mabuting kalusugan at may kakayahang gumuguol sa paglalakbay ay nararapat na dumalaw sa banal na lugar ng Meca, ang sentro ng Islam sa buong mundo.
Page 13:
Pananampalatayang Budismo- 4 na katotohanan na naliwanagan kay Siddharta Gautama:
Ang buhay ay dukha (kahirapan, pagdurusa)
Ang pagnanasa ay malulunasan
Ang kahirapan ay bunga ng pagnanasa
Ang lunas ay nasa walong landas (eighfold path- tamang pananaw, tamang intension, tamang pananalita, tamang kilos, tamang kabuhayan, pamang pagsisikap, tamang kaisipan, tamang at