Sultan Abubakr: Pag-aangkin ng Islam (1450-1515)

Dayang Akitan at Jayadewa

  • Kinasal upang mawala ang utang ni Dayang Akitan.

Sultan Abubakr (1450 - 1515)

  • Dumating sa Pilipinas kasama si Rajah Baginda noong 1450.
  • Naging Sultan dahil napangasawa si Paramisuli (anak ni Rajah Baginda).
  • Iba pang pangalan: Sharif-ul-Hashhim at Zein-ul-abidin.
  • Kontribusyon: Madrasa o paaralan ng Qu’ran, Hadith (tradisyunal na pagtuturo ng mga propeta ng Qu’ran).

Relihiyon ng Datihang Panahon

  • Dr. Mangahas: Naniniwala sa Bathala.
  • Paggalang sa diwata at anito.
  • Ritwal para sa iba't ibang okasyon.
  • Kaitaasan, Lupa, Kailaliman.

Maling Konsepto ng Kastila Ukol sa Babaylan

  • Bruja (Brujeria o witchcraft)
  • Aswang
  • Baliw

Pagtutuwid sa Katayuan ng Babae at Lalaki

  • Matriyarkal (hindi patriyarkal).
  • Babae sa ekonomiya: Pwede sumali sa usaping pangangalakal
  • Superyor ang babae sa pakikipagtalik.
  • Babaylan: Pinakamataas na katayuan ng mga kababaihan.
  • Tugbuk at Sakra sa Kabisayaan.

Larangang Semantiko ng Babaylan

  • Babaylan - Kabisayaan
  • Ketorunan - Malayo
  • Katalonan - Tagalog
  • Bayok - Sambal
  • Baglan - Pangasinense
  • Baki(ritwal), mumbaki(tagapagsawa ng ritwal) - Cordillera
  • Balian – pinagmulan ng salitang babaylan

Babaylan

  • Dalubhasa sa mundong ispiritwal.
  • Paniniwala sa mga anito.
  • Kaalaman sa kalikasan, medisina, kagamutan.
  • Kaginhawaan ng Bayan
  • Epiko, Mitolohiya, Ritwal, Sayaw, Panitikan, Dula, Kasaysayan.

Dalawang Uwi ng Pangangayaw

  • Sa Lupa (Ifugao at Kalinga)
  • Sa Dagat

Kaayusan ng Tirahan

  • Ilawud/Sa-ilud: Malapit sa wawa ng ilog.
  • Ilaya/Sa-raya: Interior/Kabundukan.

Sistema ng Pagsulat

  • Baybayin: 3 Patinig, 14 na Katinig.
  • Iba't ibang bersyon sa mga kabayanan: Kulitan (Kapampangan), Surat Mangyan, Luntarsug (Tausug).
  • Hindi Alibata, kundi Baybayin.

Katayuan sa Lipunan

  • Uring Maginoo (Datu, Raja…)
  • Maharlika/Timaguas (Timawa): Hindi nagbabayad ng buwis.
  • Alipin:
    • Namamahayes (Namamahay): Tumitira sa pinagkakautangan.
    • Seguiguileres [Saguiguilir (d)]: May sariling bahay ngunit may utang sa Datu.
  • Paraan para maging alipin:
    • Pagkakaiba sa Digma
    • Nahatulang Kriminal
    • Pagkakautang
  • Paraan para mawala sa pagkaalipin:
    • Katubusan mula sa Pagkakabihag
    • Pagbayad ng Utang
    • Gantimpalang pagpapalaya mula sa Datu o pinagkakautangan

Pulitika ng Barangay

  • Clan base system, lupa ng datu.
  • RAJAH: Pinakapulitika o hari.

Kaayusan at Ugnayang Pampayanan (ika-16 na Dantaon)

  • Tatlong larangan sa Kabisayaan: ILAYA, ILAWOD AT IBAYO (ibayong pulo).
  • Pinag-uugnay sila ng mga ilog at karagatan.

Kaayusan at Ugnayang Pangkabuhayan

  • Pluralistiko: Pangingisda, Pagsasaka, Pangangalakal, Pangangaso.
  • Pangangayaw para punan ang kakulangan ng pangangailangan sa panahon ng krisis.

Kaayusan at Ugnayang Panglipunan

  • 3 saray: MAGINOO, TIMAWA at URIPON.

Kaayusan at Ugnayang Pangkapangyarihan

  • Apat na larangan: datu/binukot (pulitikal), babaylan (ispiritwal), panday (teknolohikal), at bagani (pangseguridad at opensiba).

Sultan Kabungsuwan at Raha Sulayman (1515-1588)

  • Kabungsuwan: Dumating sa Maguindanao (1515), nagpakasal sa mga anak ng pinuno.
  • Raha Sulayman at Raha Matanda sa Maynila: May kaugnayan sa Sultan ng Brunei.

Ang Tundo nina Lakandula, Matanda, at Sulayman

  • Bunaw Lakandula (Tundo), Raha Matanda at Raha Soliman (Maynila).
  • Labanan sa pagitan ni Raha Soliman at mga Espanyol (Hunyo 4, 1570).
  • Itinatag ang Maynila.
  • Miguel Lopez de Legazpi: Napasakamay ang Maynila at Tundo.

Ang Labanan sa Bangkusay (Hunyo 3, 1571)

  • Datu Bambalito ng Maacabebe vs. Miguel Lopez de Legazpi.

Sanduguan

  • Bol-anon-Espanyol (Sikatuna at Legaspi); Panayanhon-Espanyol (Madidong – De Goiti).
  • Espanyol bilang kaalyansa para sa pangangayaw.

Sultan Kabungsuwan at Raha Sulayman (1515-1588)

  • Hindi tinanggap ni Kabungsuwan ang mga ekspedisyon.
  • Pagsasabwatan sa Tundo (1588): Lalakas ang pwersang militar ng mga Kastila at mauudlot ang paglaganap ng Islam sa Luzon.

Ang Sabwatan sa Tundo

  • Mga sangkot: Martin Panga, Agustin de Legazpi, Gabriel Tuambasan, Francisco Acta.

Pangunahing Angkan sa Pagpaplano ng Pagpapatalsik sa mga Kastila

  • Agustin de Legazpi, Gabriel Tuambasan, Geronimo Basi, Francisco Acta, Dioniso Capulong, Magat Salamat, Phelipe Salonga, Martin Panga, Juan Banal, Pitong Gatang, Calao, at Luis Amanicalao.

Nilahukan Din Ng Mga Datu Sa Mga Karatig Na Probinsya

  • Phelipe Amarlangagui, Omaghicon, Phelipe Salalila, Agustin Manuguit, Pedro Balingit, Esteban Taes, Luis Balaya, Sumaelob, Daulat, Juan Basi, Alonso Lea.

Ang Sabwatan sa Tundo

  • Agosto 1587 - Oktubre 21, 1588.
  • Nabisto dahil kay Antonio Surabao.
  • Parusa: Kinaladkad, binitay, pinugutan ng ulo; sinabuyan ng asin ang lupain.

Resulta

  • Nabuwag ang kaayusan sa Timog-Silangang Asya, partikular sa Tundo.
  • Pinalitan ng Tsina-Maynila-Acapulco ang mga ruta ng kalakalan.

Implikasyon sa Kasaysayang Pilipino

  • Ikutang pangyayari sa Historiograpiya ng Kasaysayan ng Pilipinas.
  • Periodisasyon ni Zeus Salazar: Pamayanan, Bayan, Bansa. Hangganan ng Pamayanan ay 1588.
  • Malaking dagok sa mga Pilipino ang mga ekonomikong polisiya ng Espanyol gaya ng Tributo, polo y servicios.