Pananaliksik Part 1 (Kabanata I, II, III)
Mga Bahagi ng Pananaliksik
Kabanata I - (Ang Suliranin at Kaligirang Kasaysayan)
Kabanata II - (Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral)
Kabanata III - (Pamamaraang Ginamit)
Kabanata IV - (Paglalahad, Pagsusuri at Pagpapahalaga sa mga Datos)
Kabanata V - (Paglalagom, Natuklasan, Kongklusyon at Rekomendasyon)
Kabanata I: Ang Suliranin at Kaligirang Kasaysayan
Nilalaman ng Kabanata I
Panimula
Kaligirang Kasaysayan
Balangkas Teoretikal
Balangkas Konseptuwal
Paglalahad ng Suliranin
Haypotesis
Kahalagahan ng Pag-aaral
Saklaw at Limitasyon
Katuturan ng mga Salitang Ginamit
Panimula
Dapat maglaman ng impormasyon kung tungkol saan ang pag-aaral.
Dapat isama ang dahilan kung bakit ito dapat pag-aralan at ang suliranin na dapat lutasin.
Kaligirang Kasaysayan
Tumatalakay sa kaugnayan ng suliranin at ideya ng isinagawang pag-aaral.
Ipinapaliwanag ang layunin ng mananaliksik na makapagsagawa ng malalim na pagkaunawa sa suliranin.
Balangkas Teoretikal
Naglalarawan ng iba't ibang teorya at modelo kaugnay ng baryabol.
Balangkas Konseptuwal
Dapat nakaugnay sa balangkas teoretikal.
Kailangan ng konsistensiyang diagram upang ipakita ang ugnayan.
Paglalahad ng Suliranin
Dapat na ipahayag sa paraang pangkalahatan at tiyak.
Ang pangkalahatang paglalahad ay nagsasaad ng paksa ng pag-aaral.
Haypotesis
Isang palagay o prediksyon na naglalahad ng ugnayan ng mga variable.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Talakayin ang mga makikinabang sa isinagawang pag-aaral.
Ipaliwanag ang mga natuklasan at posibleng solusyon sa suliranin.
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Tinutukoy ang saklaw ng pag-aaral, tagasagot at instrumentong gamit.
Halimbawa: Pagsasaklaw ng kinabibilangan ng mga mag-aaral.
Katuturan o Kahulugan ng Salitang Ginamit
Binibigyang kahulugan ang mga susing salita batay sa gamit sa konteksto ng pag-aaral.
Kabanata II: Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Nilalaman ng Kabanata II
Pangkalahatang talakayan kung paano nauugnay ang iba pang mga pag-aaral sa kasalukuyang isinagawang pananaliksik.
Mga Kaugnay na Literatura
Dapat magtaglay ng banyagang literatura, lokal na literatura, banyagang pag-aaral at lokal na pag-aaral.
Kabanata III: Pamamaraang Ginamit
Metodolohiya
Isang sistematikong kalipunan ng mga metodo para sa imbestigasyon at paglikom datos.
Disenyo ng Pananaliksik
Pangkalahatang estratehiya at pagkakaayos ng pananaliksik.
Halimbawa: Palarawan o Deskriptibo, Action Research, Komparatibo.
Paraan ng Paglikom ng Datos
Kagamitan na ginamit para mangalap ng datos: Sarbey, pakikipanayam, dokumentaryong pagsusuri, nakabalangkas na obserbasyon.
Paraan sa Pagsusuri ng Datos
Estadistikal na pamamaraan kung paano kinuwenta ang datos.
Kabanata IV: Paglalahad, Pagsusuri at Pagpapahalaga sa mga Datos
Nilalaman ng Kabanata IV
Pagbibigay-diin sa mga makabuluhang resulta at mga talahanayan.
Iwasan ang di-mahahalagang datos at ipaliwanag ang pangunahing datos.
Kabanata V: Paglalagom, Natuklasan, Kongklusyon at Rekomendasyon
Nilalaman ng Kabanata V
Ipinapakita ang kabuuang lagom ng pag-aaral kasama ang natuklasan, kongklusyon at rekomendasyon.
Dapat maglaman ng maikling pahayag hinggil sa layunin ng pag-aaral.
Rekomendasyon: mga panawagan para sa mga may kasangkot na dapat sumunod sa natuklasang suliranin.