Mangyayari ito kung hindi na ginagamit at nawala na ang pangangailangan dito ng lingguwistikang komunidad na dating gumagamit nito.
Ayon kay Paz, Hernandez at Peneyra (2003), hindi mamatay ang wika kung patuloy itong gagamitin sa pang araw-araw na buhay.
HOMOGENEOUS AT HETEROGENEOUS NA WIKA
HOMOGENEOUS
Ito’y nangangahulugang isang klase mula sa iisang lahi o angkan. Kung ililipat sa wika, tumutukoy ito sa pagkakaroon ng iisang anyo at katangian ng wika.
Mahalaga ang language uniformity o ang pagkakaron ng iisang standard ng paggamit ng isang partikular na wika.
HETEROGENEOUS
maaaring magkaiba-iba ang paggamit ng isang wika batay sa iba’t ibang salik ng kontekstong pinagmulan ng nagsasalita nito.
Dito papasok ang heterogenous o pagkakaiba-iba ng uri at katangian ng isang wika.
BARAYTI NG WIKA
DAYALEK
Barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon o bayan.
Halimbawa: Tagalog sa Maynila, Tagalog sa Bisaya, at Tagalog sa Morong
IDYOLEK
Kahit iisang dayalek ang sinasalita ng pangkat ng mga tao ay mayroon pa ring pansarili o natatanging paraan ng pagsasalita ang bawat isa.
Halimbawa: Ruffa Mae Quinto, Mike Enriquez, at Kris Aquino
SOSYOLEK
Ito ay nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika.
BARAYTI NG SOSYOLEK:
Gay lingo - ito ay ginagamit ng mga beki upang mapanatili nila ang pagkakakilanlan.
Conotic o Conyo speak - ito ay pinaghalong ingles at tagalog.
Jejemon o Jeje speak - ito ay nakabatay sa ingles at tagalog ngunit isinusulat ng may pinaghalo-halong numero, simbolo, malaki at maliit na titik.
ETNOLEK
Barayti ng wika mula sa mga etnolinguwistikang grupo. Ito at nagmula sa pinagsamang etniko at dialek.
HALIMBAWA NG ETNOLEK:
Bulanon na ang ibig sabihin ay full moon
Kalipay na ang ibig sabihin ay tuwa o ligaya
Palangga na ang ibig sabihin ay minamahal o mahal
REGISTER
Barayti ng wika na naiiaangkop ng isang nagsasalita ang mga uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at kausap.
PORMAL NA WIKA - nagagamit sa pormal na pagdiriwang tulad ng pagsamba, talumpati, seminar o paaralan.
DI PORMAL NA WIKA - nagagamit ito kung ang kausap ay magulang, mga kaibigan, malapit na kaklase maging sa mga komiks.
PIDGIN AT CREOLE
Ang pidgin ay umusbong na bagong wika na tinatawag sa Ingles na nobody’s native language o katutubong pag-aari ninuman.
Kalaunan, ang wikang ito ay naging likas na wika o unang wika na ng batang isinilang sa komunidad ng pidgin. Ito ay nabuo hanggang magkaroon ng pattern.
Ito ngayon ay tinatawag ng creole, ang wikang nagmula sa isang pidgin at naging wika sa isang lugar.