1/8
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai |
|---|
No analytics yet
Send a link to your students to track their progress
Simili o Pagtutulad
Gumagamit ng pagkukumpara na mga salita sa pinag-uusapan.
Halimbawa:
Tila ‘di makabasa piggan ang katangian ng babaeng gusto niya.
(‘di makabasag pinggan – mahinhin)
Metapora o Pagwawangis
Direkta ang pagkukumpara sa pinag-uusapan.
Halimbawa:
Si Marcus ay kayod-kalabaw para lang masustentuhan ang sariling pag-aaral.
(kayod-kalabaw – halos walang tigil kakatrabaho)
Personipikasyon
Gumagamit ng pandiwa o verb para magkaroon ng buhay ang isang bagay o abstrak sa pangungusap.
Halimbawa:
Umiiyak na ang kaniyang pitaka dahil wala pa rin siyang trabaho.
Hayperboli o Pagmamalabis
Eksaherasyon ang mga salita para magpa-impress, mag-discourage o magbigay ng dramatikong paglalarawan.
Halimbawa:
Nais ko masilayan muli ang iyong nakamamatay na ngiti.
Oksimoron o Pagtatambis
Pinagsama ang dalawang magkasalungat na salita o magkaibang kahulugan na salita para magkaroon ng epekto sa buong pangungusap.
Halimbawa:
Ang kanilang pagkakaibigan sa sampung taon ay nagdaan sa saya at lungkot, away at bati, at init at lamig na nagpatibay ng kanilang samahan.
Onomatopeya o Paghihimig
Pinapangalanan ang bagay o aksiyon sa tulong ng pagbibigay tunog nito.
Halimbawa:
Malakas ang kabog ng dibdib noong una kitang nakilala.
Nakarinig ako ng ding-dong kaya agad akong lumabas para buksan ang pintuan.
Eupemismo o Paglumanay
Paraan ito para pag-usapan ang itinuturing na sensitibong usapin.
Halimbawa:
Maliksi pa rin kumilos ang aking lolo kahit may-edad na siya.
Pag-uyam
Kabaliktaran ng literal na kahulugan.
Halimbawa:
Tunay na mapagkakatiwalaan si Katrina dahil kinikilala siyang ahas.
Pagpapalit-saklaw o Senekdoke
Ito ay pagbanggit sa bahagi ng isang bagay o ideya bilang pagtukoy ng kabuuan.
Halimbawa:
Hiningi ko ang kamay ni Grace sa kaniyang magulang.
(Tumutukoy ang kamay bilang kabuuang pagkatao ni Grace.)
Isang bubong ang tinitirahan ng bagong lipat na pamilya.
(Tumutukoy sa bahay, hindi lamang sa bubong.)