Fil Endterm Exam

0.0(0)
studied byStudied by 0 people
learnLearn
examPractice Test
spaced repetitionSpaced Repetition
heart puzzleMatch
flashcardsFlashcards
Card Sorting

1/212

flashcard set

Earn XP

Description and Tags

Language

11th

Study Analytics
Name
Mastery
Learn
Test
Matching
Spaced

No study sessions yet.

213 Terms

1
New cards
Ipinaliliwanag ng mananaliksik sa bahaging ito ang disenyo o metodolohiya sa pagsasagawa ng pananaliksik na maaaring palarawan o descriptive, historikal, o kaya'y eksperimental. Ipinakikita rin dito ang paraan ng pagkuha ng datos gaya ng pagbuo ng talatanungan (questionnaire), pagsasagawa ng sarbey, pagmamasid o case study.
METODOLOHIYA
2
New cards
Nakapaloob sa bahaging ito kung sino ang target na populasyon at ang mga gagamiting tagatugon sa paksang sinisiyasat gayundin ang uri ng estadistika na sangkap sa paksa
METODOLOHIYA
3
New cards
Ito ang detalyadong balangkas kung paano isasagawa ang imbestigasyon.
disenyo ng pananaliksik
4
New cards
•Kadalasang nilalaman nito kung sa paanong paraan mangangalap ng datos ang mananaliksik, ano at paano gagamitin ang napiling instrument, at ng mga pamamaraan kung paanong susuriin ang datos.
disenyo ng pananaliksik
5
New cards
nagtatakda sa uri ng disenyong gagamitin ng mananaliksik
suliranin ng pananaliksik
6
New cards
tutugon sa suliranin ng pananaliksik ay nangangailangan ng pagtitiyak ng uri ng ebidensya at impormasyon upang subukin ang mga teorya, tahasin ang Programa o kaya'y ilarawan ang ugnayan ng mga kalahok sa pananaliksik.
pangangalap ng impormasyon
7
New cards
Kailangang tiyakin na ang kabuuang disenyo ay lohikal na sasagot sa mahahalagang tanong ng pananaliksik. (Tama o Mali)
Tama
8
New cards
Madalas na nagiging pagkakamali ng m,ga mananaliksik ang agad na paglusong sa imbestigasyon at pangangalap ng datos, bago pa man kritikal na pag-iisipan kung anong mga tiyak na impormasyon ang kailangan upang tugunan ang suliranin ng pananaliksik. (Tama o Mali)
Tama
9
New cards
kung mailatag nang maayos ng isang mananaliksik ang_______, tiyak na makakamit nito ang Matutukoy nang malinaw ang suliranin, Madaling makabubuo ng rebyu at sintesis, at Malinaw at tiyak na matutukoy ang mga hypotesis
sistema at disenyo ng pananaliksik
10
New cards
Ano ang mga pweding makakamit kapag mailatag nang maayos ng isang mananaliksik ang sistema at disenyo ng pananaliksik
Matutukoy nang malinaw ang suliranin ng pananaliksik at mapangangatwiranan ang pagkakapili nito., Madaling makabubuo ng rebyu at sintesis ng mga naunang pag-aaral na may kinalaman sa paksa at suliranin ng ginagawang pananaliksik, Malinaw at tiyak na matutukoy ang mga hypotesis na pinakasentral sa pag-aaral;Epektibong matutukoy at mailalarawan ang datos na kailangan sa pagsubok ng mga hypotesis at maipaliliwanag kung paanong makakalap ang mga datos na ito at Mailalarawan ang mga pamamaraan ng pagsusuri na gagamitin upang alamin kung tama o mali ang mga hypotesis.
11
New cards
Nahahati ang iba't ibang paraan at kategorya ang disenyo ng pananaliksik batay na rin kung anong ________ ito nakalinya. Ang pangkalahatang distinksyon ng disenyo ang pagiging kuwantitatibo (quantitative) o kuwalitatibo (qualitative) ng pananaliksik.
disiplina
12
New cards
Ito ay tumutukoy sa sistematiko at empirikal na imbestigasyon ng iba't ibang paksa at penomenong panlipunan sa pamamagitan ng matematikal, estadistikal at mga teknik na pamamaraan na ginagamitan ng kompyutasyon.
Kuwantitatibo
13
New cards
Nasusukat at nakabalangkas na pamamaraan sa pananaliksik gaya ng sarbey, eksperimentasyon at pagsusuring estadistika.
Kuwantitatibo
14
New cards
Kapaki-pakinabang ang __________panananliksik sa mga mananaliksik na nais mag-aral at mag-imbestiga ng mga malakihan at pangkalahatang padron ng pagkilos at pag-uugali ng tao.
Kuwantitatibong
15
New cards
Kadalasang tiyak, mapanlahat at deskriptibo ang kongklusyon ng mga pananaliksik
Kuwantitatibo
16
New cards
Ito ay kinapapalooban ng mga uri ng pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang unawain ang pag-uugali at ugnayan ng mga tao at ang dahilan na gumagabay rito.
Kuwalitatibo
17
New cards
Ang disenyong ito ay pinapatnubayan ng paniniwalang ang pag-uugali ng tao ay laging nakabatay sa mas malawak na kontekstong pinagyayarihan at ang mga panlipunang realidad gaya ng kultura, institusyon, at ugnayang pantao na hindi maaaring mabilang o masukat.
Kuwalitatibo
18
New cards
•Layunin nitong magpakita ng malinaw at detalyadong salaysay ng karanasan ng tao.
Kuwalitatibo
19
New cards
masasabing subhetibo ito
Kuwalitatibo
20
New cards
masasabing obhetibo ito
Kuwantitatibo
21
New cards
sinsuri nito ang datos galing sa obserbasyon o panayam
Kuwalitatibo
22
New cards
gingamitan ng estadistika sa pagsusuri ng datos
Kuwantitatibo
23
New cards
sumasaklaw ito sa mga masusukat na mga katangian katulad ng bigat, haba, sukat atbp.
Kuwantitatibo
24
New cards
Ito ay isang pag-aaral na idinisenyo upang ilarawan ang mga kalahok sa isang tumpak na paraan.
Disenyong Deskriptibo (Descriptive Design)
25
New cards
Nasusuri ng mananaliksik ang pangkalahatang kalagayan ng paksang pinag-aaralan sa pamamagitan ng pagkuha ng makabuluhang impormasyon sa mga tagapagsagot ayon sa antas ng kalagayang panlipunan, opinyon at kaalaman ukol sa isyung sasaliksikin.
Sarbey (Survey)
26
New cards
Ano ang dalawang uri ng sarbey?
census at sample survey
27
New cards
masusing mapag-aralan ang isang tiyak na indibidwal o grupo. Sa pagsasagawa nito, kailangang pagtutuunan ng pansin ng mananaliksik ang mga katangian o kilos ng indibidwal o grupo ng pag-aaralan.
Case Study
28
New cards
sinusuri ng mananaliksik ang posibilidad na maging maunlad ang isang negosyo o kompanya batay sa pagsisiyasat ng mga salik na may kaugnayan dito
Feasibility Study
29
New cards
Sinusuri ng mananaliksik kung may kaugnayan baa ng dalawang baryabol o salik sap ag-aaral na ito na may parehong uri ng populasyon.
Correlational Study
30
New cards
tumutukoy sa tiyak na bilang at uri ng mga tao o bagay na pagkukunan ng impormasyon o datos na kakailanganin
POPULASYON
31
New cards
Natutukoy din nito ang mga taong hihingan ng im[pormasyon o pag-aralan batay sa layunin at saklaw ng pananaliksik.
POPULASYON
32
New cards
Ano ang mga salik sa pagpili ng populasyon?
Lokasyon, Oras o Panahon, Edad, Komunikasyon
33
New cards
Tawag sa piling taong bahagi ng kabuuang populasyon ng pagkukuhanan ng sagot. Ang sample na ito ang magsisilbing representasyon ng tinukoy o target na populasyon na magiging tagapagsagot o respondent.
SAMPLE
34
New cards
Isang pamamaraan upang matukoy kung sapat ang bilang ng mga taong isasama sa pag-aaral at naipaliliwanag kung bakit ito ang uri ng sampling na gagamitin batay sa layunin. Sa usaping populasyon, tumutukoy ang sampling sa tiyak na bilang ng mga tao na saklaw ng pag-aaral.
SAMPLING
35
New cards
Ano ang dalawang uri ng sampling?
•PROBABILITY SAMPLING, NONPROBABILITY SAMPLING
36
New cards
Ano ang mga uri ng probability sampling ?
Payak na Random Sampling (Simple Random Sampling), Sistematikong Sampling, Stratified Sampling, Cluster Sampling
37
New cards
Sa uri ng sampling na ito, ang kabuuang bilang ng yunit ng populasyon ay hinahati sa balak na laki ng sample
Sistematikong Sampling
38
New cards
Ginagamit ang cluster sampling kung lubhang Malaki at marami ang bahagi ng populasyon. Halimbawang pag-aaral ay ang Antas ng stress ng mga doctor sa Pilipinas.
Cluster Sampling
39
New cards
Paraan ng sampling na pinipili batay sa pansariling pagsusuri at pagsisiyasat ng mananaliksik. Dito, hindi tuwirang natutukoy kung mapipili ba o makakasama ang lahat ng yunit o bahagi ng populasyon sap ag-aaral. Samakatuwid, hindi proposyunal ang sample na kinukuha sa kabuuang populasyon.
NONPROBABILITY SAMPLING
40
New cards
Kilala rin bilang accidental sampling dahil ito ang pinakamadaling pagkuha ng sample. Halimbawa, sa pananaliksik ang pagtukoy ng mga salik na nakaiimpluwensiya sa pagbili ng isang produkto, ang unang sampung mamimili na Makita ng mananaliksik ang kanyang magiging tagapagsagot
Convenience Sampling
41
New cards
Kailangang magkatumbas ang bilang ng mga bahagi ng popuilasyon ang kukunin. Halimbawa sa pananaliksik sa uri ng programang pantelebisyon na pinanonood ayon sa edad,kailangang pareho ang bilang ng tagapagsagot na kabataan at matatanda
Quota Sampling
42
New cards
Nakukuha ng mananaliksik ang impormasyon sa pammagitan ng pagmamasid sa mga taong tagatugon ng pag-aaral. Mabisa ang obserbasyon sa mga pananaliksik na may kinalaman sa agham panlipunan kung saan kailangang suriin ng mananaliksik ang kilos o reaksyon ng mga tao sa komunidad o paligid. Sa obserbasyon, tinitingnan ng mananaliksik kung paano nakaapekto ang paligid sa mga taong namamalagi dito.
Obserbasyon
43
New cards
Batid ng mananaliksik ang dapat tingnan at suriin sa lugar at mga taong naroon tulad ng kanilang pamumuhay.
Estruktura (Structured)
44
New cards
Ang mananaliksik ay nasa lugar at itinatala lamang kung ano ang nakikita o anumang nakapupukaw ng kanyang interes na may kinalaman sa pag-aaral.
Obserbasyong Walang Estruktura
45
New cards
Naghahanda ang mananaliksik ng tiyak na mga tanong para sa mga taong makapagbibigay sa kanya ng wastong impormasyon. Maaaring ang mga taong kakapanayamin ay mga dalubhasang eksperto sa kanilang larangan. Makakatulong sa pagsusuri ng mananaliksik ang saloobin o pananaw ng kakapanayamin upang magkakaroon ng mayamang pagtatalakay ang pananaliksik
Pakikipanayam o Interview
46
New cards
Mainam na gamitin ang pakikipanayam sa mga pananaliksik tungkol sa
agham panlipunan o kasaysayan.
47
New cards
Halos katulad ng pakikipanayam, ngunit sa halip na kinakausap ng mananaliksik ang taong kabilang sa pag-aaral, binibigyan ito ng talatanungan kung saan maaaring isulat ang sagot sa panayam. Mas mainam ang ito dahil nakatala ito at mas masusuri itong mabuti ng mananaliksik.
Pagpapasagot sa Talatanungan
48
New cards
Karaniwang nahahati sa dalawang bahagi ang talatanungan. Matutunghayan sa unang bahagi ang________ kung saan hinihingi ang mga personal na impormasyon na mahalaga sa pananaliksik at kasama sa susuriin.
personal na impormasyon o demographic profile (edad, kasarian, Antas ng pinag-aralan, Kursong kinuha sa kolehiyo, Ranggo sa klase batay sa Marka, Kinikita ng magulang sa loob ng isang taon, Relihiyon)
49
New cards
Sa talatanungan, Upang mas madaling sagutan at maayos ang pagtally ng bawat sagot, mainam na lagyan ng pagpipilian. Sakaling maraming maaaring pagpipilian, ilagay ang "ibang sagot" at lagyan din ng patlang kung saan maaaring isulat ang ibang sagot na wala sa pagpipilian. Tiyakin din ang malinaw ang panuto upang alam ng tagapagsagot kung ano ang gagawin (Tama o Mali)
Tama
50
New cards
May iba't ibang uri ang talatanungan na maaaring mahati sa dalawa, ano ang mga ito?
standardized test at nonstandardized test (sariling gawa o self made test)
51
New cards
Ano ang mga uri ng standardized test?
Sikolohikal na pagsusulit (Psychological Test) at Sinusukat nito ang abilidad o personalidad ng isang tao.
52
New cards
Sinusukat nito ang antas ng katalinuhan o Intelligence Quotient (I.Q) ng isang tao batay sa kanyang kapasidad na maproseso ang mga tanong na may kinalaman sa bilang (numerical reasoning), salita (verbal reasoning, simbolo (logical o abstract reasoning) at analohiya.
Pagsusulit ukol sa katalinuhan (Intelligence Test)
53
New cards
Sinusukat nito ang antas ng kakayahan o abilidad ng isang tao upang makita kung gaano siya kahusay o kabihasa rito.
Pagsusulit ukol sa kakayahan (Aptitude Test)
54
New cards
Sinusukat nito ang katangian, pag-uugali o personalidad ng isang tao, tulad ng Myers Briggs Type Indicator (MBTI) at Sixteen Personality Factors Questionnaire (16PF).
Pagsusulit ukol sa Personalidad (Personality Test)
55
New cards
Sinusukat nito ang gusto o nais ng isang tao na may kinalaman sa antas ng kanyang interes sa isang propesyon o bokasyon.
Pagsusulit ukol sa Interes (Interest Test)
56
New cards
Mga panukat na hindi unibersal at kailangan sumailalim pa sa pagsusuri ng mga dalubhasa upang matiyak ang validad at realidad nito.
Self-Made o Teacher-Made Test
57
New cards
•isang halimbawa ng pagpipiliang sagot sa isang talatanungan.
Iskalang Likert (Likert Scale)
58
New cards
kailangang tiyakin ng mananaliksik ang saklaw ng nilalaman ng panukat at kung sapat na ito. Dapat na ipakita ng mananaliksik ang ginawang panukat sa mga dalubhasa upang masuri ito. Mabuti rin na sumangguni sa ibang mga halimbawa ng panukat bilang gabay.
content validity
59
New cards
kailangang tiyakin ng mananaliksik kung anong mga teorya o pag-aaral ang naging batayan sa uri ng panukat na ginamit. Dapat may mga teorya o pag-aaral ba makasusuporta sa panukat na ginawa upang makatiyak na maaayos ang pagkakabuo ng panukat.
construct validity
60
New cards
maipapakita nito kung lagi bang pareho at matibay ang resulta ng datos na nakukuha mula sa mga tagapagsagot. Maaaring walang realibilidad ang isang panukat kung pabago-bago ang resultang nakuha mula sa parehong uri ng tagapagsagot
realibilidad
61
New cards
kailangang tiyakin ng mananaliksik ang saklaw ng nilalaman ng panukat at kung sapat na ito. Dapat na ipakita ng mananaliksik ang ginawang panukat sa mga dalubhasa upang masuri ito. Mabuti rin na sumangguni sa ibang mga halimbawa ng panukat bilang gabay.
content validity
62
New cards
Ang mga pangunahing pinanggagalingan ng kaugnay na babasahin ay mga batas at mga direktiba ng mga departamento katulad ng
sirkular, memorandum, order
63
New cards
ginagamit mo sa pananaliksik bilang mga legal na basehan para sa paradigm ng pag-aaral
batas at direktiba
64
New cards
Ang paggamit sa mga ito ay nangangahulugang ang pag-aaral ay may direkta o hindi direktang implikasyon sa mga tunguhin ng pamahalaan.
batas at direktiba
65
New cards
lahat ng mga naisulat ng isang bansa o isang panahon o isang aklat na tumatalakay sa isang mahalagang paksa bilang sining katulad ng drama, piksiyon, sanaysay, tula, talambuhay at iba pa
literatura
66
New cards
anumang nakalimbag na material, impormasyon o artikulo na mababasa sa mga aklat, magasin, peryodikal, encyclopedia, journal, pahayagan at iba pang lathalain, talumpati, sulat, talaarawan, bulletin at mga ulat na tumutugon sa mga kinakailangang ekspresyon ay maituturing na ?
literatura
67
New cards
Ang literatura ay maaring i-klasipika bilang?
literaturang internasyunal o lokal na publikasyon.
68
New cards
Ito ang mga sangguniang pangunahing kailangan ng isang mananaliksik. Ito ay nakatutulong para magbigay ng ideya sa iba't ibang sanggunian - artikulo, monograp, aklat at ibang dokumento- na direktang may kaugnayan sa suliranin ng pananaliksik. Ang mga pangkalahatang sanggunian ay karaniwang index kung saan nakasulat ang awtor, pamagat at lugar ng pinaglimbangan ng artikulo o ibang material o abstrak.
Pangkalahatang Sanggunian (General References)
69
New cards
Ito ay ang lathalaing kinasusulatan ng mga ulat ng mga mananaliksik tungkol sa kanilang isinagawang pag-aaral. Direktang ibinahagi rito ng mga awtor ang kanilang mga natuklasan sa pag-aaral sa kanilang mga mambabasa.
Pangunahing Sanggunian (Primary Sources)
70
New cards
Ito ay mga lathalaing kinasusulatan ng mga paglalarawan ng mga may-akda sa resulta ng pananaliksik ng ibang awtor. Ang mga karaniwang pangalawang sanggunian sa pananaliksik sa edukasyon, halimbawa ay mga teksbuk. Ang mga iba pang halimbawa ay encyclopedia, rebyu ng pananaliksik at taunang aklat o yearbook.
Pangalawang sanggunian (Secondary Sources)
71
New cards
Nabibilang sa bahaging ito ang mga pananaliksik na karaniwang hindi nalathalang material o unpublished material katulad ng mga manuskrito, pamanahong papel, tesis, disertasyon na naunang naisagawa at may kaugnay sa kasalukuyang pag-aaral. Maaari itong uriin bilang lokal, kung ang pag-aaral ay isinagawa sa loob ng bansa at internasyonal kung ang pag-aaral ay isinagawa sa labas ng bansa.
Kaugnay na Pag-aaral
72
New cards
Ang bahagi namang ito ay nagsasaad ng pagkakatulad o pagkakapareho ng kasalukuyang pag-aaral sa mga nauna na. Binabanggit din dito ang pagkakaiba ng kasalukuyang pag-aaral sa mga inilahad na kaugnay na pag-aaral.
Sintesis
73
New cards
Mahalagang bahagi ito sapagkat ipinakikita ang pagkakaugnay ng kasalukuyang pag-aaral sa mga pag-aaral na binabalikan. Binibigyang buod at diin nito ang mga kahalagahan ng kasalukuyang pag-aaral.
Sintesis
74
New cards
Ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral ay ipinipresenta ayon sa ?
Paksa
75
New cards
. Kailangang magbigay ka bilang mananaliksik ng __________ ng iyong mga nasaliksik na literatura na may kaugnayan sa iyong pag-aaral.
maikling buod
76
New cards
Ang pangangalap ng kaugnay na literatura ay kinakailangang komprehensibo kung maari - isang payak na dulog upang malinaw na mai-ugnay ang isang pag-aaral sa iba pang pag-aaral.
Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
77
New cards
kinakailangang komprehensibo kung maari - isang payak na dulog upang malinaw na mai-ugnay ang isang pag-aaral sa iba pang pag-aaral.
Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
78
New cards
mahalaga sa pagdedetermina ng pangkalahatang kredibilidad ng pananaliksik sapagkat nagpapakita ito ng mga nakaraang mga pananaliksik at mga literatura na nagbibigay gabay sa pangunahing tunguhin ng isinasagawang pananaliksik.
Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
79
New cards
mga kaugnay na literatura ay hindi lamang tumutukoy sa mga nakaraang pag-aaral na isinagawa, gayundin ay nakadaragdag ito ng makabagong impormasyon.
80
New cards
Ito ang mga nakapaglalaan ng higit na makabagong impormasyon kumpara sa ilang mga batayang aklat. Ang mga kagamitang ito ay nakapagdaragdag ng iskolastikong halaga ng pananaliksik.
dyornal, mga magasin at pahayagan
81
New cards
mahalagang salik sa pagpapakita at paglalahad ng mga makabagong impormasyon.
ang mga impormasyon na nakukuha sa internet
82
New cards
Nahahati ang bahaging ito ng pananaliksik sa mga sumusunod
Banyagang Pag-aaral, Banyagang Literatura, Lokal na Pag-aaral at Lokal na Literatura
83
New cards
Sa loob ng teksto, isulat lamang ang
ang huling pangalan ng may -akda
84
New cards
Gawing _________________ ang pagkakaugnayan ng mga pag-aaral na dumaan sa rebyu. Hangga't maaari, ipakita ang mga punto ng kahinaan at kalakasan ng bawat pag-aaral. Ipakita rin kung paano ang mga nirerebyung pag-aaral ay naugnay sa kasalukuyang pag-aaral.
malinaw
85
New cards
Lagumin ang rebyu at maglaan ng magandang pagkakasunod mula sa nakalipas na pag-aaral tungo sa isinasagawang pananaliksikDito makikita kung paano ______________
nabuo o naugnay ang ginawang riserts mula sa mga nakaraan.
86
New cards
Inilahad sa kabanatang ito ang pangkalahatang larawan ng paksang pampananaliksik
Mga Kaugnay na Literatura
87
New cards
Layunin dito na ipakita ang mga nagawa o hindi pa nagagawang pananaliksik ukol sa suliranin at bigyang linaw ang rasyonaleng teoritikal ng problema.
Mga Kaugnay na Literatura
88
New cards
naaayon sa mga pag-aaral na kinabibilangan ng layunin, metodo, o mga natuklasan ay may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral.
Mga Kaugnay na Pag-aaral
89
New cards
Ihain ang pagtalakay ng mga nabanggit na layunin, pamamaraan ng pag-aaral, mga pangunahing natuklasan, at kongklusyon sa anyo ng maikling kritikal na pag-aanalisa.
Mga Kaugnay na Pag-aaral
90
New cards
Ito ang pagtuklas at pagsubok ng isang teorya para sa paglutas ng suliranin at nangangailangan ng bigyan ng kalutasan
pananaliksik
91
New cards
Ito ay isang makaagham na pagsisiyasat ng phenomena, ideya, konsepto, isyu at mga bagay na kinakailangang bigyang linaw, patunay o pasubali.
pananaliksik
92
New cards
Ang Pananaliksik ay mahalaga sa pag-unlad ng isang bansa

Ito ay may malaking papel na ginagampanan sa pag-unlad mg ating komunidad, kalakalan, edukasyon, pulitika at iba pa.

Nangangailangan ito ng mahabang panahon at paghahanda sa pagsulat.

May proseso / hakbang na dapat sundin upang maging maayos at maganda ang kahinatnan ng gawaing pananaliksik. (Alejo,et al.2008)
Pananaliksik
93
New cards
Makatuklas ng bagong datos o impormasyon at kaalaman

Magbigay ng bagong interpretasyon sa lumang ideya

Maglinaw sa isang isyu

Manghamon sa katotohanan ng isang tanggap o pinapalagay na makatotohanang pahayag.

Magpatunay na balido ang isang konsepto, idea, paniniwala, palagay, pananaw at pahayag.

Mapapaunlad ang sariling kamalayan
Kahalagahan at Layunin ng Pananaliksik
94
New cards
ang pananaliksik ay ang maingat, masinop at pangkalawakang imbestigasyon ng isang tiyak na paksa at may layuning sumulong ang kaalaman ng sangkatauhan.
Manheim (1977)
95
New cards
ang pananaliksik ay maingat at sistematikong paghahanap ng kaukulang impormasyon o datos sa tiyak na paksang pag-aralan. Ang mananaliksik ay nagsimulang magbasa at magsuri ng mga datos bilang paghahanda sa pagsulat ng pananaliksik
Aguino (1974),
96
New cards
isang proseso ng paglilikom ng mga datos o impormasyon para, malutas ang isang partikular o tiyak na suliranin sa isang siyentipikong paraan.
Manuel at Medel (1976)
97
New cards
ang pananaliksik ay ang matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri at kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian, problema, isyu o aspektong kultura at lipunan.
Atienza at iba pa (1996) ng Unibersidad ng Pilipinas
98
New cards
nagbigay ng katuturan ng pananaliksik bilang sistematikong pag-aaral o pagsisiyasat bilang pagsagot sa mga tanong na ginawa ng mananaliksik.
Parel Sanchez (1980)
99
New cards
nagbigay ng puna na ang pananaliksik ay isang pagtatangkang makahanap ng mga solusyon sa mga suliranin. Ito ay tinitipong mga datos sa kontroladong sitwasyon para sa pagpapaliwanag at pagbibigay ng prediksyon.
Treece at Treece (1977),
100
New cards
ang pananaliksik ay isang aktibo, matiyaga at sistematikong prosesong pagsisiyasat para makatuklas, makapagbibigay ng interpretasyon o baguhin ang katotohanan, pangyayari,asal at teorya.
ensayklopidya