1/48
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
|---|
No study sessions yet.
Tekstong Prosidyural
Isang espesyal na uri ng tekstong expository ang tekstong prosidyural. Inilalahad nito ang serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang matamo ang inaasahan. Nagpapaliwanag ito kung paano ginagawa ang isang bagay. Layunin nitong maipabatid ang mga wastong hakbang ba dapat isagawa.
Tekstong Argumentatibo
Isang mahalagang bahagi ng paninimbang ng pamimilian (choices) ay ang paglalahad ng argumentong magpapatunay ng kahalagahan o kawalan ng kahalagahan ng isang bagay sa ating buhay.
Argumento
ay isa sa pangunahing pinaggagamitan ng wika.
ay ang paraan ng paggigiit ng katotohanan at paghihikayat na mapaniwala ang iyong tagapakinig o mambabasa na kumilos batay sa iyong panig. Madalas sa isang akademikong pagsulat, ang pakikipag-argumento ay isang lamang ng malaking kabuuan
Panig
Ang iyong pananaw o paniniwala.
Dahilan
Mga paliwanag na sumusuporta kung bakit ito ang paniniwalaan.
Patunay
Mga katotohanan (facts), datos, at halimbawa na magpapatunay at magpatibay sa iyong pananaw.
Argumento
Ang pamamaraan kung paanong ang mga ebidensiya ay magdadala sa awdyens sa panig na iyong pinaniniwalaan.
Tekstong Persweysib
ay naglalayong manghikayat ay naglalayong manghikayat sa pamamagitan ng paglalahad ng mga opinion o paniniwala. Maari itong gumamit ng paraang argumentatibo, kung saan hinihikayat ang mambabasa na maniwala at kumilos ayon sa pananaw na inilalahad ng manunulat. Maari tin itong magbahagi sa pamamagitan ng pagtatalakay ng mga perspektiba tungkol sa isang particular na isyu na binibigyan ng rekomendasyon at kongklusyon.
Ethos
Ang tiwala ay mahalaga sa anumang usapin. Ang kredibilidad ng isang indibidwal ay nakasalalay sa kaniayang pagiging mapagkakatiwalaan sa salita at gawa.
Logos
ay tumutukoy sa hikayat ng lohika. Ang mga lohikal na kongklusyon mula sa mga pagpapasya ay nagmumula sa maprosesong paninimbang ng mga katotohanan at estadistika.
Pathos
tumutukoy sa impluwensiya sa damdamin ng awdyens. Ito ay humihikayat sa awdyens sa pamamagitan ng emosyon. Madalas na ginagamit ito sa mga personal na panghihikayat.
Pananaliksik
ay isang maingat at sistematikong pag-aaral at pagsisisyasat sa ilang larangan ng kaalaman na isinasagawa upang tangkaing mapagtibay o mapasubalian ang katotohanan o katwiran.
ay ang muling pagtuklas ng impormasyon o bagong kaalaman. Ito ay isang paraan o proseso ng pagtuklas o pagdidiskubre sa pamamagitan ng iskorlarli o makaagham na paraan upang masagot ang mga katanungan, matugunan ang mga pangangailangan, at mapagtibay ang mga dating kaalaman.
Pamanahong papel
ito ay tumutukoy sa isang proyekto na nagbubuod ng mga kaalaman o karunungang natamo sa isang buong semestre. Kadalasang tinatawag din itong documented paper, library paper, o reading paper.
Ulat
Ito ay pangkalahatang tawag sa alinmang sulatin na masusing naglalarawan ng mga resulta ng mga karanasang firsthand o mga nabasa sa mga primary sources.
Tesis
Ito ay karaniwang tumutukoy sa isang malaking proyekto sa pananaliksik. Ang salitang tesis ay nangangahulugan ng isang panukala o mga punto de bistang ipinagtanggol sa pamamagitan ng argumento.
Disertasyon
Ito ay isang papel pampananaliksik na ipinapasa ng isang kandidato para sa doctoral degree. Kompara sa masteral thesis, ang papel na ito ay nangangailangan ng ibayong pananaliksik at pagbuyo ng mas malawak ng mga ideya.
Plagiarism
ang tawag sa pagtulad o pagkopya sa gawa ng iba at may hangaring manlinlang o manloko. Ito ay pag-aangkin sa pahayag, ideya o larawan ng iba at pagkabigong kilalanin ang ideya at impormasyon ng ibang tao.
Pagpokus sa Paksa
Karaniwang malawak at hindi nakapokus ang paksang maiisip sa simula ng pagbuo ng isang papel pampananaliksik. Ngunit sa proseso ng paghahanap ng mga datos, natutuklasan ang lawak ng impormasyon hinggil sa paksa at nadidiskubre kung alin sa mga ito ang nakatatawag ng pansin at kuryosidad.
Paglalahad ng Paksa
Dahil ang pagbuo ng pananaliksik sa katulad mong nasa senior high school ay paghahanda lamang sa pagsulat mo ng pananaliksik sa larangan mo, mas mainam na balangkasin ang iyong paksa sa anyong patanong.
konseptong papel
ay nagsisilbi ring panimula sa pagbuo ng higit na komprehensibong pananaliksik (fullblown research). Ito ay tumutukoy sa tesis, programa, proyekto, o anumang pagtuklas o pananaliksik na mangangailangan ng mas mahabang panahon.
Deskripsiyon ng paksa.
Inilalahad rito ang kaligiran (background) ng paksa o yaong mga bagay na alam na hinggil sa paksa. Binabanggit din dito ang pinagmulan ng ideya at kung ano ang nagtulak sa iyo upang pag-aralan ang paksang ito. Inilalahad rin dito kung bakit ito mahalagang pag-aralan.
Layunin
Sa bahaging ito inilalahad ang layunin ng gagawing pannaliksik at ang nais na matamo sa gagawing pananaliksik.
Metodolohiya
Dito nagbibigay ng isang pahapyaw na pagtalakay sa mga hakbang kung paano isasagawa ang pananaliksik. Kasama rin kung aong mga datos o materyal ang ikakalap upang masagot ang katanungan.
pagkuha ng tala o note-taking
ay ang pagtatala ng mahahalagang aytem ng impormasyon na nabasa o napakinggan.
Pagbabalangkas
ay isang paraan ng pag-oorganisa ng mga impormasyon upang maipakita ang pagkakasunod-sunod nito. Ito rin ay isang kasangkapan sa pagkakaroon ng direksiyon ng sulatin.
Impormal na Balangkas
Maaring matapos kang pumili ng paksa at nagtingin-tingin ng mga posibleng materyal na gagamitin sa pagbuo mo ng papel pampananaliksik ay bumuo ka ng isang impormal na balangkas.
Pormal na Balangkas
Ito ang inaasahan sa iyo ng guro kapag tapos ka nang mangalap at magsaayos ng datos batay sa nabuo mong tesis para sa iyong isinisagawang papel.
balangkas sa paksa
ay natataglay ng mga salita, parirala, o sugnay.
balangkas sa pangungusap
ay nagtataglay ng buong pangungusap.
Unang level
pangunahing ideya
Pangalawang level
suportang ideya ng pangunahing ideya
Pangatlong level
suportang ideya ng suportang ideya
Paralelismo
Kinakailangang ang mga pahayag ay may konsistensi. Kung ang unang bahagi ay gumamit ng pangngalan bilang heading, gayon din ang gamitin sa mga susunod pang heading at subheading.
Koordinasyon
kinakailangang ang mga impormasyon sa unang heading ay kasintimbang sa paksa sa mga susunod pang heading. Gayundin ang dapat isaalang-alang sa mga subheading.
Subordinasyon
Ang mga impormasyon sa mga heading ay kailangang pangkalahatan, samantalang ang impormasyon sa mga subheading naman ay mas tiyak.
Dibisyon
ang bawat heading ay kailangang may dalawa o higit pang subheading. May mga pagkakataon ding ang subheading ay mayroon pang mas tiyak na detalye o impormasyon o subsubheading.
Pagsulat ng introduksiyon
ay kadalasang silbi. Ito ang nagsasabi kung tungkol saan ang papel at kung ano ang tunguhin nito. Sa bahaging ito rin nagaganap ang pagtawag sa atensiyon at pagpukaw sa interes ng mambabasa. Ginagamit din ito upang mapadali ang paglipat tungo sa katawan ng papel.
Pagsulat ng katawan
siguruhing sapat ang ebidensiyang nakalap upang isulong ang iyong tesis. Makabubuti din ang paglalagay ng heading sa bawat pangunahing bahagi ng iyong balangkas upang mahinuha ng mga mambabasa kung ano ang tinatalakay mo sa bawat bahagi ng iyong papel. Ito rin ay magsisilbing hudyat sa pagbabago ng mga ideya sa iyong sulatin.
Gumamit ng iba’t-ibang salitang transiyunal upang maging mas malinaw na mambabasa ang pagkakaugnay-ugnay ng mga bahagi ng iyong papel. Makakabuti ring ipaliwanag ang ilang mga teknikal na terminong ginamit sa iyong papel.
Pagsulat ng kongklusyon
isa pang mahirap gawain ay kung paano tatapusin ang isang sulatin. Ano pa nga ba naman ang masasabi mo pa kung nasabi mo nang lahat ang nais mong sabihin sa iyong papel.
Paglikha ng Pamagat ng Sulatin
Ang huling yugto ng pagsulat ng iyong papel. Hangga’t maari, ang pamagat ay dapat na nagpapahiwatig o nagpapakilala sa nilalaman ng papel habang pumupukaw ng atensiyon ng mambabasa.
Rebisyon at Editing
Pagkatapos maisulat ang iunang borador, makabubuting isantabi muna ito at balikan pagkaraan ng ilang araw. Mas matagal na panahonbago mo balikan ang iyong sinulat, mas mabuti. Dahil sariwa na naman ang isip mo, magkaroon ka ng panibagong pagtingin sa iyong papel.
Ikaw bilang editor
Basahin nang mabuti at nang may tunay na interes ang bawat papel na para bang ikaw mismo ang kinakausap ng awtor. Sa pagsusuri ng papel, laging isaisip na ikaw ay kaibigan at ang tanging layunin mo sa pagsusuri ng papel ay ang matulungang mapahusay ng iyong kaibigan ang kaniyang papel.
Tuntunin sa pag-edit
sa unang pagbasa, basahin muna ang kabuuan para makuha ang pangkalahatang impresyon ng papel. Huwag hihinto sa pagbabasa para lamang magtanong o magbigay ng komento. Matapos ang unang pagbasa, isulat sa kahon sa ibaba ang pangkalahatang impresyon mo sa papel.
Mekaniks ng pagsulat
Matapos tasahin at suriin ang kalinawan at pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap sa bawat talata, mahalaga ring pagtuunan ng pansin ang mekaniks ng pagkakasulat. Tingnan kung may pagkakamali sa bantas, pagbabaybay, gayundin ang mga tipograpikal na kamalian.
Dokumentasyon
ay paraan upang maiwasan ang plagiarism. Maging ito man ay sa paraang pagtatala o sa pamamagitan ng parententikal na pagbanggit, ito ay isang paraan ng pagkilala sa mga ginamit na sanggunian ng mga ideya at impormasyon.
ang tawag sa pagtatala ng mahahalagang detalye ng sanggunian upang mabigyan ito ng karampatang pagbanggit sa isinasagawang papel pampananaliksik.
Sistemang Talababa-Bibliyograpiya
Sa sistemang ito, ang mga impormasyon tungkol sa pinagkunan ng datos (impormasyong bibliyograpikal) ay inihahanay sa talababa (footnote).
Sistemang Parententikal-Sanggunian
Ang bibliyograpikal na datos ay inilalagay pagkatapos ng salita o ideyang hinalaw.
istilong American Psychological Association (APA)
ay isang kalipunan ng mga tuntuning ginagamit noon ng mga awtor sa pagsusumite ng mga publikasyon sa journal ng APA simula pa noong 1929. Ginamit ito bilang gabay sa pagbuo ng mga siyentipikong papel, ulat panlaboratoryo, at pananaliksik sa ilalim ng disiplinang sikolohiya, edukasyon, at iba pang agham panlipunan. Gumagamit ito ng in-text citation, tuwirang sipi, talababa, at endnote. Gumagamit din ito ng anyong pangnakaraan sa pandiwa.
istilong Modern Language Association (MLA)
naman ay higit na killa at ginagamit bilang istilo ng dokumentasyon sa mga pananaliksik panliteratura at iba pang pag-aaral sa ilalim ng disiplinang Humanidades. Sumusunid ito sa mga tiyak na tuntunin ng pagpormat na manuskrito at itinuturing ding isang istandardisadong pormat na magagamit tulad ng APA.